This Chapter is Unedited!
Einna Sapphire Nicolas POV
Okay students listen up!
Sigaw ni Mr.Arcenal sa amin habang pinapalakpak ang kanyang dalawang kamay para mapunta ang lahat ng atensyon namin sa kanya ngayun.
Andito kaming lahat sa Castle Keep ngayun kung saan may nakapalibot na napakadaming rebulto ng imahe ng mga santo.
Inilibot ko ang aking paningin sa kabuoan ng lugar at tila namangha sa sa aking nakikita at tila hindi makapaniwala sa napakagandang mga palamuti na naka palibot sa kabuoan ng buong paligid.
Hoy besh saan ka pala kanina?,
bigla kalang nawala habang magkasama tayo.Mahinang tanung ni Carla sa akin habang tinitignan si Vincent na nakatayo sa aking tabi.
Hinanap ko kasi si Ivan.
Sagut ko nalang dito at itinuon ang tingin sa nag sasalitang si Mr.Arcenal mula sa aming harapan ngayun.
Oh? bakit si Vincent ang kasama mo at hindi si Ivan?
Masuring tanung ulit sa chismosang kaibigan ko at bahagya ko siyang tinaasan ng kilay.
Dami mong tanung manahimik ka na nga lang at makinig ka kay Mr.Arcenal.
Tinaas babaan lang ako ng tingin ni Carla habang naka pout ang bibig sabay baling sa harapang deriksyon at doon ibinaling ang pakikinig sa nag sasalitang propesor.
Matapos ang napakahabang litanya ni Mr.Arcenal kanina ay nandito kami ngayun lahat sa hapagkainan para kumain.
Nandito lahat ng estudyante at dito nag titipon tipon dahil malawak ang lugar na ito kaya kasya ang limang daang estudyante mula sa ibat ibang kurso ng aming paaralan na nakadistino ngayun dito sa Simala Shrine ng Sibunga Cebu City dahil yung iba ay naka distino naman sa ibang lugar dito sa Pilipinas at doon ginaganap ang gaganapin din nilang community service at saka field trip.
Matapos ang mahabang araw ngayun ay iginiya naman kaming lahat ng mga madre sa kanya kanya naming tulogan.
Ngayun ko lang napagtanto habang naglalakad sa magandang palasyo na ito, hindi lang pala ito isang palasyo lang dahil isa itong simbahan na ang tawag nila ay Kingdom of Mama Mary inshort sa bisayang pananalita ay Palasyo ni Berhing Maria,sinabihan din kami kanina ng mga madre dito habang kumakain kami kanina na ang malapalasyong lugar na ito ay isang hamak na kapilya lamang noon, isa din itong tanyag at mas kilalang tourist spot at bahay dasalan ng mga taong humihingi ng himala mula sa Berhing Maria.
Oh'mga ining dito ang inyong silid tulogan ha! pumasok na kayo at para makapagpahinga ng maaga at makapaghanda bukas sa gaganapin ninyong mga trabaho.
Napabalik ako sa sarili ng marinig ko si Sister Nina na nagsasalita habang hinaharap at iginiya kami sa napakagandang silid tulugan dito sa Simala Shrine.
Madami kaming mga babaeng istudyante ang pumasok dito sa silid na ito na subrang laki at sa ibang dakong silid naman iginiya ng ibang madre ang mga kalalakihan para doon din magpahinga sa gabing ito.
Hoy!
Isang salita ang nagpapukaw sa aking kalutangan habang nag iisip tungkol dito sa malapalasyong lugar ng bahagya akong hampasin ni Carla sa aking balikat.
Oh?
mahina kung tugon dito at bahagyang inaayos ang kumot at unan na aking gagamitin ngayun sa pagtulog.
Kanina kapa wala sa sarili mo ah, simula pa doon sa hapagkainin.
Pag aalalang tanung sa akin ni carla dahilan para mapatulala at mapaisip ulit ako ng bahagya.
BINABASA MO ANG
Falling Twenty |Book 1 of Duology|
Romance[UNDER REVISION] Sabi nila, lahat daw nang saya ay may katumbas na kalungkotan. Lahat daw nang kaligayahan ay may kakambal na mga luha. Lahat daw nang magagandang alaala ay may kaakibat na kalungkotan na hindi mo mabubura sa iyong isipan. Lahat ba n...