This Chapter is Unedited!
Josh Ivan Lee Uy POV
Pag kababang pag kababa namin ni Einna sa jeep ay hindi nya parin namalayan na hawak hawak 'nya parin ang aking kamay habang tinatahak namin ang daan patungo sa airport nang NAIA.
Nakatitig lang ang aking mga mata sa mga kamay naming mag ka holdinghands na para bang nag swi'swing ng dahan dahan.
Parang hindi mag kamayaw ang aking damdamin sa aking nararamdaman ngayun, para bang pabilis ng pabilis ang pag tibok nito at parang hindi ko mapaliwanag ang dahilan.
Inaay!
Napabalik lang ako sa aking katuturan ng marinig ko ang boses ni einna ng may tinawag ito.
Dinako ko ka agad ang tingin ko sa isang stall na maliit na tindahan na naka tukod malapit sa daanan ng mga tao sa dabi ng daan.
Agad naman kaming huminto sa pag lalakad ng nakatayo na kami sa harapan ng maliit na tindahan at agad naman kaming sinalubong ng may katandaan na rin na babae.
Anaaaak! Masiya nitong sagut habang hindi maipinta sa kanyang mukha na tila ba napakasayang makita si einna.
Napa ngiti nalang ako ng mapakla ng maalala ko si mama, kumusta na kaya sila ni papa? Hinahanap rin kaya nila ako?
Namimis din kaya ako sa pinakamamahal kung ina?
Nag woworied din kaya yun sa akin simula ng hindi ko sila ma contact o matawagan?
Mga katanungan na nag tatakbohan sa aking isip habang inaalala sila mama at papa.Oi ivan! Ivaaaan!
Napa balik nalang ako sa realidad habang nakatulalang nakatutuk sa siminto ng tinawag ni einna ang aking pangalan.
A-ah! H-huh? Nauutal kung sagut habang bahagya ko Siyang pinasadahan ng tingin.
Ohh anak sino tong kasama mo ha?
tanung ng nanay ni einna habang pinasasahan akong tinignan mula ulo patungo sa paa at pabalik sa ulo ko habang malumanay na naka ngiti sa akin ngayun.
Mukhang mabait yata ang ina ni einna kasi nakikita ko sa kanyang mga mata na parang masiyahin ito.
Ahh! Kaibigan ko siya nay saka school mate din kami.
Pag papakilala ni einna sa akin sa kanyang ina at binati ko lang din ito ng isang masaganang ngiti at yumuko ng bahagya bilang pag galang dito.
Magandang hapon po tita...
Pag bati ko dito sa mahina kung boses dahil medyo nahihiya narin ako sa mga titig ng mama ni einna sa akin.
Magandang hapon din sayo ejo!
Pabalik niyang pag bati sa akin..
Mukhang may hindi kayo nasabi sa akin na dapat ninyong sabihin einna!
Napa taas ako ng tingin mula sa pag kaka yuko ko ng marinig ko yung sabi ng inay ni einna.
Nakita ko dito ang napakalukong mukha habang hindi parin nawawala ang mga masaganang ngiti nito sa mga labi at palipat lipat niya kaming tinitigan ni einna.
Bahagya kung tinignag si einna at siya rin sa akin na parang nalilito at hindi alam kung ano ang pinag saaabi ng kanyang ina.
Anong dapat naming sabihin sayo inay? Tanung ni einna na may pag ka lito sa kanyang mukha.
Nadako ang mga titig namin ni einna ng sabay ng makita namin pareho kung saan naka tuon ang titig ng kanyang ina.
Hindi ko alam pero parang nag init ang katawan ko sa mga oras na ito at dali daling binitawan ni einna ang kanyang pag kakahawak mula sa aking kamay simula pa nung nasa jeep pa kami hanggang umabot na kami dito.
BINABASA MO ANG
Falling Twenty |Book 1 of Duology|
Romance[UNDER REVISION] Sabi nila, lahat daw nang saya ay may katumbas na kalungkotan. Lahat daw nang kaligayahan ay may kakambal na mga luha. Lahat daw nang magagandang alaala ay may kaakibat na kalungkotan na hindi mo mabubura sa iyong isipan. Lahat ba n...