This Chapter is Unedited!
Josh Ivan Lee Uy POV
Nandito ako sa waiting shed sa labas ng ateneo na aking pinapasukan.
Pinagtitinginan na ako ng mga tao dahil sa itsura ko ngayun.Yung polo kung puno ng sauce ng beef steak saka may kunting spaghetti pa ako sa ulo ko at icing sa aking mukha.
Binaliwala ko nalang yung mga taong dumadaan sa aking harapan bahala na sila kung ano man ang iniisip nila ngayun sa hitsura ko wala na akong pake alam.
Nakakahiya kanina nong nag lalakad ako habang may bitbit na tray tapos nag katitigan na kami ni einna non ng bigla nalang may sumapid sa mga paa ko.
Wala na akong mukhang maihaharap kay einna saka sa mga studyanting naka kita nang pangyayaring iyun.
Tinignan ko ang sarili ko habang nakaupo parin sa waiting shed para na talaga akong iwan yung bohok ko na mahaba puro na sauce ng spaghetti.
Naglakad nalang ako para umuwi, wala akong dalang extra uniform sa locker ko saka nag iisang polo ko rin lang to wala na akong pambiling bagong polo dahil hirap nga ako sa sitwasyon ko ngayun.
Yung pera ko kay kulang pa nga sa pagkain ko minsan kinakapos pa sa pamasahe.
Bigla kung naalala sila mama at papa.
Kamusta na kaya sila? Matagal tagal na ring hindi ko sila nakakausap at nakikita almost 7 months na mula noong pag ka dating ko dito sa pinas.Wala na akong contact sa kanila. Miss kuna si mama, hindi ko namalayan na tumutulo na pala luha ko.
Nakakabakla mang isipin pero hirap na hirap na ako.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad haggang makadating ako sa sakayan ng jeep.
Sasakay na sana ako ng hinarangan ako ng isang pasahero ng kanyang paa sa may daanan paakyat sa jeep.
Wag kang sumakay ang dungis mo baka ma mansyahan pa kami! Sabi nito habang tinignan ako mula ulo hanggang paa.
May point naman sya kaya hindi nalang ako sumagut bagkos umalis nalang ako at nag patuloy sa pag lalakad.
2 hours din ang lumipas at hindi ko namalayan na naka rating na pala ako sa eskinita kung saan ako papasok dahil doon ako nakatira.
Akalain mo yun nalakad ko ito mula ateneo patungo dito sa tinitirhan ko!
Pag kadating ko ay agad akung pumusok sa bahay at hinubad ang mga damit kung madaming pagkain na natapon.
Naligo muna ako sa maliit na cr dito sa boarding house na aking inuupahan at pagkatapos non ay nagbihis ng pambahay.
Nag cut na ako ng klase dahil sa wala na nga akong maisuot na uniform.
Nilabhan ko kaagad yung namansyahan para hindi tumigas yung mansya baka lumalala pa dumikit ng tuluyan sa polo.
Pagkatapos kung mag laba ay agad ko itong isinampay sa labas ng Bhouse ko at pumasok ulit sa loob.
Siguro hihintayin ko nalang ang oras para sa duty ko ngayung hapon iidlip lang ako.
Tapos non ay pumikit ako at natulog nalang.~~
Hapon na at natapos na rin ang klase namin sa lahat ng subjects pero nasa isip ko parin si Ivan mula kanina hanggang ngayun.
Nasaan na kaya siya? Pag-alala kung tanung saaking sarili habang nililigpit ang mga gamit ko.
Gustohin ko mang puntahan sya sa kanyang tinitirahan ngayun pero hindi ko alam kung saan at kung paano! Hindi ko pa natatanung sa kanya kung saan sya nakatira.
BINABASA MO ANG
Falling Twenty |Book 1 of Duology|
Romance[UNDER REVISION] Sabi nila, lahat daw nang saya ay may katumbas na kalungkotan. Lahat daw nang kaligayahan ay may kakambal na mga luha. Lahat daw nang magagandang alaala ay may kaakibat na kalungkotan na hindi mo mabubura sa iyong isipan. Lahat ba n...