Falling Twenty 28

42 13 0
                                    

This Chapter is Dedicated to mmmaauui

This Chapter is Unedited!

Einna Sapphire Nicolas POV

Naalimpungatan ako sa isang kamay na dahan-dahang pumupulupot sa aking mga daliri kayamalumanay akong napamulat ng aking mga mata at agad kung itinuon ang aking mga tingin doon sa direksyon ng aking kamay at doon napagtanto na ang malalambot at maiinit na palad ni Ivan ay walang ka malay'malay na sinasakop ang aking palad.

Sa mga sandaling iyon ay hindi ko macontrol ang pag bilis ng tibok ng aking puso,hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito at nakakaramdam ng ganito.

Tinignan ko si Ivan na hanggang ngayun ay naka pihig parin ang ulo sa aking balikat habang mahimbing na natutulog.

Agad ko naman inilibot ang aking paningin sa loob ng van na sinasakyan namin ngayun at pinasadahan ang mga tao na kasama ko ngayun dito sa loob ng van na ngayun ay patuloy parin sa pag andar, siguro hindi parin kami nakarating sa aming patutunguhan kasi patuloy parin kami sa aming paglalakbay.

Una kung tinignan si carla sa bandang dako ng van at doon ay nakita siyang mahimbing parin na natutulog at ngayun ay walang malay na yumayakap sa katawan ni Ryan na ngayun ay natutulog din habang ipinihig ang ulo sa ulo ni carla na naka higa sa kanyang dibdib.

Hindi ko alam ano ang naiisip ko habang tinitignan silang dalawa ang alam ko lang ay ang isang masaganang ngisi ang sumilay sa aking labi siguro dahil sa kilig na nararamdaman sa nakikita kung sitwasyon nila carla at ryan.

Pagkatapos noon ay idinako ko rin ang aking tingin sa bandang likod ng upuan ko at doon nakita si jake namahimbing ding natutulog habang naka krus ang mga braso sa kanyang diddib at sa bandang front seat naman sa may driver seat ay mahimbing ding natutulog si vincent ngayun at tila ba ako nalang at ang driver ang gising sa mga sandaling ito.

At dahil sa hindi na rin ako makabalik sa pagkakatulog dahil sa init na aking pinapakiramdaman ngayun dahil sa mga kamay namin ni Ivan na magkahawak ay itinuon ko nalang ang mga tingin ko sa labas ng bintana ng van habang patuloy parin ito sa bagtakbo.

Habang umaandar at patuloy sa pag takbo ang van ay siya namang namamangha kung patingin tingin sa kalawakan ng lugar na aming napag dadaanan, hindi ko talaga maiwanang mapamangha dahil sa angking ganda na tinataglay ng Cebu, bumabaybay parin kami sa public road na nakaayon sa dagat na mala asul habang humahampas sa dalampasigan habang ang mga nag sisilalakihang puno at matatayog na puno ng niyog ay sumasabay sa pagsayaw dala ng hangin.
Nag tagal ang aming byahe at hindi ko parin maiwaksi ang aking paningin sa mga lugar na aming nadadaanan ngayun.
Grabe ang ganda ng daanan nila dito sa cebu ngayun lang ako napamangha ng ganito dahil sa mga puno ng acasia na napapalibot sa gilid ng daan na tila ba tinatabunan ang daan at kusang nag bibigay ng mga canopies sa kabuoan ng paligid.

May nadadaanan din kaming mangilanngilang simbahan dito sa cebu na naka ayon lang sa gilid ng daan at magagandang parke na pinapalibotan din ng malalaking acasia at mabeberding bermoda grass, grabe ang ganda talaga ng cebu paano pa kaya sa mga tourist spot nila dito na hindi ko pa napupuntahan.

Manong malapit naba tayo?
Lutang kung tanung sa mamang driver hahang matuloy paring naka tanaw ang mga mata ko sa labas ng bintana ng van.

Malapit na tayo eja,kunti nalang.

Maikling sagut ni manong driver habang abala parin sa pagmamaneho.

Falling Twenty |Book 1 of Duology|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon