This Chapter is Unedited!Josh Ivan Lee Uy POV
Ilang oras din akong nakatayo at panay titig sa aking mukha sa maliit na salamin dito sa aking maliit na boarding house na tinutuluyan.
Hindi ko parin alam kung ano ba talaga ang dapat kung gawin sa mga oras na iyon matapos kung ayusin ang sarili ko.
Tinggal ko ang semi-fashionable braces ko at nilagay ang binigay ni Mam.Janell na contact lens na binili namin kahapon sa mall.
Inayos ko ang mahaba kung buhok at itinali ito mula sa likoran gamit ang itim na lastiko at nilagyan ng kaunting hair wax para mas maganda tignan at intact ang pag kakaayos.
Hindi ko parin matanggal ang aking mga titig sa aking sarili mula sa reflection ng salamin.
Nag lalaro sa aking isipan kung papasok ba ako or hindi na?Pero kung hindi ako papasok saan ako kukuha ng pera para sa pag-aaral at pag kain ko araw-araw?
Saka hindi madali makahanap ng trabaho ngayun at yung pagiging part-time tutor ko ay hindi sustainable ang perang masasahod ko don.Napa buntong huninga nalang ako sa aking iniisip saka nag desisyon ng lumabas sa aking silid.
Nilock ko ang aking kwarto at sinabit sa aking balikat ang bag na nag lalaman ng aking uniform para sa trabaho.Dali-dali akong nag lakad palabas sa maliit sa eskinita dito sa daan ng boarding house na aking tinutuluyan patungo sa highway at hindi ma iwasang pag titinginan ako ng mga taong naka tambay sa kanilang kanya kanyang mga bahay.
Ilang sandali pa ay natahak kuna ang highway at doon naka tayo sa gilid ng kalsada para mag hintay ng masasakyan papunta sa aking trabaho.
Tinignan ko ang relo ko at 1hour nalang para sa oras ng takda sa aking pag pasok.Medyo traffic na din sa mga oras na yun dahil rush hour kaya medyo hindi na ako mapakali kasi baka ma late ako at medyo malayo layo pa ang pinapasokan kung fastfood restaurant na aking pinapasokan mula sa aking boarding house.
Sa ilang minuto ding pag aantay ng jeepney ay may nakita narin ako masasakyan patungo doon sa aking pag tatrabahoan.
Agad ko itong pinara at ito ay huminto hindi kalayuan sa aking tinatayuan.
Medyo nag hahabulan na yung mga taong katulad ko na nag hahanap din ng masasakyan kaya dahil medyo malapit na akong ma late nakisabay na rin akong tumakbo at nakilag unahan para makasakay lang sa jeep na ngayun ay nakahinto at naghihitay sa amin kung sino ang unang makaka sampa.
Sa di kasamaan palad ay naka pasok naman ako sa sasakyan pero yun nga lang medyo masikip na sa loob.
Wala na rin akong choice, ang sa akin lang ay yung hindi ako ma late sa pag pasok ko sa trabaho.
Hindi kuna rin iniinda ang init at ang mga taong naka palibot sa akin dito sa loob ng jeep kaya yumuko nalang ako at dahan dahang hinabol ang hininga.Medyo may narinig akong mahinang boses na tumawag sa pangalan ko kaya medyo tinaas ko ang aking ulo upang sinapatin ang aking katabi pero nasa labas naman ito nakatingin kaya bumalik nalang ako sa pag yuko.
Baka imahinasyon ko lang yun dala ng init. Sabi ko sa aking isipan pero this time sigurado na talaga akong may tumatawag sa pangalan ko at ang lakas pa ng pag kakatawag kaya napa dako ang tingin ko sa aking harapan at nakita ang isang babaeng tila napakalawak ng ngiti habang nakatingin sa akin.
Bigla akong nanlamig sa aking nakita at tila hindi maka pag salita at maka galaw sa kaganapan ngayun.
Lahat ng tao ay naka baling ang tingin sa aming dalawa kaya mas lalo akong kinabahan.
BINABASA MO ANG
Falling Twenty |Book 1 of Duology|
Romance[UNDER REVISION] Sabi nila, lahat daw nang saya ay may katumbas na kalungkotan. Lahat daw nang kaligayahan ay may kakambal na mga luha. Lahat daw nang magagandang alaala ay may kaakibat na kalungkotan na hindi mo mabubura sa iyong isipan. Lahat ba n...