Chapter 29

567 23 0
                                    

Pagkaalis ni Jake ay pumasok na ako sa loob ng room ni Robin. Nakita kong nakatalikod siya sa akin. I need to pretend that I know what happened to our baby. Ayaw kong makitang sisihin ni Robin ang nangyari.

Kailangan ko maging matatag para sa asawa ko.

"Robin." Nakita ko ang pahid niya sa kanyang mata. I know she's crying. Ayaw lang niya pakita sa akin.

"Hmm?" Humarap na siya at ngumiti na kahit alam kong napipilitan lang siyang ngumiti. Ayaw niyang ipakita sa akin nahihirapan siya.

"How are you?" Tanong ko at kumuha ako ng silya para umupo sa tabi ng kama niya.

"I'm fine. And the baby too."

"T-That's good."

"Kamusta na ang kalagayan ni mama?"

Mama? Ang sarap naman sa pandinig dahil talagang tinatawag na niyang mama ang mama ko for the last time.

Konting katahimikan because I don't know how to say this.

"S-She's gone." Sabi ko ng hindi nakatingin sa kanya.

"What do you mean she's gone?" Isang hagulgol ang narinig ko mula sa kanya.

"Wala na siya. She didn't survive during the operation. Ang daya nga, eh pati siya iniwanan na rin ako."

"M-Miggy, I'm sorry. W-Wala akong magawa para iligtas ang mama mo. Nang dahil sa akin kaya may nawala na naman na mahalaga sayo. I-I'm really sor—"

"Shhh... Stop it. Don't blame yourself. Wala kang kasalanan sa nangyari." Niyakap ko siya pero tuloy lang sa pagiyak si Robin. She keeps on blaming herself.

"Wala ka naman balak makipaghiwalay sa akin, diba?"

"Bakit ko naman gagawin iyon? Baka ikaw pa nga itong makipaghiwalay sa akin pero hindi naman ako papayag kung pati kayo ng baby natin ay mawala sa akin."

Ang hirap ng ganito. Hindi ko kayang maglihim na kaya ko ang ganitong bagay. Pati ang sarili ko ay nahihirapan na rin.

"Ano na ang plano mo ngayon?"

"Maybe we should start a new life together. Baka doon na lang tayo tumira sa bahay. Sayang naman kung wala na nakatira doon. Hindi matutuwa si mama."

Ilang araw na ang lumipas ay pinayagan na lumabas si Robin ng ospital kaya imbes sa bahay kami ay sa apartment na muna. Maybe next week lilipat na kami sa bahay pagkatapos siguro ng libing kay mama.

"How are you?" Tanong ko sa kanya.

"I'm fine. Why are you keep on asking me?"

"I'm so worried. Ang tahimik mo kasi simula pa kanina." Tumabi ako sa kanya sa sofa. "Hanggang ngayon ba sinisi mo pa rin ang nangyari kay mama?"

"I can't help it."

"Stop it." Niyakap ko siya at mas pinalapit ko pa siya sa akin. "I know my mom. Kahit noon pa lang ay hindi ko nakita o narinig sa kanya na sinisi ka sa nangyari kay papa noon. Kaya hindi rin kita sinisi sa nangyari. Hindi mo naman kasalanan."

"Miggy, bakit ang bait mo sa akin? Kahit inaasar na kita ay hindi ka nagagalit o napipikon sa akin."

"Nagagalit rin naman ako sayo pero ayaw ko naman masaktan ka. Mas iniintindi na lang kita kahit mahirap. Kung saan ka masaya. Mahal kasi kita, Robin."

I know Robin loves me too dahil gising ako noong gabing iyon. Hindi nga lang ako nago-open up tungkol doon dahil gusto ko kay Robin mismo mang galing hindi sa akin. Naghihintay lang ako kung kailan siya maging handa para sabihin sa akin.

"Huwag ka na magisip ng kung ano na pwedeng ikasama sayo at sa baby."

Shit. Ang hirap magpanggap na nandiyan pa rin ang anak namin. Ang hirap magsabi na okay lang ako pero sa kaloob looban ko ay hindi naman talaga ako okay.

Nakita kong nakatulog si Robin habang yakap-yakap ko siya kaya dahan-dahan akong umaalis sa tabi niya at binuhat ko siya ng bridal style. Dinala ko na rin si Robin sa kwarto namin para maging kumportable siya.

Nagpalit na ako ng damit at lumabas na ako ng kwarto para pumunta sa kusina saka umupo sa harap ng hapag. Damn! Ang sakit na talaga. Sobrang sakit. Pero kailangan ko maging malakas para sa asawa ko.

Binuksan ko ang refrigerator pero napansin ako ang isang supot ng mangga. Konti na lang ang laman nito. Sayang lang kung itatapon ito.

Kaysa itapon ay kakainin ko na lang.

Kumuha ko ng isang mangga at binalatan ko na rin saka kinain.

"Miggy." Napalingon ako habang nasa bibig ko ang kinakain kong mangga.

"May kailangan ka sa akin?"

"Hindi pa ba tayo babalik sa burol? Baka kasi nandoon na rin yung ibang bisita."

"Yes. Magasikaso ka na at tapusin ko lang itong kinakain ko. Sorry kung kumuha ako ng mangga mo."

"Ayos lang." Tumalikod na siya sa akin para pumasok sa banyo.

Bumuga ako ng hangin ng matapos na akong kumain ng mangga at naghugas ako ng kamay pati ng bibig dahil ang langkit kaya ng mangga.

Naging busy kami nitong linggo hanggang sa nilibing na si mama sa tabi ni papa. Pangako manghihiganti ako sa taong may gawa nito sa mama ko. Hindi ko alam kung ano ang atraso ng pamilya ko para gawin ito sa amin. Kung isa siya sa mga nakaharap ko sa isang misyon ay dapat ako ang harapin niya, hindi ang pumatay ng isang inosenteng tao. Kung matapang siya ako ang harapin niya. Hindi ako magdadalawang isip na kalabanin ko siya ng harap harapan hanggang kamatayan.

"Pre, okay ka lang ba?" Tanong ni Neil sa akin. Nandito silang lahat, even Kurt and his family.

"Kahit ba sabihin ko sayo na okay lang ako ay maniniwala ka ba?"

"Hindi dahil kilala kita."

"Kaya huwag mo na itanong kung okay lang ba ako dahil kahit anong gawin natin ay hindi na maibabalik ang buhay ng mama ko."

"Ano ang gagawin mo?"

"Hahanapin ko ang may gawa nito. Hindi ko mapapatawad ang ginawa niyang pagpatay kay mama. Kung matapang siya ay harapin niya ako."

"Are you crazy? Kung gagawin mo iyan ay para ka na rin nagpakamatay." Tumingin ako kay Kurt.

"Kailangan kong ipaghiganti ang ginawa niya kay mama, Kurt."

"Naiintindihan kita pero isipin mo kung may mangyari sayo ay pwede mong iwanan si Robin. Paano ang asawa mo kung mangyari iyon ah? Isipin mo, Mig."

Napaisip ako bigla dahil kahit kailan ay hindi talaga sumagi sa isipan ko kung ano ang pwedeng mangyari sa akin. Pwede kong iwanan na magisa si Robin. I made a promise that I won't leave her side.

~~~~

Hi y'all.

HAPPY MOTHER'S DAY to all mommy, nanay, ina, ermats, mama at kung ano pa ang tawag. :)

I Lay My Love On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon