Chapter 19

590 22 0
                                    

Kinabukasan ay nagising ako pero may braso ang nakapalibot sa akin para bang mawawala ako sa kanya. Humarap ako kay Miguel at hinawakan ko ang kanyang pisngi. Ang sarap niyang titigan. Ang amo kasi niya kapag tulog.

"Staring is rude." Nagulat ako sa bigla niyang pagsalita. Gising na pala siya.

"Ang kapal mo! Akala mo naman tinitingnan ko siya."

Mas kinagulat ko ang sunod niyang ginawa. Hinalikan ako ng walang hiya.

"Kahit hindi mo ko magawang mahalin ay mamahalin pa rin kita."

Sabay na kami bumaba para kumain na ng almusal.

"Sabagayan niyo na ako kumain dito." Alok ng mama niya.

Umupo na kami sa harapan ng hapag at pinagsisilbihan ako ni Miguel. Aba, ano kaya ang nakain nito at pinagsisilbihan ako.

"Ang sweet niyo naman. Naalala ko yung mga panahong nabubuhay pa ang papa ni Miguel."

"Ayan na naman tayo, ma. Ilang beses ko na narinig kung paano kayo niligawan ni papa noon."

"Loko ka talaga. Hija, kumain ka lang ng marami ah, para naman magkaroon na kayo ng anak." Bigla ako nasamid doon ah.

"Ma! Ang aga aga iyan agad ang paguusapan natin."

"Ano ang masama doon? Kasal na rin naman kayong dalawa ni Robin at doon rin naman ang punta niyong dalawa."

"Ayaw ko ng instant baby. Biglaan nga lang itong kasal namin."

"Paanong biglaan ba?"

"Gusto ni Robin na maka—" Kinurot ko si Miguel sa tagiliran niya.

"Hindi po. Pinilit po ako ni Miggy na magpakasal sa kanya dahil sa kagustuhan niyo daw po."

"Iyon naman pala. Sinunod mo ang kagustuhan kong magpakasal ka pero sa susunod ay dito naman sa Pilipinas ah."

Pagkatapos kumain ay lumabas ako para pumunta sa garden nila. Ang ganda at ang lawak rito. Sa hindi kalayuan ay may pond.

Ang daming gold fish.

Binilang ko kung ilang isda ang alaga nila pero dahil nahihirapan akong bilangin sila ay hindi ko na lang tinuloy.

"Did you enjoy here?" Lumingon ako para tingnan ang nagsalita.

"Yep. Ang ganda naman kasi." Abala ako tumingin sa paligid. May puno ng mangga, mansanas, saging at iba pang prutas. "Bakit pala ayaw mo bigyan ng apo ang mama mo?"

"Hindi naman sa ayaw ko pero ayaw ko naman makatulad sa mga kaibigan ko."

"Ano nangyari sa kanila? Mukha naman masaya sila sa sarili nilang pamilya. Kahit minsan ba hindi mo naisip na bumukod ng sariling pamilya?"

"Hindi talaga pumasok sa isipan ako ang tungkol diyan..."

"Talagang hindi mo maiisip kung busy ka sa pagiging babaero mo. Lagot ka sa akin kung malaman ko na lang may anak ka sa ibang babae mo. Pwede ako bumalik sa Spain para asikasuhin ang divorce paper."

"Maingat ako at palagi ako gumamit ng prote— maliban noong gabi may nangyari sa atin. I never used protection that night."

"Hindi pa naman siguro." Sabi ko sabay hawak sa tyan na medyo may umbok. May umbok dahil sa kinain ko kanina. Sobrang sarap naman kasi, eh. Kailangan ko na yata ang mag-exercise.

"Y-Yeah, wala pa naman siguro."

"Takot ka ba magkaroon ng anak?"

"Hindi ako takot."

"Eh, bakit ba kasi ayaw mo magkaroon ng anak?"

"Sinabi ko naman sayo kanina ang dahilan. Ang kulit."

"Ayaw mo ba magkaroon ng anak sa akin?"

Hindi na ako sinasagot pang muli ni Miguel pero tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Mahal kita pero ugh, I don't know." Sagot niya at iniwanan na ako rito sa garden.

"Miggy, wait." Hinahabol ko siya dahil hindi pa ako tapos sa kanya. "May tanong pa ako sayo."

"What? Kung tungkol pa rin iyan sa baby. Please lang, Robin. I don't want to talk about the baby."

"Hindi naman tungkol doon. Noong pumunta tayo sa salon, paano mo nakilala yung baklang nagayos sa akin? Sugar mommy mo iyon, no?"

"Baliw." Napaaray ako noong pinitik niya ang noo ko. "Hindi ko naman kailangan ng sugar mommy. Palagi doon nagpapa ganda si mama kaya kilala ko siya dahil siya rin ang nagaayos kay mama at may tinawala ako kay Rae."

Tumango na lang ako sa kanya pero bigla may naiisip na naman akong kalokohan. Gusto ko lang naman pagselusin ang isang Miguel.

"Nga pala, magpapaalam rin ako sayo na makikipag kita ako sa mga kaibigan ko."

"May kaibigan ka rito?"

"Yup. Nakilala ko sila sa club." Sabi ko at nilagpasan ko na si Miguel. Wala naman akong kaibigan dito.

Kumuha na ako ng damit ng panglalaki sa mga gamit ko. Kahit nga ang chest binder. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ko pa tinatapon ito. Hindi ko rin ito magagamit pang muli dahil hindi ko na magtago.

"Rob—in." Nakita kong namilog ang mga mata niya at hindi maalis ang titig sa katawan ko habang naglalagay ako ng chest binder. "Shit."

"Ano ang kailangan mo sa akin?"

"Kung ginagawa mo ito para magselos ako." Napalunok ako. Paano niya nalaman na ganoon ang gagawin ko? Wala naman nakakaalam na wala talaga akong kaibigan rito. "Nagtagumpay ka na."

"What do you mean?" Humarap na ako sa kanya ng tapos na ako malagay ng chest binder.

"Nagseselos na ako. Ayaw kong isipin na may kasama kang lalaki sa club." Lumapit ako sa kanya para yakapin. Nagseselos nga siya dahil iyon ang nakikita ko sa kanya.

"Sige, hindi na ako aalis."

"At saka hindi mo na kailangan ito." Sabay tanggal niya sa chest binder ko kaya kitang kita na tuloy ang dibdib ko.

Napapaungol ako ng minamasahe niya ang dibdib ko. Shit. Ang sarap talaga.

"Ahhh... Miggy... baka biglang pumasok rito ang mama mo. Nilock mo ba yung pinto?"

Huminto siya sa ginagawa niya at tumalikod sa akin para i lock ang pinto ng kwarto pero hindi niya nilock.

"Talagang gagawa ka ng paraan para may mangyari ulit sa atin. Sinabihan na kita kanina, Robin. Magbihis ka na." At iniwanan na niya ako rito.

Kainis naman! Ano ba masama kung meron mangyari sa amin? Normal lang naman iyon lalo na kasal naman kami, diba? Ang hirap naman kasi basahin ng iniisip ni Miguel.

Kumuha na ulit ako ng ibang damit sa mga gamit ko. Naiinis na talaga ako. Maghahanap talaga ako ng kaibigan sa club. Tingnan natin.

Kung ayaw niya sa iba na lang. Hmph!

Pero siyempre hindi ko naman gagawin iyon. Si Miguel lang ang lalaking mahal ko at wala ng iba.

I Lay My Love On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon