Chapter 41

675 23 0
                                    

Sa araw araw ko dumadalaw kay Robin ay laking gulat at pagsasalamat dahil nagkaroon na siya ng malay. Gising na rin ang asawa ko at hindi niya kami iniwanan ng anak namin. Dahil sa pananabik ay niyakap ko siya. Ngunit may isang bagay na kinagulat ko, she doesn't remember me even her parents.

Agad ko naman kinausap ang doctor niya pero wala naman nakita na kahit ano na pwedeng maging dahilan na magkaroon siya ng amnesia. Paano nangyari iyon? Nawala na lang ang memories niya pagkagising sa mahabang panahon. That's bullshit. Hindi ako papayag na hindi kami maalala lalo na wala siyang alam tungkol sa pagbubuntis niya bago pa siya nakidnap.

Ilang araw ang lumipas ay pinayagan na lumabas si Robin pero iyon din ang kailangan bumalik ng mga magulang niya sa Spain. Kinausap ako ng papa niya bago pa sila umalis ng bansa. Makakaasa naman sila sa akin hanggat mabubuhay ako ay handa akong protektahan ang mag-ina ko.

"Dito tayo nakatira." Sabi ko sa kanya pagkauwi namin sa bahay. Abala siya tingnan ang buong bahay bago binaling sa akin.

"Magkasama ba tayo sa isang kwarto?" Tanong niya sa akin.

"For now um, hindi na muna lalo na wala kang maalala tungkol sa akin. I respect you, Robin." Ngiting sabi ko sa kanya. "Papakita ko sayo ang magiging kwarto mo para naman makapag pahinga ka na."

Pumanhik na kami sa taas para ipakita ko sa kanya ang magiging kwarto niya pag samantala hanggang wala pa siya maalala tungkol sa akin.

"This will be your room. Kung may kailangan nasa ibaba lang si manang o pwede rin ako. Sa katabing kwarto lang ako."

"S-Salamat."

"Wala naman ipasalamat sa akin. Sige na magpahinga ka." Hinalikan ko na muna siya sa noo bago pumunta sa kabilang kwarto. Baka kasi hinahanap na ako ng anak ko.

"Dada, play."

Ilang araw na rin noong natutong magsalita si Ryder. Simula noon ay naging madaldal na ang batang ito.

"Okay, we'll play but before we play. Papaliguan na muna kita." Kinarga ko ang anak ko at pumasok sa loob ng banyo para paliguan na siya. Tuwang tuwa nga si Ryder habang pinapaliguan ko sa bathtub.

Tapos ko na siya paliguan kaya pinupunasan ko na ang katawan niya saka pinasuot ang diaper at binihisan ko na rin siya ng damit. Napalingon ako na may pares na mata ang nakamasid sa akin and I saw Robin.

"May kailangan ka sa akin?" Mabilis naman siyang umiling sa akin.

"Hindi ko alam may anak ka na pala. Ang sabi mo sa akin noon kasal na tayo."

"Actually, he is our son. His name is Ryder. Kahit may maalala ka ay hindi mo naman maalala ang tungkol kay Ryder dahil wala ka rin alam na buntis ka noon." Tumingin ako kay Ryder na sinusubo ang kanyang hinalalaki kaya pilit kong inaalis sa bibig niya. "That's dirty, bud."

"Pwede ko ba siya buhatin?" Inabot ko kay Robin ang anak namin.

"M-Mama." Sabi ni Ryder at tumawa na rin ito.

"He called me mama." Tumango ako kay Robin. Masaya ako dahil nabanggit na rin ni Ryder ang salitang mama. Noon kasi kahit anong pilit kong sabihin niya palagi dada ang sinasabi.

"Robin, can we start again? Alam ko hindi naman tayo nagsimula noon sa ligawan."

"What do you mean?"

"Long story short, muntik ka na maikasal sa isang lalaki na hindi mo mahal. Nagpanggap ako noon na siya kaya ako ang lalaking pinakasalan mo. Kaya nga ang balak ko pagkaroon ka ng malay ay yayain ulit kita magpakasal. Ganoon kita kamahal kaya handa ako magsakripisyo. Sana isang araw ay maalala mo na kaming lahat kahit ang mga kaibigan mo."

"May mga kaibigan ako?" Tumango ako sa kanya.

"Kaibigan mo ang mga asawa ng mga kaibigan ko."

"Gusto ko rin maalala kayong lahat." Napangiti ako sa sinabi niya at hinawakan niya ang kamay gamit ang libre niyang kamay. "Pumapayag rin akong magsimula tayo sa simula."

"Talaga? Thank you, Robin."

"Wala ka naman siguro gagawin, no? Gusto ko sana na ngayon tayo magsimula."

"N-Ngayon na ba? Hindi pa ako handa." Napakamot ako sa likod ng ulo ko. "I'm sorry but I don't know how to court. Sa buong buhay ko ay hindi pa ako nangligaw ng babae. Ang babae ang nangliligaw sa akin noon."

"No, no. I mean gusto ko makilala ka pa ng lubusan. Baka may maalala ako kung magpakilala ka sa akin."

Ang akala ko pa naman ngayon na ako magsisimula mangligaw sa kanya. Gabi na rin at wala na rin bukas na flower shop. Ayaw ko naman pumitas ng bulaklak sa garden ni mama baka dalawin pa ako sa panaginib na ginagalaw ko ang halaman niya sa garden. Hindi ko rin naman hinahayaan na mamatay ang mga alagang halaman ni mama. Binibilin ko rin kay manang na diligan ang mga halaman ni mama. Minsan ako ang nagdidilig sa mga halaman niya kung hindi ako busy sa ginagawa ko.

Nagpakilala ako sa kanya at sinasagot rin ang mga tanong niya sa akin. Wala maman dapat ako ilihim kay Robin. Kahit ang pagiging babaero ko noon bago ko siya nakilala. Tama nga ang sinabi ni Neil noon basta sa pamilya ay handa ka magbago.

Kinabukasan ay nagising ako sa tunog ng phone ko kaya kinuha ko iyon sa side table dahil ayaw kong magising si Ryder sa ingay.

"Hello?" Inaantok na sagot ko. Humihikab pa ako dahil anong oras na kami natulog ni Robin kaka kwento ng kung anu-ano.

"Did I wake you up, pre?"

"Hindi naman. Bakit ka pala napatawag ngayon, Jake?"

"Mangangamusta lang ako sayo."

"I'm fine. Gising na si Robin noong isang araw at pinayagan na rin siya lumabas ng doctor."

"Kamusta na siya ngayon?"

"She doesn't remember all of us? Kinausap ko rin ang doctor niya noong wala siyang maalala at ang sabi wala daw sila makitang dahilan para magkaroon ng amnsesia si Robin."

"Kung ganoon ay may posibilidad na trauma siya sa nangyari. Pwede mangyari iyon, Mig. Grabe ang pinagdaanan ni Robin pero huwag ka magaalala dahil maalala rin niya tayong lahat."

"Salamat dahil may kaibigan akong doctor."

"Wala iyon."

"Sa tingin ko baka may balak ka na palitan si Zion sa pagiging superior ah."

"Wala. Ginagawa ko lang ang trabaho ko bilang nakakatanda sa grupo."

Sabagay si Jake nga ang nakakatanda sa amin habang wala si Rocco noong panahong iyon. Kung nandoon si Rocco ay baka ganoon ang gawin niya.

"Sige na. Kailangan ko ng ibaba ito dahil magkakaroon na ako ng pasyente any minute."

"Ingat kayo lagi diyan."

"Balitaan mo na lang ako kung may pagbabago ba sa kalagayan ni Robin. Tapos yayain mo na rin magpakasal. Sige na. Bye."

I Lay My Love On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon