This Chapter is Unedited!Einna Sapphire Nicolas POV
Matapos kung bisitahin si mama galing sa airport ay dumiritso agad ako sa condo ko dahil medyo pagod na rin ako sa araw na ito matapos akong makatagpo ng isang tao sa jeep na kasing mukha ni Josh na matagal kunang miss, iwan bakit ba namimiss ko yung tao na yun e'dalawang araw lang naman kami nag kakakilala nong mukung na yun.
Nag lalakad na ako papasok ng entrance ng condo at agad nag hintay sa may elevator para maka akyat na patungong 5th floor, ilang minuto din ay biglang tumunog ang elevator hudyat na ito ay pabukas na.
Hahakbang na sana ako papasok ng mahapit ko sa aking paningin ang isang taong naka eye glasses at naka yuko ang ulo.
Hindi ako magkakamali! Si ivan to!
Sabi ko sa aking isip.Akma na sana syang lalabas mula sa loob ng elevator ng hawakan ko ang kanyang braso dahilan para mapahinto sya sa kanyang pag lalakad. Alas at kami lang dalawa sa elevator at walang ibang taong sumabay sa kanya pababa.
Agad nya akong tinignan at para bang naka kita ng multo.
Kaya nginitian ko nalang ito habang hindi parin binibitawan ang braso nyang mahigpit kung hawak-hawak.
Ein-einna? Utal nyang sabi habang nag lalaro ang mga mata na tinitigan ako.
Almost 2 days din kitang hindi nakita mula sa nangyari sayo doon sa canteen. Sabi ko dito.
Yumuko lang siya ulit sa pag kakasabi ko ng mga katagang yun.
Wag muna isipin yun, kasalanan ko naman yun kasi lalampa lampa ako kaya na patid yung paa ko.
Saka matagal na yun almost 2 days had past already,lets forget about it.
Litanya nya at dahan dahang inangat ang mukha para humarap sa akin at nagpakawala ng isang ngiti habang akoy tinitigan.
Napabuntong hininga nalang ako sa kanyang sinabi at hinigpitan ang pag kakahawak ng braso nya at pumasok ako sa elevator at bahagya sya uling hinatak papasok.
Oi! Bakit mo ako hinila papasok ulit? Uuwi na ako! Hindi makapaniwala nyang tanung.
Samanhan mo muna ako sa unit ko! I need to talk to you to say my apology sa nangyari sayo 2 days ago doon sa canteen. Sagut ko sa kanya at binitawan ang braso nya nang nag sara ulit ang elevator.
P-pwede naman natin pag usapan yun sa lobby ng condominium bakit sa unit mo pa ako dadalhin? Tanung nya ulit.
Just dont ask questions ivan! Gusto ko lang mag apologize sayo in sincere ways. Guilty ako that day dahil hindi man lang kita natulungan at nakatingin lang ako sayo that time.
And it's suck kasi paulit-ulit nag popop-up sa isip ko ang tragedy na yun kaya di ako mapalagay ng hindi ka makausap ng masinsinan. Litanya ko dito habang nakatitig sa nakasarang pinto ng elevator.
Segundo din ng makarating kami sa floor ng unit ko at agad akong lumabas ng elevator.
Tinignan ko si ivan habang nasa loob parin at naka yuko lang, iwan ko ba bakit ganito tong tao na to, hindi mabasagan pinggan dahil sa attitude nya na pinapakita.
Ano? Hindi kaba lalabas dyan sa elevator or hihilahin pa kita pa labas? Sarcastiko kung sabi dahil medyo pagud narin ako dahil sa mga kaganapan kanina at sa trapiko narin sa kalsada habang bumabyahe.
Tinignan nya lang ako at dahan dahang nag lakad papalabas ng elevator.
Napabuntong nalang ako ng hininga at nag lakad ulit.
BINABASA MO ANG
Falling Twenty |Book 1 of Duology|
Romance[UNDER REVISION] Sabi nila, lahat daw nang saya ay may katumbas na kalungkotan. Lahat daw nang kaligayahan ay may kakambal na mga luha. Lahat daw nang magagandang alaala ay may kaakibat na kalungkotan na hindi mo mabubura sa iyong isipan. Lahat ba n...