Chapter 28

583 21 0
                                    

Miguel's POV

Pagkaalis nila ay umalis na rin ako papunta sa head quarter. Wala na rin naman ako gagawin sa apartment. Hiniram rin naman ni mama si Robin sa akin. I can't say no to my mom. Matagal na niyang gusto magkaroon ng anak na babae pero hindi siya binigyan. Kaya nga ito todo kulit niya sa akin na magpakasal para magkaroon na siya ng anak na babae.

"Nandito ka na naman?" Tanong ni Neil sa akin.

Ang wala lang rito si Rocco. Mukhang may lakad sila ng pamilya niya at kapag wala naman siya rito ay may ginagawa sa labas ng pagiging agent. Kahit rin si Jake wala. Sa layo pa naman ng Sky Island dito sa Manila at saka may trabaho pa siya doon. Ang pagkaalam ko nagpatayo ng maliit na clinic si Jake malapit sa resort.

"Para naman ayaw mo na ako pumunta rito ah."

"Hindi naman sa ganoon, pre." Lumapit na ito sa akin sabay akbay. "Inaalala lang namin baka hanapin ka ni Robin."

"Wala si Robin. May bonding sila ni mama ngayon."

"Mukhang gusto ni tita si Robin para sayo ah." Sabi ni Zion nang humarap siya sa amin ni Neil.

"Like I said before, matagal ko ng kilala si Robin."

"Talaga? Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Gulat na tanong ni Neil.

"Nagkaroon ako ng trauma at selective amnesia noong naaksidente 20 years ago. Ang naalala ko lang ang mga bagay nangyari sa akin bago nangyari ang aksidente. Kinausap ko rin si mama na ayaw ko maalala kung ano man ang mga nakalimutan ko noon. Ni hindi ko nga alam kung paano namatay si papa."

"Ngayon naalala mo na ang lahat? Kahit si Robin?" Tanong ni Oliver sa akin.

"Yep. I remember everything."

Naalala ko na nga ang lahat. Nakilala ko si Robin at siya pa mismo ang lumapit sa akin. Masaya kami naglalaro. Ang akala ko pa nga noon ay lalaki siya dahil sa pangalan niya pero sinabi niya sa akin na babae siya. Laking gulat pa nga ako dahil hindi ako makapaniwalang babae siya. Kahit bata pa lang kami ay may crush na ako sa kanya pero sa hindi inaasahang trahedya. May isang lalaking nakasuot ng helmet at tinutukan kami ng baril pero prinotektahan naman kami ni papa. Nakita ng dalawa kong mata kung paano niya pinagbabaril si papa.

"Jake pala..." Tumingin ako kay Zion.

"Ano meron kay Jake?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi na muna daw siya makakabalik rito dahil may sakit si Jazz ngayon. Kailangan niyang alagaan."

Wala naman problema kay Jake dahil pediatrician ang specialize niya.

"Anong sakit?" Tanong naman ni Neil.

"Lagnat."

"Sus." Napakamot ako ng ulo. "Akala ko pa naman kung ano ang sakit. Lagnat lang pala."

"Ako nga rin. Pero kahit na anak pa rin niya si Jazz kaya kailangan niya rin alagaan."

Sabagay may punto naman doon si Neil. Si Jazz lang kasi ang anak nila ni Trixie dahil hindi na pwede sundan.

Magsasalita na sana ulit ako pero nakaramdam ako ng lamig. Ang pagkaalam ko ay hindi naman ganoon kalakas ang aircon dito sa head quarter. Sa tagal ko pa naman nagtatrabaho rito.

"Lumakas ba ang aircon rito?" Tanong ko sa mga kasamahan ko kaya napatingin naman sila sa akin.

"Hindi naman. Bakit?" Sagot ni Zion sa akin.

"Wala lang."

Weird. Bakit naman kaya ako nakaramdam ng lamig kanina kung hindi naman lumakas ang aircon.

I Lay My Love On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon