Castle in Europe?
No, it's Simala Church in Cebu📍Simala Shrine, Sibonga Cebu
#Simala #SimalaCebu #SimalaShrine
The photo above mention is not mine.
Credit to the rightful owner.This Chapter is Unedited!
Josh Ivan Lee Uy POVMabilis akong bumaba ng van matapos ipangalandakan ni Carla ang paghahawak kamay namin ng kaibigan niyang si Einna.
Parang instant at walang prenong bumilis ang tibok ng puso ko ng matamaan ng aking paningin ang kamay kung mahigpit na hinahawakan ang kamay ni Einna, kaya sa pagkataranta ay binitiwan ko ito at mabilis na bumaba ng van.
Naglakad ako ngayun dito sa may entrance gate ng mala palasyong lugar, iwan pero sa isang tingin ay mapapamangha kanalang talaga dahil sa angkin nitong ganda at tanawin.
Mabilis kung tinahak ang kaloob looban ng lugar at doon dumako sa machicolation ng malapalasyong lugar, mula dito sa machicilation ng palasyo ay makikita mo ang kabuoan ng palagid mula sa ibat ibang klase ng mga bulaklak na pumapalawak sa gitnang harden ng palasyo at artificial pond na may dalawang semi-patio na naka plastada sa gilid ng pond, mula sa labas ay ang kabuoan ng palasyo ay makikita mo din ang malalaki at mabeberding kakahoyan na pumapalibot din sa labas ng boung lugar at sa bandang malayo ay makikita mo ang malawak at asul na karagatan.
Bigla akong napapikit ng aking mga mata at sumamsam ng preskong hangin sa bandang aking kinatatayuan at ninamnam ang mga sandaling napakasarap tangkilikin.
Ang ganda ng Cebu.
Iyon nalang ang lumabas na salita mula sa aking isipan habang pinipikit ko ang aking mga mata.
Ivan right?
Napamulat ako sa isang boses mula sa aking bandang gawi at bahagyang idinako ko ka agad ang aking paningin doon at doon nakita si Vincent na naka dungaw at naka hawak din sa machicolation ng palasyo habang tinatanaw ang ibabang bahaging tori ng palasyo.
Uulitin ko, ano ka ba ni Einna?
Pagsasalita niya ulit ng hindi ko siya sinagut sa unang katanungan niya.
Bakit ba napaka curious mo sa namamagitan sa aming dalawa ni Einna?
Patanung kong sagut sa kanya.
Tiim bagang siyang tumitig sa akin at ulit na nagsalita.
Gusto ko lang malaman kung anong meron kayong dalawa at syaka bakit kayo palaging magkalapit sa isat-isa, matagal naba kayong magkakakilala?
Mahaba niyang tanung habang patuloy ko lang itong pinasadahan ng tingin.
Nag buntong hininga lang ako at hindi nalang ito binalingan ng sagut at ibinalik ang tingin ko sa labas ng palasyo at doon itinuon ang aking tingin sa dagat na tanaw mula dito.
BINABASA MO ANG
Falling Twenty |Book 1 of Duology|
Romance[UNDER REVISION] Sabi nila, lahat daw nang saya ay may katumbas na kalungkotan. Lahat daw nang kaligayahan ay may kakambal na mga luha. Lahat daw nang magagandang alaala ay may kaakibat na kalungkotan na hindi mo mabubura sa iyong isipan. Lahat ba n...