Chapter 11

621 25 0
                                    

Ito na ang araw na ayaw kong mangyari sa buong buhay ko. Kahit gusto kong tumakas ay hindi ko magawa. Nakasalalay dito ang pwedeng mangyari kay papa.

Tapos na ako malagay ng make-up at magsuot ng wedding gown. Nang may kumatok sa pinto at ang wedding planner lang pala.

"Prepararse. La boda comienza en una hora." Sabi niya.

"Bueno. Gracias."

Pagkaalis ng wedding planner ay huminga na muna ako ng malalim. Wala ng urungan ito.

Pagkababa ko sa kotse ay bigla akong kinabahan na hindi ko alam kung bakit.

Noong pumasok na ako sa loob ng simbahan ay tumunog na ang isang music at hinatid na ako ni papa si aisle. Kapag nakikita ko talaga ang pagmumukha ni Clyde ay umiinit ang ulo ko. Kung wala lang kami sa loob ng simbahan ay sinampal at sinipa ko na ang alaga niya. Saya noon. Pahiya na nga siya, papagalitan naman ako.

Ang totoo lang ay nahihinayang ako magsabi ng I do sa harapan ng maraming tao lalo na hindi ko naman mahal ang lalaking ito. Napipilitan lang ako sa nangyari.

Pagkatapos ng wedding ay dumeretso na kami sa reception pero nakakahalata ako sa lalaking ito ah. Simulang dumating kami rito sa reception ay hindi niya ako kinukulit. Mabuti nga kung ganoon.

Super bored na ako dito. Wala naman masyadong ginagawa. Puro congratulations galing sa mga bisita lang naman. Argh... inuubos ang oras ko.

"Disfruta de tu luna de miel." Sabi ni mama habang nakangiti. Kahit ayaw ko man sabihin ito pati ang nanay ko marunong na rin maging plastik. Psh. Hindi ko nga alam kung paano ko ba siya naging nanay at kung ano ba ang nagustuhan ni papa sa kanya.

Ang totoo niyan, hindi naman ganoon dati si mama bago nangyari ang aksidente 20 years ago. Sa akin niya sinisi ang lahat kung bakit makukulong si papa kaya nga pumayag siya agad sa alok ni Clyde para hindi matuloy ang kaso. Ganoon ganoon lang iyon. Para ako isang laruan na binibigay agad sa isang tao pagkatapos pagsawaan. Tsk. Kung sa ibang pamilya ay mahal ng ina ang mga anak nila, pwes sa akin hindi.

Sawakas tapos na rin ang boring na reception kaya ngayon pupunta na kami sa Barcelona.

Tahimik lang ako buong biyahe at ang sabi ko nga wala akong pakialam kung mapanisan ako ng laway. At mabuti na lang nakarating kami agad sa Barcelona.

"Are you happy now?" Inis kong tanong sa kanya. Kahit kasal na kami ay hindi pa rin ako papayag na magkatabi kami sa isang kama. Hindi rin ako papayag na may mangyari sa aming dalawa.

Kung pwede nga lang ibigay ko ang sarili ko sa lalaking mahal ko kahit hindi naman niya ako magawang mahalin.

"Hoy, Cly—" Hindi natapos ang sasabihin ko ng humarap siya sa akin at laking gulat ko sa nakita ko ngayon. "Miggy? Ano? Paano?"

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil gulat pa rin ako sa pangyayari.

"Ang sabi ko nga sayo dadating ako, diba?" Niluwagan na niya ang suot niyang necktie. "Damn. Hindi ko inaasahan magpapakasal ako bigla nito."

"Ayaw mo ba?" Sumimangot ako sa kanya.

"Wala naman ako sinabing ayaw ko. Magugulat na lang si mama nito na kasal na ako hindi ko man lang siya sinabihan."

Gusto ko matawa dahil sa kanya. Takot pala siya sa mama niya. Buti pas siya mahal siya ng kanyang ina.

"Paano mo nalaman nandito ako sa Spain?"

"Huwag mo sana kalimutan kung ano ang kakayanan nina Zion at Oliver. They know everything. Madali ka lang naman nila nadetect dahil sa GPS ng phone mo."

"Paano ka naman nakakasalita ng Spanish? Hindi wala ka naman naiintindihan na kahit isang salita?"

"Apat na araw ako nagaral ng Spanish. May konti naman akong alam na ngayon."

Niyakap ko si Miguel dahil sa sobrang tuwa ko pero bigla ko naalala si Clyde.

"Si Clyde? Nasaan siya ngayon?"

"Ayun, nilagay namin siya sa storage room."

"Namin? So, hindi ka lang pala ikaw ang pumunta dito."

"Yup. Kasama ko rin sina Zion at Jake. Actually, si Jake yung nagbigay ng note sayo noong isang araw."

"Damn. Ang galing niyo magkakaibigan ah." Natatawang sabi ko. Hindi talaga pa rin ako makapaniwala sa pangyayari.

"Hindi lang ang babae pwede maging spy agent, Robin." Sabi nito at humiga na sa kama. "Ilang araw ko rin ito pinagisipan kung ano magiging plano namin para hindi ka matuloy makasal."

Hindi ko alam kung ito na ba ang tamang panahon na aminin ko sa kanya ang katotohanan. Bahala na kung ano ang magiging reaksyon ni Miguel.

"Miggy, may aaminin sana ako sayo. Huwag ka sana magagalit sa akin."

"Ano iyon?" Binaling naman niya ang tingin sa akin.

"Alam kong wala kang maalala tungkol sa—"

"Actually, meron na ako naalala tungkol sayo pero konti pa lang." Namilog ang mga mata ko sa aking narinig.

"T-Talaga?"

Sobrang saya ko kahit konti pa lang iyon pero natatakot rin ako kapag nalaman na niya ang lahat. Mas mabuti pa kung sa akin talaga niya malaman ang katotohanan.

"Wala ka pa rin ba maalala kung paano ka naaksidente?"

"Wala pa."

"The truth is it's my fault, Miggy." Nakayukom ang mga kamao ko at yumuko dahil pumatak na ang luha ko. "K-Kasalanan ko kung bakit kayo naaksidente ng papa mo at kung bakit siya namatay rin."

"What do you mean?"

"Isang agent rin si papa noon at nasa kalagitnaan siya ng misyon. Bilin niya ako na huwag lumabas ng bahay noon dahil delikado na lumabas na magisa lalo wala akong kasama. Pero sinuway ko siya at lumabas pa rin ako ng bahay namin. Doon rin kita nakilala at kasama mo noon ang papa mo. Your father protected us both from bad guys kaya siya ang nabaril at doon naman dumating si papa pero wala na yung masamang taong bumaril sa papa mo. Dinala namin kayo sa ospital ngunit death on arrival na ang papa mo at ikaw naman ay may trauma dahil sa nangyari at meron ka ring selective amnesia kaya wala ka maalala nangyaring aksidente kahit rin sa akin. Ang masamang palad ay may isang bata nakakita sa pangyayari at iyon ay si Clyde. Ngayon pinagbibintangan niya si papa ang pumatay sa papa mo na papa rin daw niya pero sa kagustuhan ni Clyde na ikasal kami para hindi matuloy ang kaso at pumayag naman doon agad si mama. Miggy, I'm really sorry. Kung alam mo lang ilang taon ako nagsisi sa nangyari noon." Hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng luha ko. "I'm sorry. I'm really so—"

Inangat ni Miguel ang mukha ko at dumikit ang labi niya sa labi ko. Holy shit! He's kissing me right now. Ang puso ko nawala na!

"I forgive you." Pinunasan na niya ang luha ko na kanina pa pumapatak. "Huwag mo na sisihin ang sarili mo dahil hindi mo naman alam na ganoon ang mangyayari. Pero dapat pala ako ang pinakasal mo, hindi yung Clyde na iyon."

I Lay My Love On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon