Falling Twenty 26

57 18 0
                                    

This Chapter is Unedited!

Einna Sapphire Nicolas POV

Natawa nalang ako ng masulyapan ko si carla na naka upo sa hita ni ryan habang yakap yakap siya..

Mabilis naman itong tumayo at nag tungo sa direksyon ko ulit habang naka busangot ang mukha.

Bwesitt!.... pag mamaktol niya at naka crossarm na umupo ulit sa aking tabi.

Tinignan ko ang mukha niya na
maputi na ngayun ay kumikintab dahil sa pamumula na nabuo sa kanyang magkabilang  pisngi.

Oh besh bakit namumula ka? Tanung ko dito habang naka ngisi.

Shut up einna! I hate you!  Sagut nito habang hindi parin nawawala ang inis sa kanyang mukha...

Siguro galit na galit to.... sabi ko sa aking isipan habang tinitigan ito...

Napabuntong hininga nalang ako at bahagyang tumayo para umalis sa kanyang tabi..

Saan ka pupunta? Tanung niya habang sinusundan ako ng tingin.

Pupuntahan ko lang si Ivan kanina pa kasi tahimik baka nababagot makikipag kwento lang ako...  sagut ko nalang dito at mabilis na tinahak ang likorang bahagi para puntahan si Ivan na nag'iisa sa kanyang upuan..

Do you mind? Mahina kung sabi habang tinitignan ang bakanting upuan na katabi sa inuupuan ni Ivan.

Mabilis naman siyang napadako ng tingin sa akin habang pinasadahan ako ng tigtig.

Uh s-sure!.... sagut nito at umupo ng maayos sa kanyang pag kakaupo..

Kanina kapa yata tahimik ha! Tanung ko kaagad dito ng maka upo na ako sa kanyang tabi.

Uhmmm! Ganito lang siguro talaga ako, tahimik na tao.  Sagut nito ng hindi naka tingin sa akin.

May sasabihin pala ako sayo...  sabi ko dito at madali naman siyang napa lingon sa akin.

Iwan kung anong sumapi sa pag katao ko at lumabas ang aking kapilyahan para itanong sa kanya ito...

Ano yun einna?  Maikli nitong tugon.

Ano kasi,, sabi ni mama may gusto ka daw sakin....

Sabi ko sa kanya at inobserbahan ng maigi ang kanyang reaksyon kung ano ang erereact niya sa sinabi ko.

Nakita ko siyang napatulala at napa lunok laway habang palipatlipat akong tinitigan sa dalawa niyang mga mata....

Iwan pero habang tinitigan ko siya parang sasabog na ako sa tawa dahil sa expresyon ng kanyang mukha..

Tila para bang natameme ito at namumula na may dalang pamumutla.

Hoy! Pukol ko sa kanya dahil hindi ito naka sagut sa sanabi ko.

H-haa! Sagut niya habang tinititigan lang ako.

Sabi ko, sabi ni mama may gusto ka daw sa akin... pag uulit ko sa aking sinabi...

Ha!? Ha! H-hindi ah! bakit naman ako mag kakagusto sayo? Saka ano... uhmm ang ganda mo kaya at ano uhmmmmm malabong mangyaring mag kakagusto ako sayo kasi anoo ma-may may nobya na ako!

Pautal utal niyang sagut habang hindi mapakali sa kanyang pag kakaupo at mabilis niyang iniba ng deriksyon ang kanyang mga tingin..

Natawa ako sa kanyang inasta ngayun pero sa hindi malamang dahilan medyo nalulungkot ako ng kaunti sa nalaman kong sagut mula sa kanya....

Iwan ko ba bakit pero hindi ko masagut kung bakit nalungkot ako bigla....

Ito naman bakit natataranta ka? Binibiro lang kita!... sabi ko nalang dito at tinampal ng bahagya ang kanyang braso at umupo ng maayo sa aking pag kakaupo...

Falling Twenty |Book 1 of Duology|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon