United States
Josh Ivan Lee Uy POV
Matapos ang klase namin ay agad akong nag impake nang aking kagamitan para dritsong umuwi sa aming bahay.
Daily routine kuna ito na pagkatapos ng klase ay dritso akong uuwi dahil wala naman akong gagawin sa school, asides, wala akong talent at hindi makasali sa mga clubbings sa school at mga sports dahil nga walang pumapansin sa katulad kung weirdo o sabihin na nating nerd.In short panget ako sa paningin nang mga tao.
Yeah, tanggap kuna yun na panget ako.
Pero kahit panget ako sa paningin nila,I'm a son of a well known business man and a woman na kilalang kilala ng karamihan interms of partnerships and corporations, pero kahit ganun paman nabubully parin ako sa school dahil sa outer looks ko, the way I look and the way I wear clothes, kahit naman ako masasabi ko sa aking sarili na panget talaga ako sa panlabas ko na kaanyuan.
Naka braces ako with a big eye glasses tapos yung hair style ng buhok ko ay mahaba at makapal na hanggang batuk sya na halos matabunan na ang boung ulo ko pati narin mukha ko na tila bibig ko nalang yata at isang mata ko nalang ang makikita.
Para akong batang kulang sa aruga dahil sa panglabas na itsura ko.
I don't have friends,I'm always alone, eating alone,do group project my self kasi nga walang nakikipag kaibigan sa akin at pumapansin, pero nasanay na din ako mag isa.
Kahit sa bahay namin wala ang parents ko to talk to,kasi nasa ibat ibang lugar sila everyday para sa family business na pinapatakbo nila para paramihin ang kanilang kayamanan na hindi naman madadala kapag namatay na.
Kahit mga kasambahay namin hindi rin ako magawang kausapin kasi kapag nasa bahay lang ako palage lang akong nasa kwarto at nag kukulong.
Naglalakad ako para tahakin ang parking lot habang naka yuko at naka hawak sa strap ng bag na akay akay ko sa aking likoran, hindi ko talaga kaya na tumingin sa paligid na dinadaanan ko kasi nahihiya akong makipag titigan.
Hindi naman sa bobo ako may utak rin naman, nadadala din ako sa honor students sa school pero parang wala rin sa akin yun kasi ang buhay ko ay study and house lang kaya siguro nahasa ng husto ang utak ko kaka'aral kasi wala naman akong ibang ginagawa maliban nalang don.
Pero kahit maging honor pa,baliwala parin sakin yun kasi wala namang may pakealam, walang taong may oras sa akin.
Simula bata until nag nineteen ako wala talagang may pake sakin, oo pinapaaral ako nang parents ko pero parang wala lang yun sa kanila kasi wala naman silang time na inilalaan sa'kin until now na nag bibinata na ako,hindi ko nga alam kung dumaan ba ako sa pagigingbinata or dumiretso agad ako sa pagiging matanda.
Malapit na ang bakasyon at mag F'fourth year college na ako next enrollment pero hindi parin ako masaya, may para bang part sa akin na kulang, pero di ko matansya kung ano yun.
I am a third year college student right now at business management ang kinuha kong kurso dahil yun ang gusto ni daddy kaya wala akong magawa at sundin nalang siya.
Nakarating na ako sa parking lot ng school at nakita kuna ang aking taga sundo na si Manong Jose,matagal na rin siyang naninilbihan as a personal driver nang aming pamilya at siya ang taga hatid sundo sa'kin sa school mula pa nuong ako ay nasa elementary palamang hangang ngayun na nag-co'college na.
Agad binuksan ni Manong Jose ang back door nang kotse at pumasok ako nang walang imik-imik.
Pumunta naman sya sa driver seat pagkatapos niya akong pag buksan pagkatapos ay pinaandar na nya ang sasakyan.
Ilang minuto din ang lumipas at
nakarating na din kami sa bahay.
BINABASA MO ANG
Falling Twenty |Book 1 of Duology|
Romance[UNDER REVISION] Sabi nila, lahat daw nang saya ay may katumbas na kalungkotan. Lahat daw nang kaligayahan ay may kakambal na mga luha. Lahat daw nang magagandang alaala ay may kaakibat na kalungkotan na hindi mo mabubura sa iyong isipan. Lahat ba n...