Chapter 37

628 22 0
                                    

The next day, I woke up and realize na wala nga pala akong suot na kahit anong damit dahil sa nangyari sa amin ni Miguel kagabi. I'm ready to carry his baby again. Hindi ko naman sinabing hindi ako masaya na kaming dalawa lang ang magkasama pero may kulang. Ang kulang ay ang pagkakaroon namin ng anak. Siguro nga bago pa lang kaming kasal dahil 2 months pa lang naman.

Napatingin ako dahil bumukas ang pinto ng kwarto at nakita kong niluwa si Miguel na may dalang tray.

"Good morning. Nagdala ako ng breakfast for you."

"Breakfast in bed." Umayos na ako upo at sinandal ko ang likuran sa head board. Nilapag naman ni Miguel ang tray sa harapan ko pero napansin kong may one stem of rose na kasama. "May pa flower ka pa nalalaman ngayon. Saan naman ito galing?"

"Pinitas ko kanina sa garden ni mama. Sana hindi magalit sa akin si mama dahil ibibigay ko nama ang rose sa maganda kong asawa."

"Bolero. Ang aga-aga, Miggy."

"Totoo naman. You're so beautiful, Robin. Hindi ka katulad ng ibang babae na kailangan pa maglagay ng make up para lumabas ang ganda nila but you... kahit wala kang make up ay sobrang ganda mo."

"I know dahil hindi lang naman ikaw ang nagsabi niyan sa akin."

"See? Even other people. Pero sino naman ang nagsabi sayo noon?" Biglang sumeryoso ang timpla ng mukha nito.

"Tandaan mo yung dinala mo ko sa salon noon?" Tumango siya sa akin. "Ang sabi niya ay natural daw ang beauty ko kaya hindi na kailangan maglagay masyado ng make up. Pero nilagyan na lang niya ako ng light make up."

"Kaya siguro natulala ako sayo noong nakita kita that time. Kung hindi ka lang boyish noon."

"Tinataguan ko pa noon si Clyde dahil nakakaramdam ako na sinusundan niya ako hanggang dito. Binili ko pa nga yung mga gamit ko at hindi ko naman inaasahan na makikita kita."

"Hindi mo inaasahan na magkikita tayong dalawa. But I still remember our first encounter that night at club. Tinapunan mo ko ng inumin mo."

Nasamid ako bigla. Naalala niya iyon?

"You still remember that?"

"Yes, I'm so pissed that night."

"Sorry about that. At huwag ka sana magalit sa akin."

"Bakit naman ako magagalit sayo?"

"Well, um... sinadya ko talagang tapunan ka ng inumin."

"What? You did that on purpose? But why?"

"Alam kong wala pa akong karapatan dahil wala naman tayo at you know me as a boyish. Tomboy. Baka iniisip mo babae ang gusto ko hindi lalaki. Pero nagseselos ako. Ayaw ko kasi may kasama kang babae kaya naisip kong tapunan ng inumin yung kasama mong babae pero sayo natapon. Alam kong mali ang ginawa ko."

"Nagselos ka? You know what because of you did ay nawalan na akong gana sa binabalak ko. Kahit pera ko lang naman ang habol ng babae na dapat kasama ko noong gabing iyon. But I forgive you dahil sayong sayo na itong katawan ko."

Para tuloy umakyat lahat na dugo ko sa ulo. Ang hangin masyado nito. Gwapong gwapo sa sarili. Gwapo naman talaga siya kaya siguro maraming kababaihan ang nagkakagusto sa kanya pero sorry na lang sila dahil ako ang mahal ni Miguel.

Pagkatapos kumain ay naligo na ako kasi pakiramdam ko ay ang langkit ko na dahil sa ginawa namin ni Miguel kagabi. Hindi lang isa, hindi rin dalawa. Kung hindi naka tatlong round kami kagabi. Pagkatapos namin magusap ay niyaya niya ulit ako kaya ako hindi makatanggi dahil desido na talaga ako magkaroon ng anak sa kanya. Kaya nga pagod na pagod rin ako ngayon.

Paglabas ko ng banyo ay nakita ko siya nakaupo sa gilid ng kama habang nasa tabi niya ang tray.

"Bakit hindi ka pa bumaba?"

"I want to see your sexy body." Nakangising sagot nito sa akin.

"Bastos nito! Umalis na nga!" Galit kong sambit sa kanya. Nakakainis talaga siya.

"Anong bastos doon? Ilang beses ko na rin naman nakita iyang katawan mo. Kaya hindi ako bastos o manyak." Umakyat na naman siguro ang dugo ko sa ulo. Tumalikod na ako sa kanya para pumunta sa closet at kumuha ng masusuot ko. "Huwag ka na mahiya. Ikaw nga ilang beses mo na rin nakita ang katawan kong—"

"Katawan mong payat?" Lumingon ako sa kanya at ngumisi.

"Kahit wala akong abs ay kinababaliwan mo naman."

"Aish. Tumigil ka! Umalis ka na nga!" Namumula na naman siguro ang pisngi ko.

"Sige na. Magbihis ka na at baba ako na ako." Tumayo na ito dala ang tray nasa tabi niya. Sawakas naisipan na rin niya ang umalis sa kwarto namin. "Flat chested."

"Miggy!" Pinandilatan ko siya ng mata pero pinagtawanan lang ako.

"Kahit hindi ka pinalad ay ikaw pa rin ang babaeng mamahalin ko." Ngumiti siya sa akin bago lumabas ng kwarto namin.

Ano ang nakain noon? Bakit ganoon si Miguel ngayon? Nagiging weird na siya ngayon.

Pagkatapos ko magbihis ay bumaba na ako at nakita ko siya nakaupo lang sa sofa kaya tumabi na ako sa kanya.

"Hindi ka ba babalik sa head quarter ngayon?" Mahinang tanong ko sa kanya.

"Nope. Wala naman gagawin doon at saka hindi tayo makakabuo kung palagi ako wala sa bahay." Nakangising sagot nito sa akin at pinaghahampas ko siya sa braso.

"Kainis ka!" Pulang pula na siguro ang pisngi ko.

"Let's start our honeymoon before our second wedding."

"Anong honeymoon? Second wedding?"

"Hindi ba pinagusapan na natin ang tungkol sa pagpapakasal natin dito sa Pilipinas? Tutuparin natin ang mga kahilingan ni mama kahit wala na siya dito."

"Hindi ba wala ka naman balak magpakasal sa akin dito?"

"Oo, noon. Wala pa naman akong ideya na mahal mo rin ako kaya naisip ko lang baka makahanap ka ng ibang lalaki na mamahalin mo. Kung mangyari ang panahon na iyon ay yung handa na ako at handa na yung divorce paper natin. Kahit mahirap para sa akin ay gagawin ko para sayo. Makita lang kita masaya."

"Hindi ako maghahanap ng iba kung palagi ko naman kasama ang lalaking mahal ko. Baka nga ikaw pa itong maghanap dahil dati kang babaero."

"Nawala ka na sa akin noon kaya ayaw ko na maulit. Ayaw ko rin maghintay pa ng ilang taon kung kailan tayo magkikita muli. Baka ako pa ang magsisi kapag ginawa ko iyon sayo."

Hindi na ako nagsalita pang muli sa kanya at sinandal ko na lang ang likuran ko sa sofa.

"May gusto lang ako malaman, Miggy."

"Ano iyon?"

"Sa daming kalalakihan nakikita ko ay ang gaganda ng pangangatawan nila pero ikaw... I didn't mean to insult you."

"Alam ko na ang gusto mong iparating sa akin. Kung bakit wala akong abs. Napabayaan ko na ang sarili ko noon simulang nagising ako sa pagka comatose noon."

"Comatose?"

"Yes. Hindi ba nasaksak ako noon? Maraming dugo rin ang nawala sa akin. Kaya noong nagising na ako ay sobrang sakit sa tuwing naalala ko na nakipag break sa akin ang girlfriend ko at nawalan na akong gana. Pero iniisip ko kapag nawala ako ay maaari kong iwanan si mama magisa. Nagpalakas ulit ako para kay mama at doon na rin nagsimula ang pagiging babaero ko." Pinatong ko ang ulo ko sa balikat niya. "Hindi ko nga inaasahan na magkakagusto ulit ako sa isang babae. Noong bagong dating mo pa lang sa apartment ay nakakaramdam na ako ng kakaiba. Alam ko iyon dahil naramdam ko iyon dati pero hindi ko lang pinapahalatang may gusto na ako sayo."

I Lay My Love On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon