Chapter 9

636 22 0
                                    

Ilang araw na rin simulang nakabalik kami ng Manila at ano pa nga ang nangyari sa misyon. My another failed mission. Sana na rin naman ako na ganito ang mangyayari sa mga misyon ko pero kay Robin. Paniguradong ito ang unang misyon niyang pumalpak.

Speaking of Robin, I haven't seen her around yet.

Lumabas na ako sa kwarto ko para puntahan sa kwarto niya at kakatok na sana ako sa pinto ng marinig kong nagsasalita magisa si Robin.

"Who is this?" Tanong ni Robin. May kausap pala siya.

"Robin, donte estas exactamente?! Clyde tan preocupada por ti."

"Mama? No quiero casarme con Clyde." Ang kausap pala ni Robin ang mama niya. Mukhang wala sa Pilipinas ang mama niya. Ang akala ko pa naman nandito sa Pilipinas pero si Robin lang ang nasa Manila.

"Te guste o no, te casaras con Clyde."

"Mama, no! Me gusta alguien."

"Vas a casarte con Clyde y eso es definitivo!"

Wala man ako maintindihan sa pinaguusapan nila at isa lang ang naintindihan ko. May binabanggit silang pangalan ng isang tao. Clyde yata ang pangalan ng fiance ni Robin.

"Mañana sera tu vuelo de regreso a España y vendras con Clyde."

"Que?! No quiero!"

"Robin!"

Naglakad na ako palayo sa kwarto ni Robin pero narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto nito. Lumingon ako kay Robin at kitang kita parang iiyak na siya.

"What's wrong? Para naman inaagawan ka ng lolli—"

"Miggy." Nagulat na lang ako nong niyakap niya ako.

"Ano ang nangyari sayo?"

"I got called from my mama at gusto niyang bumalik na ako kasama ang fiance ko."

"Good for you." Kumalas na siya ng yakap sa akin.

"Hindi mo ba ako pipigilan?"

"Bakit ko naman gagawin iyon? At mas mabuti pang magpakasal ka sa kanya."

"Akala ko ba gusto mo ko?"

"Huh? Assuming ka. Nagbibiro lang ako noong mga panahong iyon. Ano ang akala mo seryoso ako doon?"

Yes, I'm serious about that pero busted naman ako agad.

"I hate you! But this is a goodbye. Bukas na kasi ang alis ko kahit ayaw ko talagang umalis." Tumango na lang ako sa kanya. Wala naman akong karapatang pigilan siya sa kagustuhan ng mama niya. First of all, wala naman kaming relasyon na dalawa kaya kahit pigilan ko siya sa pagalis niya ay wala pa rin akong laban.

Kinagabihan ay pumunta ako sa isang club. Matagal tagal na rin ang huling punta sa ganitong lugar ah. Dumeretso na ako sa bar counter para umorder ng maiinom.

Wala pa nga ako isang oras dito sa club ay may babae na agad ang lumapit sa akin.

"Hi, handsome."

"Hello." Ngumiti ako doon sa babaeng kausap ko.

"Are you alone? I can accompany you."

"Sure. Para naman hindi boring ang gabi ko ngayon."

"I'm Ann, by the way." Nilahad niya ang kamay niya.

"Mig." Tinanggap ko naman ang kamay niya for a handshake.

Hindi ko sinasabi sa mga naging babae ko ang tunay kong pangalan kaya nickname ko na lang. Mahirap na kasi baka hanapin pa nila ako.

"Heart broken?" Napatingin naman ako sa kanya habang pinaglalaruan ko ang baso ng inumin ko.

"Paano ka naman nakaka siguradong heart broken ako?"

"Dahil iyon ang sinasabi ng mga mata mo."

"Nah." Tumingin ako sa inumin ko. Ganoon pala kahalata ang mukha ko ngayon. "Imposible naman iyang sinasabi mo. Wala akong oras para pumasok sa isang relasyon."

"Walang girlfriend?"

"I'm single for 5 years."

"Single for 5 years? Ibig sabihin nagkaroon ka ng girlfriend noon. Ano nangyari?"

"Masyado naman personal ang tanong mo. Next question, please." Sabi ko at uminom ng scotch.

"Sorry about that. Since you don't have a girlfriend, bakit hindi na lang ako ang gawing girlfriend mo." Malanding sabi niya sa akin. Kung noon ay naeexcite pa ako kapag may babaeng nagseseduce sa akin pero ngayon parang hindi na.

"Sure." Lumapit ako sa tenga niya para bulungan siya. "But are you will to do a one—"

Hindi natapos ang sasabihin ko dahil nagulat ako sa nakita ko. What she's doing here? Kahit rin siya nagulat kaya umalis na siya kung saan siya nakatayo kanina. Sinundan ng tingin ko kung saan pumunta si Robin at may isang lalaki siyang kasama. Tsk. Siya yung lalaking nakita ko sa labas ng apartment noong isang araw ah. Psh. Don't tell me he is the fiance? Mas hamak naman mas gwapo ako sa kanya at lamang naman ako ng sampung ligo.

"Mig, are you listening?" Bumalik ako sa katinuan noong maalala ko may kausap nga pala.

"Huh? Sorry. What was that again?"

"Hindi ka naman nakikinig sa tanong ko. Ano ang gusto mong sabihin sa akin?"

"Right. Sorry about that. Maybe we should meet again next time. Bigla ko naalala may gagawin pa pala akong importante." Nagiwan na ako ng pera sa counter bago tumayo sa kinauupuan ko at naglakad palabas ng club.

Tsk. This is the second time na hindi natutuloy ang gusto kong mangyari ah. Ilang araw na akong tigang. Bwesit. Ayaw ko naman paligayahin ang sarili ko dahil nakakasawa na rin naman.

Nagpasya na lang ako bumalik sa apartment kaysa dumeretso sa head quarter at doon magpalipas ng gabi.

Pagpasok ko ay nakita ko si Robin papasok na siya ng kanyang kwarto. Naunahan pa niya ako umuwi ngayon ah. Ano kaya ang ginawa nila sa kotse? Pinalipad?

"Nandito ka na pala." Sabi nito pagkakita niya sa akin.

"Yeah. Sige, matutulog na ako." Sabi ko habang naglalakad papunta sa kwarto ko.

"Good night." Tumango ako sa kanya bago pumasok sa loob ng kwarto ko.

Ang hirap ng ganito. Paano ko ba sasabihin sa kanya na may konti na ako naalala tungkol sa kanya? Matutuwa ba si Robin o ano. She is the girl I like the most, not my ex girlfriend. Dahil sa nangyaring aksidente ay hindi ko siya maalala pero medyo malabo pa ang nangyaring aksidente kaya wala akong maalala kung paano ako naaksidente noon.

Tiningnan ko ang phone ko ng tumunog iyon. May message ako galing kay Neil.

From Neil;

Gusto mo bang sumama sa club bukas?

To Neil;

Club? Seriously, Neil?! May asawa ka na tapos nagyaya ka mag-club. Bumalik ka na sa dating bisyo mo? Ang akala ko ba si Francine ang babaeng hindi mo kayang lokohin.

From Neil;

Gago. Oo o hindi lang ang sagot. Ang dami mo pang sinasabi diyan. At saka si Rocco ang nagyaya dahil celebrate ng birthday niya.

To Neil;

Hindi ba dapat kasama niya ang pamilya niya?

From Neil;

Nakalimutan mo na yata. A day after the boys night out talaga ang birthday ni Rocco.

Himala yata at hindi umalis ng bansa ang mag-asawa ngayon. Palagi kasi wala ang dalawang iyon kapag sino ang may birthday sa kanila.

To Neil;

Bukas? I don't know. Pagiisipan ko na muna.

I Lay My Love On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon