This Chapter is Unedited!
Einna Sapphire Nicolas POV
Tumakbo ako papalapit kay Ivan kasi nahinto siya sa pag tawag ko ng pangalan niya.
Nang makalapit ako sa kanya ay agad ko naman siyang nginitian habang nakatingin siya sa akin.
Hi! Bati ko sa kanya na agad nya namang sinagutan.
Hi! Maikli nyang sagut sabay yumuko.
Nandito na naman tayo sa point na hindi sya tumitingin sa akin, nakaka inis dahil sinabihan ko na siya noong nakaraang araw na wag na siyang mahiya sakin pag ako ang kausap niya pero tignan mo ngayun?
Tinaas nya ulit ang ulo nya para tignan ako ulit dahil nga hindi ako umimik sa sagut nya at nahinto lang kami sa pag lalakad.
Bakit? Taka nyang tanung.
Ngumiti ako ulit sa kanya at sumagut.
Wala lang! Di ba sabi ko sayo dati wag kanang mahiya sa akin pag ako kauusap mo! E nakayuko ka pa din. Sabi ko sa kanya.
S-sorry! Medyo naiilang pa ako sayo e! Sagut nya saakin.
Ay sus masanay kana! Sabi ko dito at hinawakan ang kamay nya iwan ko kung bakit ko ginawa yun pero basta hinawakan ko lang ng kusa.
Tumingin siya sa kamay nyang hinawakan ko at pag katapos ay timingin sa akin.
Sinagut ko lang ang mga tingin niya ng isang malaking ngiti at sabay noon ay hinila ko na agad siya.
Tara na malalate pa tayo! Sabi ko dito habang hila hila ang kamay niya, nag paubaya naman ito at hindi na umimik at dritso lang kami sa pag lalakad sa hallway patungo sa aming mga classroom na papasokan,yung ibang mga student ay napapatingin sa aming dalawa ni ivan na magkahawak kamay iwan pero hindi ko alam kung bakit.
Hindi ko nalang pinagtuuan ng pansin ang mga tumitingin sa amin at pinagpatuloy lang namin ang aming paglalakad.
Saan ba yung room mo Ivan? Tanung ko sa kanya habang patuloy padin kami sa pag lalakad.
Sa 3rd Floor! Room 209A. Maikli nyang sagut.
Ahhh so dito nalang tayo mag hiwalay sa 2nd floor lang kasi room namin sa may kabilang building. Sabi ko sa kanya.
Sige! Maikli nyang sagut ulit at bumitaw sa pagkakahawak ko.
So! Kita nalang tayo sa canteen this lunch? Tanung ko ulit sa kanya.
S-sure! Utal nyang sagut na hindi parin ako tinitignan.
Bye Ivan! Sabi ko dito habang patuloy ako sa pag lalakad at kumaway naman siya sa akin bilang tugun.
Ilang minuto din ng makarating ako sa building damin at pumasok na ako sa room.
Madami dami na din ang student pero wala pa yung teacher namin kaga umupo lang muna ako sa upuan ko at tahimik na nag kalkal sa notebook ko at nag basabasa.
Sis! Napahinto ako sa ginagawa ko nang makita ko si carla na papalapit sa akin at umupo sa bakanting upuan malapit sa kinauupuan ko.
Oi carla! Bakit?
Are you free tonight? Punta tayo kila vincent birthday nya daw kasi tapos may kunting party sa kanila kaya ininvite nya mga classmate nya na pumunta don.
Vincent? Patanung kung sabi.
Ano kaba einna! Hindi mo kilala si vincent yun oh! Sabi nya sabay turo sa direksyon kong saan naka upo yung sinasabi nyang vincent. Honestly hindi ko talaga kilala si vincent kasi nga wala naman akong pake sa mga classmates ko na mga lalaki at busy din ako sa mga paper works at school works saka projects!
BINABASA MO ANG
Falling Twenty |Book 1 of Duology|
Romansa[UNDER REVISION] Sabi nila, lahat daw nang saya ay may katumbas na kalungkotan. Lahat daw nang kaligayahan ay may kakambal na mga luha. Lahat daw nang magagandang alaala ay may kaakibat na kalungkotan na hindi mo mabubura sa iyong isipan. Lahat ba n...