Chapter 24

598 22 0
                                    

One month later...

Anong oras na pero hindi pa rin gumigising na si Robin. It's already 11:45 am for pete's sake.

Minsan pa nga kapag papasok ako ng banyo ay inuunahan niya ako. May kakaibang nangyayari kay Robin ngayon. Kailangan kong malaman.

"Robin?" Katok ko sa pinto ng kwarto niya.

"Ano ba! Isturbo ka naman, Miggy! Kita mo naman natutulog yung tao!" Sigaw nito sa akin. Ano na naman ang ginawa ko? Bigla na lang nagalit sa akin si Robin.

"Sorry." Sabi ko na lang bago pa pumunta sa kusina para magluto ng pananghalian. Kahit papaano ay marunong rin naman ako magluto. Magisa lang ako nakatira dito bago dumating si Robin. Pero noong dumating si Robin ay siya na ang nagluluto ng makakain namin.

Hay... Palagi na lang tulog si Robin. Simula noon ay naging bugnutin na ang babaeng iyon. Okay naman siya noong birthday ko pero after 3 weeks ay naging antukin na siya and now, it's already a month pero ganoon pa rin siya.

"Ano ba iyang niluluto mo?" Lumingon ako sa likuran ko dahil narinig ko ang boses ni Robin. Mabuti naisipan pa niya gumising.

"Tinolang manok for lunch."

"Ayaw ko niyan."

"Ano ang gusto mong kainin? Magluluto ako."

"Huwag ka na magabala pang magluto. Bibili na lang ako sa labas." Sabi nito saka lumabas na nga ng apartment namin.

Ano nangyari doon? Para namang buntis na naglili— hindi kaya buntis nga talaga si Robin?

Shit. Hindi imposible iyon dahil may nangyari nga pala sa amin noon.

Umupo ako sa isang silya habang hinihintay maluto ang tinolang manok at kinuha ko na muna ang phone ko saka niresearch ang tungkol sa symptoms ng pregnancy.

Positive! Buntis nga si Robin pero hindi niya alam.

Shit shit. Magiging daddy na ako!

Nakita ko ang pagpasok ni Robin kaya niyakap ko siya sa tuwa ko.

"Yung niluluto mong tinola mauubusan na ng sabaw."

"Shit." Binigyan ko ng smack kiss si Robin sa labi bago ako lumapit sa kalan at pinatay ang apoy.

"Ano ba nangyari sayo? Bigla bigla ka na lang yumayakap at humahalik diyan."

"Masaya lang ako."

"Ang weird mo talaga. Kumain ka na lang diyan baka gutom lang iyan."

Dahil hindi naman malayo ang sala sa dining room kaya kitang kita ko kung ano ang kinakain ni Robin habang nanonood siya ng tv. Isang ice cream mango flavor.

"Iyan lang ang kakainin mo?"

"Yup. Gusto mo ba?" Mabilis naman akong umiling. "Pero gusto ko rin kumain ng mangga."

"Mango flavor na ang kinakain mong ice cream tapos maghahanap ka pa ng mangga."

"Yung prutas kasi. Kuha mo ko. Naalala ko kasi may puno kayo ng mangga."

I Lay My Love On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon