Chapter 25

621 24 0
                                    

Umupo ako sa isang silya pagkarating ko sa head quarter. Pinapahirapan ako masyado ni Robin gabi-gabi. Palagi na lang siya kumakatok sa kwarto ko para ipaghanda ko siya ng makakain niya. Malapit lang naman ang kusina, bakit hindi na lang siya. Kailangan pa talaga niyang isturbuhin ang tulog ko tuwing madaling araw.

Ugh. Ang sakit ng ulo ko dahil wala pa ako masyadong tulog. Daig ko pa ang may hangover nito. Nagsisi ako na binuntis ko ang babaeng iyon.

"Oh. Para ka naman namatayan niyan. Ano ang nangyari sayo?" Tanong ni Neil.

"Inaantok pa ako. Gusto ko pang matulog."

"Bakit ka naman inaantok? Siguro pagod ka sa ginagawa niyo gabi-gabi, no. Aminin mo nga sa amin, Mig pumayag ka na ba sa kagustuhan ng mama mo?" Tumingin ako kay Jake. Inaantok talaga ako.

"Paano kung sinabi ko sayo hindi? May magagawa ka ba?"

"Baog ka siguro kaya ayaw mong bigyan ng anak ang mama mo."

"Hindi ako baog! Siraulo ito."

"Kung hindi ka baog dapat binuntis mo na siya."

"Hindi ko na kailangan buntisin si Robin dahil buntis na siya, eh!"

"Weh?" Tingnan mo ito. Sinasabi nilang buntisin ko na si Robin tapos ngayon sinabi kong buntis na siya ay ayaw pa maniwala sa akin. Kahit yung tatlo sa likod nila na abala sa ginagawa ay sumali na rin.

"Well, at least napatunayan natin hindi nga talagang baog ang best buddy mo, Neil." Ani Jake.

"Oo nga, eh. I'm happy for you, pre."

"Ewan ko sa inyo."

"Congrats, Mig. Ngayon ama ka na ay umayos ka ah." Mabuti pa itong si Rocco matinong kausap pero minsan hindi kung nasa mood rin sumali sa kalokohan. "Kayong dalawa para naman narasanasan ang nangyari kay Mig ngayon.

"Hindi ko alam. Hindi naman ako masyado pinapahirapan ni Trixie noon. Mabait si Jazz noong nasa sinapupunan pa siya ni Trixie."

"Good for you." Sagot ko kay Jake.

"Behave na ako. Kahit hindi buntis si Fannie ay palagi niya ako pinapahirapan sa bahay."

"Sa ating lahat kayo ang malas sa babae. Mukhang dumating na ang karma niyong dalawa ngayon. Sarap maging babaero, no? Ngayon pinapahirapan tuloy kayo ng mga asawa niyo."

Argh... Bwesit talaga si Zion. Ang lakas mang asar ngayon ah.

"Sino kaya dito nilunod ang sarili sa alak dahil ayaw na siya makasama ng mahal niya?" Ganti ko sa kanya at mukhang alam naman ni Zion kung sino ang tinutukoy ko.

"Tumigil na nga kayo. Baka magkapikunan na." Awat ni Rocco sa amin.

"Ganito na lang ang gawin natin. Let's celebrate. Club?" Yaya ni Neil sa aming lahat.

"Nah, iniiwasan ko na ang pagpunta sa mga club ngayon. Sinusubukan ko magbago para kay Robin."

"Ang laki talaga ng epekto ng pagkakaroon ng asawa at anak. Gagawin ang lahat para sa pamilya." Sabi ni Jake at tumingin naman siya kay Neil. "Right, Neil?"

"Bakit ako ang tinatanong mo?"

"Sus... Ganoon ka rin naman simulang nalaman mong may anak kayo ni Francine."

"Good boy na ito kaya huwag mo na ako idamay diyan, Jake."

"Noong isang araw ko lang naalala may kasalanan ka pala sa akin, Neil."

"Ano na naman ang ginawa ko sayo? Nanahimik na nga ako dito." Inis na tugon ni Neil sabay kamot ng ulo.

"Ikaw pala ang may kasalanan kung bakit kami nagkahiwalay ni Trixie noon. Ikaw nagbigay ng babae sa akin noong pumunta tayo ng club at hiniram mo pa yung phone ko para kuhanan kami ng picture."

"Tangina. Ang tagal na noon ah. Anong taon na ba ngayon, Jake? Limang taon na lumipas, huy! At saka kasal na rin naman kayo ni Trixie."

"Trip ko lang paalala sayo ang ginawa mo noon. Kahit ako ay dinadamay mo."

"Hindi ko naman alam na may girlfriend ka noon, eh. At saka lasing na rin ako noon kaya hindi ko na rin alam ang ginagawa ko. Kalimutan mo na nga yun. Good boy na kasi ito."

"Walang good boy nagmumura, gago." Napailing na lang sa dalawang ito. Pinipigilan ko na nga rin tawa ko. Comedy duo bwesit.

"Nawala ang antok ko sa inyong dalawa. Alam niyo ba pwede kayo magtrabahong dalawa sa isang comedy bar." Narinig ko ang pagtawa ng iba pa naming kaibigan. Kahit nga si Oliver na busy sa ginagawa ay nakikitawa na rin.

"Bumalik na nga tayo sa trabaho." Tuloy pa rin sa pagtawa si Zion at binaling ang tingin sa akin. "Okay ka na ba ngayon?"

"Nope, hindi sana ako pupunta ngayon dito pero isang buwan na ako hindi bumabalik."

"Mabuti pang umuwi ka na sa inyo dahil mas kailangan ka pa ni Robin. Sa iba ko na lang ibibigay itong misyon na dapat sayo."

"Anong misyon iyan?"

"Sige, uwi na ako." Sabi ko sa kanila.

"Siguraduhin mong hindi ka makakatulog habang nagmamaneho ka ah!" Rinig kong sigaw ni Rocco.

Pagpasok ko sa apartment namin ay humiga na ako sa sofa dahil hindi ko na kaya labanin ang antok ko. Panigurado naman akong tulog pa rin naman si Robin ngayon. Kung hindi ay kanina pa nagwawala iyon.

Nagising na lang ako na may yumugyog na sa akin.

"Ano ba. Nakikita naman natutulog, eh." Tumalikod na ako sa taong iyon pero tuloy pa rin siya sa paggising sa akin. "Ano ba—"

Hindi natapos ang sasabihin ko ng makita ko si Robin na luluha. Napabangon ako bigla.

"Sorry. May kailangan ka ba?"

"Wala. Sorry rin. Alam kong pagod ka ngayon kaya ako na lang ang aalis." Nakita ko ang pagpunas niya ng luha at kumunot ang noo ko.

"At saan ka naman pupunta?"

"Papa check up at gusto ko sana na kasama ka pero dahil nga pagod ka ngayon. Ako na lang ang pupunta."

"No. Sasama ako sayo. I really want to see our baby."

"Sigurado ka?"

"Yes." Tumayo na ako sa kinauupuan ko. "Hintayin mo lang ako. Maghihilamos lang ako ng mukha ko."

Pagkarating namin sa clinic ng OB ay napanganga ako. Literal na nganga dahil ang haba ng pila sa labas. Damn. Ganito ba karami ang babaeng buntis ngayon? Shit.

Napatingin ako sa isang babae habang kausap nito ang isang doctor tungkol sa abortion. Noong nalaman kong buntis si Robin ay hindi talaga sumagi sa isipan ko ang abort. Alam ko kasing masama iyon at saka kapag nalaman ni mama ang ginawa ko ay paniguradong nilalamayan na ako dahil papatayin ako ng sarili kong ina.

"Sumagi rin ba sa isipan mo ang ipalaglag ang bata?" Tumingin ako kay Robin ng tanungin niya ako.

"Nope. Sinasabi ko sayo kapag nangyari iyan ay siguradong papatayin ako ni mama kapag nalaman niya. Matagal na niya gusto magkaroon ng apo."

I Lay My Love On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon