Falling Twenty 24

26 16 0
                                    

This Chapter is Unedited!

Einna Sapphire Nicolas POV

Nandito parin kami sa loob ng jeep ni ivan habang hindi parin umuusad ang trapiko ng edsa.

Inilibot ko nalang ang aking paning sa labas ng daan habang pinagmasdan ang matataas na gusali na nakapalibot sa gilid ng daanan ng edsa.

Habang abala ako sa aking pag tingintingin sa paligid ay naramdaman ko nalang na nag vibrate ang cellphone ko sa aking palda kaya agad ko itong kinuha para sagutin.

Si nanay.....Sabi ko sa mahinang boses habang tinignlan ang screen ngcellphone ko kung sino ang tumatawag.

Hello nay? Bakit ka napatawag? Tanung ko dito sa kabilang linya.

Nako anak yung ibinigay ko sayong biko na ipapadala ko sana sayo pag uwi mo sa condo ay naiwan mo dito sa tindahan, ang tanga mo!! matalino ka pa naman sana pero makakalimutin ka...

Sumbat ni nanay sa kabilang linya.

Bahagya akong napa pout ng aking mukha at naramdaman kung tinitignan ako ni ivan kaya agad ko nalang binalik sa normal ang aking mukha at nag seryuso.

Hayaan mo nalang yan nay! Pasensya na talaga... pag papaumanhin ko nalang dito.

Byeeee na- hindi ko natapos ang pag papaalam ko sana ng mag salita ulit si inay sa kabilang linya at naputol ang sasabihin ko.

Nak, kasama mo pa si ivan?  Napakunoot ang akin noo sa tanung niyang iyun.

Opo nay bakit? Sagut ko nalang dito habang litong lito kung bakit nasama sa usapan namin si ivan out of nowhere niyang tanung.

Alam mo anak may pakiramdam ako diyan sa kaibigan mo e...  sagut nito habang ramdam ko ang ikspresyon nya sa kanyang mukha kahit hindi ko pa ito nakikita.

Anong pakiramdam nay? Sagut ko nalang dito sa walang ka alam alam kung pag tatanung.

Panigurodo anak mayaman yang kaibigan mo....

Napa taas nalang ako ng kilay sa kanyang sinasabi.

Pinag sasabi mo inay? Saka ang dami mong tamang hinala.

Sagut ko dito habang mahinang napa tawa.

E kasi halata naman sa kutis non kahit naka sout ng malalaking eye glasses at braces anak! Nararamdaman ko talaga na may dugong yayamanin yang kaibigan mo!

Bulalas nito sa kabilang linya.

Nako inay kung yun man ang hinala mo hala ipag patuloy mo lang yan.. sagut ko nalang dito..

Wait anak saglit may sasabihin pa ako sayo..

Ano nanaman po iyon?  Medyo naboboring kong sagut pero hindi ko pinahalata kasi inay ko parin ang kausap ko...

Mukhang sa tingin ko may feelings sayo yang kaibigan mo... sabi nito at mahinang humagikhik sa kabilang linya na tila kinikikig pa.

Napa ikot nalang ako ng aking mga mata sa aking naririnig, jusko galing pa talaga sa aking ina.

Dami mong alam nay, sige na ibababa kuna ang tawag... mahina kung sagut dito.

Sige anak mag ingat ka ha saka sa pag punta mo doon sa cebu... pag bibilin ng inay sa sinseredad nitong boses..

Napangiti ako ng bahagya habang pinakinggan siyang mag salita.

Saka anak,,,may isa pa pala. Pahabol nitong sabi.

Uhmmmm, sagut ko nalang dito.

Mukhang may ibubuga yang si ivan sa itsura... sabi nito kaya bahagya akong napatawa ng patago sa sinabi ni nanay..

Falling Twenty |Book 1 of Duology|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon