This Chapter is Unedited!
Josh Ivan Lee Uy POV
6:00 AM Sunday same day of the community service
Isang malakas at napakaingay na tunog ang umaalingawngaw sa aking magkabilang tainga habang naka dungaw sa bintana ng isang pribadong eroplano na aking sinasakyan ngayun.Hindi parin mawala ang paninikip ng aking dibdib na aking nararamdaman ngayun habang pauli-ulit bumabalik at sumasagi sa aking ala-ala ang kagabing naganap.
Hindi parin mawagli sa aking isipan ang pagkabigla sa mga mukha ni Einna na tumatak at nakaukit sa magaganda niyang mga mata ang mga sari't saring katanungan na gusto niyang itanung sa akin pero hindi niya iyon masabi sabi dahil sa pagkagulat sa walang pahintulot kung paghalik sa malalambot at maiinit niyang labi.
Bakas sa mukha niya ang pagkainis at galit pero wala narin itong nagawa kung hindi ang magpalabas ng kanyang saloobin sa pamamagitan ng kangyang mga luhang pinapaagos at nagbabadya sa kanyang magandang mukha.
I felt so guilty about what I have done to her, para bang hindi ako makapagsalita at makahakbang man lang ulit papalapit sa kanya habang tinititigan ko ang mala angel niyang mukha na lumuluha dahil sa kabalbalang ginawa ko sa kanya.
Parang napako ako sa aking kinatatayuan at bumalik sa realidad ng dumapo ang malutong na sampal na inilapat ni Einna sa aking pisngi.
Para bang bumalik ako sa aking sarili at napatanung nalang sa aking pagkamakaako kung bakit ko nagawa iyon sa kanya.
Nasaktan ko ang babaeng nagustohan ko dahil sa kababoyan na nagawa ko sa kanya.
Nasaktan ko ang babaeng unang nagpapatibok at nagpapabilis ng kusa ng aking puso.
Nasaktan ko ang babaeng matagal ko nang sinubaybayan simula pa ng nalaman ko na kamag-aral lang pala kaming dalawa.
Nasaktan ko ang kaisa-isang babaeng pasimpling napapangiti ako dahil sa ka amazonahan nito dahil sa katarantadohang nagawa ko dito dahil sa selos ko ng marinig ko ang pag-uusap nila ni Vincent at ang pag amin nito kay Einna sa kanyang nararamdaman at gusto niya pa itong ligawan.
Kasalanan ko bang magselos ako?
Kasalanan ba ang mag selos kahit wala namang kami?
Napailing nalang ako habang inaalala ang mga pangyayaring iyon kagabi.
Hindi ko man lang napaliwanag kay Einna at naamin sa kanya ang saloobin ko at kung bakit ko nagawa iyon sa kanya.
Wala man lang akong nagawa na kahit anong hakbang habang naiwan akong tanaw-tanaw siyang papaalis sabang sinasabayan ng kanyang mga luha.
"Were going to take off now Sir,please wear your airplane muff to minimize the sound of the engine you heared and to protect your hearing while we are on take off!"
I was back in reality while thinking those insensible thought of mine when the pilot is turning his head in my direction while giving me the private plane instructions to wear ear muff.
Walang gana ko nalang itong isinout at pagkatapos ay muling ibinaling ang aking mga tingin sa labas ng bintana ng eroplanong aking sinasakyan ngayun pabalik sa manila.
Hindi parin ako makapaniwala ng tumawag si Daddy sa akin kagabi habang naglalakad ako patungo sa kwarto na aming tinutulogan habang iniisip si Einna.
Hindi ko nga rin alam kung paano nya nalaman at saan nya nakuha ang numero na gamit ko ngayun.
Matapos kung masagut ang mga katanungan nito sa kabilang linya ay walang kamalayan ko nalang na nalaman na nag pa set na pala siya ng private plane na magsusundo sa akin dito sa Cebu para ako makabalik doon sa manila.
BINABASA MO ANG
Falling Twenty |Book 1 of Duology|
Romance[UNDER REVISION] Sabi nila, lahat daw nang saya ay may katumbas na kalungkotan. Lahat daw nang kaligayahan ay may kakambal na mga luha. Lahat daw nang magagandang alaala ay may kaakibat na kalungkotan na hindi mo mabubura sa iyong isipan. Lahat ba n...