Josh Ivan Lee Uy POV
After nong day na nag kausap kami ni dad sa phone ay hindi na siya ulit tumawag pa.
Summer break na at wala nang pasok,malapit na rin ang birthday ko at mag t'twenty na ako this coming saturday.
Cleared na ako sa school ko at nakuha kuna lahat ng requirements at forms ko pati card ko para sa enrollment ko sa pinas next enrollment.
Nag pa book narin ako nang flight patungong pinas ng hindi nag papaalam kina'daddy at mommy, bahala na sila, ayaw din naman nila akong suportahan sa plano at desisyon ko.
This saturday na ang flight ko sa pilipinas at that day rin ang kaarawan ko. Pero bou na ang desisyon ko to live separately at pag-aaralin ko ang sarili ko ng walang tulong galing sa kanilang dalawa.
Inimpake ko na ang kakailanganin kong mga gamit at ipinasok sa aking malita, damit, pantalon, boxers at brief, saka formal attire at saka mga pambahay at pan'tulog na damit ay nag sama rin ako.
I have a savings in my own bank account dahil ang mga allowance na pinapadala ni dady through masters card ay winiwidraw ko at nilalagay ko sa sarili kung bank account.
Almost three years na din itong sarili kung gawang bank account ko kaya malaki'laki na rin ang laman nito,mga nasa almost Ten Million na din ang laman sa tansya ko dahil malalaking halaga ang binibigay sa akin ni daddy pang allowance every end of the month,ganun ako katipid na tao at hindi nagwawaldas nang pera, wala naman akong mawawaldasan ng pera ko kaya iniipon ko nalang asides wala rin naman akong jowa.
Isang malita lang ang dadalhin ko patungong pinas at doon nalang ako bibili nang mga bagong damit ko.
I check my luggage twice para naman wala akong maiwan incase.
Matapos akong mag impake ay hinubad ko ang aking eye glass na sout-sout at ang puting t-shirt at short saka boxer ko dahil naiinitan ako matapos nang ilang oras kung pag iimpake.
Agad akong pumunta sa shower at doon ibinabad sa malamig na tubig ang aking boung katawan habang nakapikit at dinadama ang tubig na nag uunahang duma'usdos sa hubad kung katawan.
Sana maganda ang kapalaran ko doon sa pinas, may part sa sarili ko na natatakot at may part din na masaya dahil makakatungtung na ako sa lupang aking sinilangan.
Matapos nang aking pag ligo at pagbihis ay humiga agad ako sa aking kama at dahan dahang pumikit.
"Baby! gising!,Its time for our breakfast!''.
Napa mulat ako nang aking mga mata sa babaeng gumigising sa akin habang hinahaplos ang aking buhok sa malalambot nitong mga kamay at doon nagulat ako sa aking nakita.
My mom is caressing my hair while her beautiful angelic face with her two paired beautiful caramel colored eyes are staring on me.
"Mom!"
Masigla kung bungad sa kanya at agad ko siyang niyakap ng mahigpit dahil sa labis na saya na muli siyang makita."Ooh,my son hindi ka parin nagbabago ikaw parin ang little boy ko oh!."
Niyakap ako pabalik ni mommy at hinapuhap ang aking likoran.
"I missed you so much mom,for almost two years kayong hindi umuwi at hindi nagpakita sa akin andito kana sa aking harapan uli at yakap yakap kuna."
"Me too baby I missed you so much!, I'm really sorry baby busy ang mommy at hindi ka maalagaan ha!, Patawarin mo ang mommy!"
Pagpapaliwanag niya sa akin sa maamo niyang boses na alam kong nalungkot din siya.
BINABASA MO ANG
Falling Twenty |Book 1 of Duology|
Romance[UNDER REVISION] Sabi nila, lahat daw nang saya ay may katumbas na kalungkotan. Lahat daw nang kaligayahan ay may kakambal na mga luha. Lahat daw nang magagandang alaala ay may kaakibat na kalungkotan na hindi mo mabubura sa iyong isipan. Lahat ba n...