Falling Twenty 13

47 32 0
                                    


This Chapter is Unedited!

Vincent  Abraham Ang POV

Birthday ko ngayun at masaya akong sumama si Einna dito sa bahay namin.

Actually kinunsyaba ko si Carla na kulitin nya yung kaibigan nya na sumama sa kanya dito sa amin at yun,nag tagumpay naman ang plano ko na pasamahin si Einna sa kanya.

Matagal na rin akong may gusto kay Einna simula pa noong first year college pa kami,until now natotorpe pa din akong sabihin sa kanya na mahal ko sya pero iwan wala talaga akong lakas na loob para umamin sa kanya sa totoo kung nararadaman.

Hanggang sa tingin nalang ako palage kay Einna at masaya nalang din ako sa sitwasyon kung ganito.

Nandito kami ngayun sa mini club sa bahay namin at nag iinuman ng mga barkada ko, yung iba nasa sala at nag v'videoke lang.

Oi bro! Saan na yung crush mo? E hokage muna! Pabirong sabi ni Jake sakin habang umaakbay sa balikat ko at sabay tunga sa alak na dala niya.

Alam kasi ng mga barkada ko na may gusto ako kay Einna pero sekreto lang namin tong mag babarkada at alam ko namang hindi nila ipagkakalat ang sekreto ko lalo na kay Einna,nakakahiya kasi kung malaman pa mismo ni Einna na may gusto ako sa kanya at ayaw ko rin na mabusted. Saka hindi kami gaano ka close nitong si Einna kahit classmate kami,nahihiya akong lumapit sa kanya dahil nga para akong ma f'freeze pag kaharap ko na sya ng harap harapan.

Anong e'hokaging pinag sasabi mo! Gago! Sigaw ko kay Jake at mahinang tinabig ang kamay nyang naka akbay sa balikat ko.

Bro! It's almost three years kanang may gusto kay Einna at until now torpe ka pa din, ito oh alak pang palakas ng loob! Chance muna to bro! Sabi niya sakin sabay abot ng isang bote ng alak na alinlangan ko namang kinuha mula sa kanyang kamay.

Agad nyang tinapik ulit ang balikat ko nong nakuha kuna sa kamay niya ang boteng may laman na alak saka bumulong.

Kaya mo yan tiwala lang! At matapos nya sabihin yun ay umalis na siya sa tabi ko at bumalik doon sa kasiyahan.

Naiwan ako dito sa wine creator table at napaisip habang tinitignan ko ang hawak kung bote,sabay tunga dito.

Ang pait naman ng alak na to! Wala talagang ka taste-taste mamili ng alak tong si Jake tssss', habang sinasabi ko yun sa isip ko ay patuloy parin ako sa pag lagok ng laman ng alak na binigay sakin ni Jake kahit hindi ko gusto ang lasa nito, hanggang naramdaman ko nalang ang tama ng alak sa aking katawan.

Medyo tipsy na ako saka blur na kunti ang paningin ko na medyo umiikot na ng kunti ang aking paningin pero kaya ko pa naman.

Agad akong tumayo sa aking kinauupuan at agad nag punta sa direksyon nila Jake at mga kasamahan pa naming kaibigan na ngayun ay masayang nag iinoman habang nag tatawanan.

Medyo pagiwang giwang na ako ng kunti sa paglalakad pero kaya pa naman hanggang nakarating din ako sa kanila.

Oh Vincent! Mukhang lasing kana! Bungad sakin ni Jason at alalang tinignan ako.

Pabayaan mo yan pre hayaan nyo na bahay nya naman din to at walang problema saka birthday nya ngayun kaya lets celebrate! Sigaw naman ni Jake at nag bukas ulit ng alak at nag hiyawan sila habang ako'y pinapanood lang sila habang nag sasaya.

Hindi na ako umimik at kinuha ang binuksan na alak ni Jake at pagiwang giwang na nag lakad palabas ng club room bitbit ang bote ng alak.

Hoy Vincent! Saan ka pupunta! Sigaw ni Ryan mula sa aking likoran.

Agad kong nilingun silang tatlo at tumunga sa alak.

Pupuntahan ko si Einna sasabihin ko na sa kanya na mahal ko siya! Sigaw kung sagut.

Falling Twenty |Book 1 of Duology|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon