Chapter 6

721 28 0
                                    

Robin's POV

Ugh. Noong nakita ko siya noon sa isang club ay hindi ako makapaniwala sa nakita ko. May kahalikan siyang babae. Ang akala ko pa naman ganoon pa rin siya. Isang mabait pero sa maling akala nga. He is a certified womanizer. Damn it! Asar!

Nagulat nga rin ako noong nalaman kong wala siyang maalala tungkol sa akin. Masakit dahil hindi na niya ako maalala.

Hinding hindi ko talaga sasabihin sa kanya kung ano ba talaga ako sa buhay niya. Bahala siya! Mas lalo ako naiinis sa kanya. Dapat sa isang lalaki lang maiinis pero nagkamali ako.

Kinabukasan ay maaga ako nagising para maghanda ng almusal ni señorito pero nagulat ako ng makita ko siyang gising na.

"Halika rito." Tawag niya sa akin kaya lumapit ako sa kanya.

"May papautos ka ba sa akin? Nakakahiya naman kasi sayo, señorito."

"Kailangan na natin pagusapan ang tungkol sa misyon natin." Kunot noo nitong nakatitig sa akin.

"Pwede bang kumain na muna tayo tapos doon na rin pagusapan ang misyon?"

"Sige, sige. Kumain na muna tayo."

Nakahinga ako ng maluwag dahil pumayag si señorito na kumain na muna kami. Gutom na ako dahil wala pa akong kain kagabi. Baka siya ang kainin ko ng buhay.

Hindi na ako nagulat na may mga pagkain na dito sa refrigerator. Inasikaso na kasi ni Zion itong bahay na matutuluyan namin.

Pagkatapos ko magluto ay nilapag ko na ang mga niluto ko sa mesa.

"Señorito, kain na!" Tawag ko sa kanya at kita ko naman tumayo na siya sa kinauupuan niya.

Walang umiimik sa amin habang kumakain hanggang sa sinira na niya ang kakaibang atmosphere. Marunong rin pala makiramdam ang lalaking ito.

"Let's talk about our mission. Hindi biro itong gagawin natin ngayon."

"Alam ko. Hindi naman ito ang unang misyon na gagawin ko."

"Gaano ka ba kagaling? Rate 1-10. 1 is the lowest and 10 is the highest."

"Actually, I don't know. Nasa 5 siguro. Kung barilan ang usapan dito ay wala akong alam. Ayaw ko pumatay ng tao kahit sabihin natin hindi inosente ang papatayin natin. Tao pa rin sila. Kung spy, walang problema sa akin."

"Kung barilan wala naman problema. Kaya kong utakan ang mga bodyguards ng dating mayor."

"May tanong pala ako sayo."

"Ano naman iyon?" Kunot noo nakatitig sa akin. Ang akala mo pa naman ang laki ng kasalanan na ginawa ko sa kanya.

"Binanggit mo kahapon na ayaw ni Zion sa target natin. Bakit?"

"Malaki ang kasalanan ng lalaking iyan sa pamilya ni Zion pati rin ang anak niya. Kaya pinakulong ni Zion noon si Kelly."

"Oh. Kaya naman pala." Patango tango na lang ako ng ulo.

"Back to our topic, walang problema kung patayan ba sa mga bodyguards ng dating mayor na iyan. Pwede ko silang patumbahin  at ang gagawin ko ay babantayin ko siya from here."

"Ano naman ang gagawin ko?"

"Bantayan mo siya ng malapitan pero dapat hindi ka makita ng kahit sino. Kahit ang mga bodyguards niya. Once they saw you, we have to abort this mission. Got it?" Tumango ako sa kanya. Mission abort? Hindi naman ako papayag na mangyari iyon. Wala pa ako naging misyon na hindi natatapos. Malinis rin ako kung magtrabaho. "Good. Mabuting malinaw sayo ang pinaguusapan natin ngayon. Pagkatapos mo kumain ay magasikaso ka na."

Nandito na kami ngayon sa isang mansyon. Ito siguro ang bahay ng dating mayor. Mga politiko ko nga naman. Hindi ko alam kung saan nila kinukuha ang pera para makagawa ng ganitong kalaking bahay. Hindi ko naman sinasabing hindi mayaman ang pamilya ko ah.

"Alam mo ba ang gagawin mo ah." Tumango ako sa kanya ng ulo. "Basta magiingat ka."

"Yeah. Thanks."

Palinga linga ako sa paligid para alamin kung may tao. Mabuti na lang walang tao sa paligid ko ngayon. Tumingin ako sa pader at mabuti hindi ito ganoon kataas kaya madali lang akyatin. Para tuloy akong magnanakaw nito.

Sobrang tirik pa ng araw kaya hindi ka mukhang magnanakaw.

Sino bang siraulong magnanakaw na papasok sa ganitong oras ah?

Nang nakatawid at nakababa na ako ay tumingin muna ako sa paligid. Baka may alaga silang aso. Ayaw ko sa aso dahil may phobia na ako sa kanila. Nakagat na kasi ako ng aso noong maliit pa ako.

Good. Walang kumakahol kaya walang problema.

Nagtatago ako sa likod ng pader dahil nakita ko na ang target namin kasama ang isa niyang bodyguard. Tama nga ang sabi ni Zion sa amin hindi kami basta basta makakalapit sa kanya dahil palagi may bodyguard itong kasama.

"Robin, can you hear me?"

"Y-Yeah."

"Musta ka na?"

"Ayos lang naman ako. Binabantayan ko ang target natin ngayon pero may kasama siyang bodyguard."

"What do you expect? Tandaan mo ang sina—"

"Oo naalala ko ang sinabi ni Zion sa atin kahapon."

"Sino ang nandiyan?" Agad ako nagtago sa damuhan. Baka makita pa ako.

Shit naman.

Sumilip ako para alamin kung umalis na ang isang bodyguard pero nandoon pa rin siya sa pwesto niya.

"Meow~" Ginaya ko ang tunog ng isang pusa. Sana kumagat.

"Pusa lang pala. Ang akala ko pa naman may nakapasok na."

Nakahinga ako ng maluwag dahil kumagat ito. Hindi ko alam tanga pala ang bodyguard na iyon.

"Meow? Seriously?"

"Ikaw naman kasi. Maya ko na lang ako kausapin baka mahuli pa ako nito."

Inaayos ko na ang sarili ko para balik sa pagbabantay doon sa target pero hindi ko na siya makita sa living room. Shit. Saan na iyon?

Habang naglalakad ako dito sa garden ay may narinig akong putok ng baril. Jusko. Ano iyon? Ayaw ko pang mamatay! Kahit sabihin natin delikado itong misyon na ito.

"Miss?" Kagabi labi ako dahil may nakakita sa akin.

"Once they saw you, we have to abort this mission."

Shit, shit. Ano ang gagawin ko? Hindi ako papayag na dito matatapos ang misyon.

Imbes na humarap sa kanya kahit ilang beses niya ako tinatawag ay tumakbk na lang ako ng mabilis.

"Miggy, I'm sorry."

"Bakit? Ano ang nangyari?"

"Nakita ako kanina."

"Shit. Nasaan ka ngayon? Huwag kang aalis diyan sa pwesto mo at pupuntahan kita agad."

Naiiyak ako sa nangyari. Ito ang unang misyon na hindi ko natapos ng maayos. Bwesit naman kasi.

Habang naghihintay Miguel ay may narinig na naman akong putok ng isang baril. Jusko! Hinahanap na siguro nila ako ngayon.

Sorry, Miguel. Kailangan ko magtago baka kasi makita nila ako at matagpuan mo na lang akong patay.

I Lay My Love On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon