This Chapter is Unedited!Carla Fleur De Lucas POV
Nag text nalang ako ni einna na doon nalang kami mag kita sa airport ng NAIA, kaya agad kung inimpake ang mga gamit na dadalhin ko patungong cebu.
Manang Ellen! Sigaw ko sa aming kasambahay na si manang ellen habang nag iimpake ako ng gamit na ipinasok ko sa aking maleta.
Po Señorita fleur? Sagut nito habang naka tayo sa may pintoan at hawak hawak ang mga kamay.
Pake sabi kay manong Bert na ihanda ang sasakyan kasi mag papahatid ako sa airport.. utos ko dito at mabilis naman siyang umalis matapos akong mag salita.
Lumabas na ako ng kwarto ko at nilock ko ito, dali dali naman akong bumaba ng hagdanan dala dala ang aking malaking maleta at nag tungo sa garahe ng bahay namin.
Nakita ko si manong bert na nakatayo malapit sa sasakyan kaya ng makita niya akong bitbit ang malaking maleta ang kumaripas naman itong tumakbo patungo sa aking deriksyon para ako'y tulungan.
Salamat manong.. pag papasalamat ko nalang dito ng makuha na niya ang maleta at ipinasok sa trunk ng sasakyan.
Pagkapasok ko sa loob ay siya naman pag pasok ni manong sa drivers seat at mabilis pina andar ang makina nito.
30 minutes din ang tagal ng aming byahe patungo sa airport medyo hindi maanong matagal kasi maaga pa naman kaya medyo hindi traffic patungo doon.
Nang makarating na kami sa may entrance nh airport at lumabas agad ako sa sasakyan at kinuha ang maleta sa likoran ng sasakyan, agad naman akong nag pasalamat at nag paalam kay manong at pinag bilinan siya na sila na muna ang bahala sa bahay hanggat wala pa ako at sila mommy at daddy.
Tumango naman ito bilang pag sagut at umalis na rin.
Tinahak ko ka agad ang pintuan ng airport at pinacheck ang maliit kung bag sa bantay ng entrance at pag katapos ay pumasok.
Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng mahagip ko ka agad ang kaibigan ko na naka upo sa waiting area ng airport.
Einna! Sigaw ko habang kinakaway kaway ang aking kamay para makita niya.
Mabilis akong tumungo sa kanyang inuupoan at binigyan siya ng magkabilang halik sa pisngi.
Kanina kapa dito? Tanung ko sa kanya matapos ng aming biso biso.
Hindi naman mga 30 ago bago ka lang dumating.. sagut nito at umupo ulit.
Umupo na din ako kasi 10am pa naman flight namin patungo cebu at 9am palang kaya may 1hour pa kaming hihintayin bago maka byahe.
Habang pinapatay ang oras ay nag kwentohan lang kami ni einna about school activities and works, at mga bagay bagay na wala namang katuturan...
Bigla kaming na hinto sa aming pag uusap ng may nakatayo sa aming harapan kaya sabay kaming napatingin ni einna sa taong naka tayo sa harapan namin.
Hi! Pag bati nito habang malapad ang ngiti sa mga labi.
Kala ko kung sino si Vincent lang pala.
Hii! Pabalik na bati ni einna dito...
Upo ka dito vincent oh habang hinihintay natin flight.
Pag lalahad ko sa kanya na umupo muna at baka mangalay kaka tayo..
Kanina pa kayo dito? Tanung ni vincent habang busy sa pag halungkat ng kanyang bag na dala.
Medyo bago lang din mukhang mag ka sunod lang tayo. Sagut ko dito habang si einna naman ay busy sa kanyang cellphone.
BINABASA MO ANG
Falling Twenty |Book 1 of Duology|
Romance[UNDER REVISION] Sabi nila, lahat daw nang saya ay may katumbas na kalungkotan. Lahat daw nang kaligayahan ay may kakambal na mga luha. Lahat daw nang magagandang alaala ay may kaakibat na kalungkotan na hindi mo mabubura sa iyong isipan. Lahat ba n...