This Chapter is Unedited!
Ryan Van Jose POV
Oh,bro magkapartner kayo ni baby loves Einna mo ngayun,paniguradong makakaporma kana sa kanya nyan!
Pilyong panunudyo ng kaibigan naming si Jake ngayun kay Vincent habang nakangising nakatingin dito.
Pinasadahan ko naman ng kaunting sulyap si Vincent at kitang kita ko sa kanyang mga mukha ang labis na kaligayahan ng malaman niyang magkamembro sila ng kanyang matagal ng nagugustohang si Einna.
Ryan!
Napabaling ako sa kanang deriksyon ng tawagin ako ng isa pa naming kaibigang si Jason na ngayun ay tinapat ang isang papel na hawak hawak niya ngayun sa akin.
Three.
Pabulong kung basa sa kanyang hawak hawak na papel.
Dahan dahan naman akong yumuko para tignan din ang hawak hawak kung nakatuping papel at dahan dahan din itong binuksan.
Three.
Mahina ko ding basa sa aking papel na ngayun ay nag lalaman ng numero tres.
Wooaaah! ang swerte nyo namang dalawa magkapartner kayo!
Satsat ni Jake ng hindi ko namalayan na naka dungaw din pala siya sa aking papel habang binubuksan ko ito.
Yoooown! Ang swerte natin bro!
Masayang banggit ni Jason habang dritsong itinaas ang kanyang kamay at walang anong inakbayan ako.
Buksan muna yung sayo Jake, ano panghinihintay mo?
Pag-uutos ni Jason sa kaibigan naming si Jake na ngayun ay mabilis binuksan ang kanyang hawak na papel.
Putang ina bro! hindi tres yung akin e!
Pamaktol na tugon ni Jake sa aming tatlo habang nakatutuk parin ang kanyang mga tingin sa hawak hawak niyang papel na para bang natalo ng isang milyon sa lotto dahil sa hinagpis na namumuo sa kanyang pagmumukha.
Anong nakuha mong numero bro?
Pagputol ni Vincent sa katahimikan.
Two.
Mahinang tugon ni Jake habang itinaas ang hawak hawak na papel sa ere at plinastada sa aming harapan para makita ito.
Nang makita ko ito ay walang ano anong hinablot ko ito sa kanyang pagkakahawak at nagtagumpay naman ako at nakuha ko ito sa kanyang kamay.
Nakita ko ang pagkabigla ni Jake dahil napaangat siya ng tingin at mabilis akong tinignan ng nagtatanung na mukha.
Mabilis kung iniabot sa kanya ang numero ko kanina at dagli ko itong inilagay sa kanyang kamay.
Bakit ka nakipag palit ng papel?
Litong tanung ni Jake sa akin habang hindi pinupukol ang kanyang pagkakatitig sa aking mukha.
Hindi ko nalang ito sinagut pa si Jake at mabilis ko silang iniwan na nagawan nalang akong sinusundan ng mga tingin at dritsong lang akong tumungo sa kinatatayuan nila ni Fleur sa hindi kalayuan sa kinatatayuan namin.
Nakita ko ang pagsipat ni Fleur sa aking direksyon at mabilis naman naningkit ang kanyang mga mata ng magtama ang paningin naming dalawa.
Anong kailangan mo?
Mataray nitong bungad na tanung sa akin habang tinataas ang kanyang kaliwang kilay.
Kahit kailan talaga tong babaeng to napakasungit. Sabi ko nalang sa aking isipan habang tinititigan ang kanyang namumulang mukha dahil siguro sa inis o galit na makita ako.
BINABASA MO ANG
Falling Twenty |Book 1 of Duology|
Romance[UNDER REVISION] Sabi nila, lahat daw nang saya ay may katumbas na kalungkotan. Lahat daw nang kaligayahan ay may kakambal na mga luha. Lahat daw nang magagandang alaala ay may kaakibat na kalungkotan na hindi mo mabubura sa iyong isipan. Lahat ba n...