Chapter 35

600 24 0
                                    

Robin's POV

Pinanood ko lang ang pagaalis ng kotse ni Miguel bago pa ako pumasok sa loob ng bahay. Nakita ko rin si manang nasa kusina habang nagaayos ng mga pinamili kanina. Mukhang ngayon pa lang nakauwi si manang.

"Nandito na pala kayo, ma'am. Gusto niyo na kumain? Ipagluluto ko na kayo ng almusal."

"Ah. Hindi na po kailangan. Kumain na po kami ni Miggy sa labas bago pa siya pumasok para sa trabaho niya." Nakita ko ang pagtango ng matanda sa akin kaya nagpaalam na ako sa kanya at pumanhik na ako sa kwarto namin.

Sobrang bored na ako rito sa bahay dahil wala naman ako magawa at wala rin si Miguel kasi kailangan niyang bumalik sa head quarter.

Nakatingin lang ako sa kisame ng may narinig akong kumatok sa pinto.

"Come in. Bukas po iyan." Sabi ko at binuksan naman ng taong kumakatok ang pinto.

"Ma'am, may bisita kayo sa ibaba." Kumunot ang noo dahil wala naman akong inaasahang bisita at mas lalong wala naman akong kaibigan na dadalaw sa akin. Wala akong kaibigan rito sa Pilipinas. Ang mga kaibigan ko ay nasa Spain.

"Okay po. Baba na ako."

Pagbaba ko ay laking gulat ng makita ko si Sarah at may dalawa pa siyang kasamang babae pero familiar sila sa akin dahil nakita ko na sila noong kasal ni Oliver.

"Naparito kami baka gusto mong sumama sa amin mamasyal sa mall." Sabi ni Sarah sa akin.

"Sige. Wala rin naman ako ginagawa rito." Nakangiting sagot ko sa kanila.

"Great. Wait." Napatingin naman si Sarah sa phone niya at sinagot ang tumatawag sa akin. "Hubby, bakit ka tumawag? May problema ba?"

"Wala naman akong natanggap na kahit ano galing kay Oliver. Bakit? Ano ba iyon?"

"Okay. I love you." Binaba na ni Sarah ang phone niya.

"Bakit naman tumawag sayo si Rocco?" Tanong noong isang babae kay Sarah. I still don't know their name yet. Si Sarah pa lang ang kilala ko. Since she helped me twice before.

"He asked me kung may natanggap daw ba ako video galing kay Oliver pero wala naman." Binaling naman ni Sarah ang tingin sa akin. "Let's go?"

"Wait. Magpapaalam lang ako baka kasi hanapin ako."

"Okay. Hintayin ka na lang namin sa kotse."

Pumunta ako sa kusina para magpaalam kay manang. Baka kasi hanapin ako ni Miguel paguwi niya para naman hindi magaalala sa akin ang asawa ko.

"Manang, mamayal lang po kami ng mga kaibigan ko pero sasabihan ko na rin si Miggy para alam niyang umalis ako."

"Sige, ma'am. Ingat kayo."

Nilabas ko na ang phone ko para sabihan si Miguel na mamasyal ako kasama sila Sarah.

To Miggy;

Niyaya ako ni Sarah na mamasyal ngayon. Can I come with them?

From Miggy;

Sure. Have fun with them.

To Miggy;

Thank you. I love you. 🥰

From Miggy:

I love you too. 😘

Nagkakatuwaan kaming apat habang nasa biyahe kami. Hindi nga ako makapaniwala na magkakaibigan pala silang tatlo simulang mga bata pa lang. Kaya siguro pareho ang hilig nila and I found out they owned a boutique. Also, found out I'm a year older than them. Ibig sabihin ate pala nila ako pero hindi naman halata na matanda ako dahil hindi naman nakakalayo ang edad ko sa kanila.

Pagkarating sa mall ay dumeretso kami sa department store para tumingin daw ng mga damit.

"Bakit hindi ka na lang sumama sa amin tuwing mamasyal?" Tanong ni Jessa sa akin.

"Great idea. Para hindi naman ako bored sa bahay dahil wala akong ginagawa."

Wala naman kami nabiling damit kaya nagpasya na sila pumunta sa isang sikat na restaurant rito at nagorder na kami ng makakain namin.

"So, how are you and Mig?" Tanong ni Sarah sa akin.

"Mig? As in si Mig na kaibigan ng mga asawa natin?" Tanong naman ni Eunice.

"Yes. May kilala ka pa ba ibang Mig?"

"Malay ko. Hindi ko alam kayo pala nagkatuluyan na dalawa."

"Yes, we're married."

"What?!" Gulat ang dalawa naming kasama.

"Paano nangyari iyon? Wow, hindi ko inaasahan mag-settle down na rin pala si Mig ngayon. Parang kailan lang sinabi niyang wala siyang balak magpakasal tapos ngayon kasal na siya sa isang magandang babae katulad ni Robin."

"Oo nga, eh. Walang sinabi si Zion tungkol rito."

"Hindi ko naman kasi alam kung may alam si Kurt."

"Sa tingin ko may alam rin si Kurt dahil may video na pinasa noon si Zion." Sagot ko sa kanila.

"Lagot talaga sa akin si Kurt. Hindi man lang niya sinabi sa akin."

"Curious lang ako kasi noong kasal ni Oliver at pagkakita nila sayo ay gulat na gulat silang lahat. May doubt na kami na kilala ka nila."

"Yes, kilala nilang lahat ako dahil naging spy agent ako noon at naging partner ko silang lahat except for Oliver."

"Even Kurt?" Tanong ni Eunice sa akin.

"Even Kurt. Siya ang una kong naging partner sa isang misyon. But don't worry, trabaho lang ang ginawa namin at pagkakilala ko kay Kurt noon ay wala siyang interest sa babae. Gulat na nga ako noong nalaman kong wala na pala siya sa head quarter at nagpakasal na."

"Ang akala namin ex ka ng isa sa kanila." Sabi ni Jessa.

"Maliban kay Rocco. Alam naman natin na may asawa na siya bago ako." Singit ni Sarah habang kumakain ng salad.

"Yeah, except for Rocco."

"Hindi ko ex ang isa sa kanila. Wala akong boyfriend bago ko nakilala ulit si Miggy."

"Gaano na ba kayo katagal na kasal?" Tanong ni Eunice.

"2 months pa lang kami kasal ni Miggy."

"Bago pa lang pala kayo." Tumango ako sa kanya. "Wala ba kayong balak magkaroon ng anak?"

Natigilan ako sa pagkain dahil naalala ko na naman ang nangyari noon.

"Buntis ako noon pero nawala yung bata sa sinapupunan ko noong namatay ang mama ni Miggy."

"Sorry to hear that."

"Dapat hindi mo na lang tinanong, Eunice." Sabi ni Jessa.

"Oo nga, eh. Sorry talaga."

"It's okay. Napag usapan na rin naman namin ni Miggy ang tungkol sa pagkakaroon ng anak. He's willing to wait until I'm ready."

"Wait. Same Mig pa rin ba ang pinaguusapan natin? O baka naman ibang Mig pala ito." Hindi makapaniwala si Eunice even Jessa.

"Same Miggy. Miggy na kaibigan ng mga asawa niyo."

"Ang hirap paniwalaan na magiging ganito si Mig ngayon. Sorry, Robin but we used to be na isa siyang babaero at iba't ibang babae palagi ang kasama niya."

"It's okay. Hirap naman talaga paniwalaan na magiging ganito ngayon si Miggy simulang kinasal kami."

Mahaba habang kwentuhan ang ginagawa namin habang kumakain hanggang sa nauwi ang paguusap nilang tatlo sa kanilang mga anak. Sa aming apat ay ako lang ang wala pang anak. Nakaramdam tuloy ako ng inggit sa kanila dahil masaya na sila kung ano meron sila ngayon. I only have Miguel pero hindi pa sapat sa akin. Parang gusto ko rin na magkaroon ng anak but I don't know if I'm ready.

I Lay My Love On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon