Chapter 17

636 26 0
                                    

Kumunot ang noo ko pagkagising ko dahil may yumakap sa akin mula sa likod. Lumingon ako and I saw Miguel. Bakit nandito ito sa tabi ko? Ang alam ko ay sa ibang kama ako humiga kagabi ah. Huwag mong isipin na tumabi siya sa akin noong tulog na ako. Grabe naman ang lalaking ito. Delikado pagkasama sa isang kwarto.

Naramdam ko ang pag galaw niya dahil mas nilapit niya ako sa kanya. Nagpanggap akong tulog ulit.

"Alam kong gising ka na." Rinig kong sabi nito kaya dinilat ko ulit ang mga mata ko at lumingon sa kanya. This time ay nakatingin na rin siya sa akin.

"Ano ang ginagawa mo rito?"

"Lumipat ako. Bakit? Ang pagkaalam ko ay normal lang naman magkatabi ang bagong kasal sa isang kama."

Bagong kasal my ass.

"Lumayo ka sa akin. Ayaw ko sayo. Galit rin ako sayo!" Inalis ko ang pagkalibot ng braso niya sa akin bago ako bumangon pero napangiwi ako dahil masakit ang nasa ibaba ko.

"May nasabi ba ako na kinagalit mo sa akin?" Tinitigan ko lang siya ng masama. "Anong klaseng titig iyan? Para naman papatayin mo na ako."

"Sana nga. Para mawala ka na!"

"Gusto mo bang mawala na ako?" Natahimik ako dahil ayaw ko naman talagang mawala siya. 20 years na nga kami nagkahiwalay na dalawa dahil sa nangyaring aksidente noon. Mabilis naman akong umiling. "Ayaw mo naman pala. Halika nga rito."

Lumapit ako sa kanya kahit nakaramdam pa rin akong kirot.

"Masakit pa rin ba?" Tumango ako sa kanya. "Gusto mong halikan ko para mawala ang sakit?"

"Ang bastos mo!"

"Anong— Ginusto mo naman. Ang lakas kaya ng ungol mo kagabi. Tigilan mo ko, Robin."

"Miggy, stop." Nahihiya ako at tinakpan ko ang mukha ko. Paniguradong namunula na ako.

"Huwag ka na mahiya." Inalis na niya ang dalawa kong kamay nasa mukha ko at hinalikan niya ako sa labi.

"B-Bakit mo ko hinalikan? Hindi naman totoo tayong kasal, diba?"

"Kung hindi totoo ang kasal natin. Bakit mo sa akin binigay ang sarili mo? Do you think I'm worth it to be your first?"

"Dahil ayaw ko naman ibigay kay Clyde ang sarili ko. Hindi ko siya mahal." Sabi ko saka umiwas ng tingin.

"So, ibig sabihin ba niyan ay mahal mo ko kaya sa akin mo binigay ang sarili mo?"

Matagal na ako may gusto sa kanya kahit sa saglit na panahon lang kami nagkasama na dalawa noon. Hindi ko alam pero nagkaroon na ako ng crush kay Miguel noon kahit mga bata pa lang kami.

"W-Wala naman ako sinabing mahal kita. Huwag umasa, Miggy."

"Come on, Robin. I know you will. Hindi ka naman tutugon sa halik ko noong hinalikan kita kahapon at hindi mo rin dapat sa akin binigay ang sarili mo kung hindi mo ko mahal. I'm not worth it. Hindi mo ba naiisip na pwede ka masaktan?"

"If you are not worth it pero bakit mo ko hinayaang gawin iyon ah? Tell me, Miggy at alam ko naman ginusto mo rin."

"Lalaki lang ako at may needs din kami."

"Bakit kayo lang ba ang lalaki may needs? Kami rin naman mga babae ah!"

Tumayo na ako dahil kung saan pa papunta ang usapan na ito. Lumingon ako sa isang kama dahil may bloodstain sa bedsheet. Shit talaga. Hindi ako makapaniwalang mangyayari ito. Hindi naman ako lasing para magkaroon ng lakas na loob na mangakit ng lalaki. Mahilig lang ako pumunta sa mga club pero hindi naman ako masyado umiinom.

I Lay My Love On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon