Falling Twenty 15

46 30 0
                                    

This Chapter is Unedited!

Vincent Abraham Ang POV

Nagising ako sa sikat ng araw na dumampi sa aking mukha kaya agad akong bumangun at dahan dahang kinusut kusot ang aking mga mata.

Nakatulala lang ako habang naka upo sa aking kama habang inaalala ang mga nangyari kagabi mula sa party hanggang sa magkasama kaming dalawa ni einna.

Ang huling natatandaan ko lang ay nag blackout ako at ang kasunod non ay hindi ko na matandaan ang sumunod na pangyayari,pero sino nag dala sakin dito sa kwarto ko?

Nakauwi kaya ng maayos kagabi si einna? Tanung ko sa aking sarili na kahit ako mismo ay hindi ko masagut.

Napabuntong hininga nalang ako at agad bumaba sa aking kama at dritsong pumasok sa cr para maligo dahil may klase pa ako ngayun.

Einna Sapphire Nicolas POV

Nandito ako ngayun sa loob ng classroom namin at tahimik na umupo sa aking upuan alam kung medyo napaaga ang dating ko dahil wala pang masyadong estudyanteng pumapasok sa silid.

Agad ko namang inisip ang nangyari kagabi doon sa party ni vincent.
Hindi pa din ako makapaniwala sa kanyang mga pinagsasabi.

Iwan pero natatawa ako hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa mga binitawan nyang salita o hindi.

Siguro dala lang yun ng alak kaya alam kung hindi nya rin alam ang mga salitang lumalabas sa kanyang bibig sa gabing iyon.

Pero nakakapag taka lang sino nag hatid sa akin sa condo unit ko? Tanung ko sa aking sarili.

Huling naalala ko lang ay mahimbing na akong natutulog sa sarili kung kama at hindi man lang alam kung sino nag hatid sa akin.

Hindi naman kasi akk iinom that time pero nadala lang ako sa emosyon ko kaya yun naka isang laguk ng alak at nag blackout na din tapos non hindi ko na alam kung sino nag buhat or nag dala sakin sa condo unit ko.

Good Morning friend! Sigaw ng isang babae na bagong pasok lang mula sa pintuan at alam ko kung sino ito may iba pa ba edi si carla!

Hindi kuna siya nilingun dahil alam ko namang pupunta siya sa dereiksyon ko.

Agad naman syang umupo sa front chair at saka humarap sa akin.

Carla! Pauna kung sabi.

Yes? Maikli nyang sagut.

Sino ba nag hatid sakin sa condo unit ko? Taka kung tanung.

May iba pa ba edi ako? Ano eniexpect ko? Mataray nyang sagut sabay flip ng kanyang buhok.

Hindi sa nag eexpect ako kaya nga nag tatanung diba dahil hindi ko alam.

Sabi ko sa kanya na sinagutan lang niya ng smirk.

Sa mga oras na yun ay napatuloy ang kwentohan naming dalawa ni carla about last night doon sa naganap na party kila vincent.

Hinanap daw kami ng boung mag barkada ni vincent at doon nakita nila daw kami sa likorang bahagi ng bahay sa may pool na nakatilog ng mahimbing habang si vincent daw naka higa sa heta ko habang ako naman daw ay naka higa sa dibdib ni vincent.

Madami pa kaming pinagusap ni carla tungkol sa kaganapan kagabi at yung iba hindi na namin natapos dahil nag sidatingan na rin yung mga ka klase namin saka yung prof.

Mabilis ang takbo ng oras at uwian na kaya mabilis akong nag impake ng gamit ko at ipinasok ito sa loob ng bag ko.

Nahalata ko na kanina pa tingin ng tingin sa deriksyon ko itong si vincent mula noong nag didiscuss pa yung mga pumapasok na guro until now na uwian na.

Falling Twenty |Book 1 of Duology|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon