Falling Twenty 10

55 38 0
                                    


This Chapter is Unedited!

Josh Ivan Lee Uy POV

Hinanda ko na ang mga gamit ko na kakailanganin sa school tapos lumabas na sa nirerentahan kung bahay dito sa medyo dikit dikit na kabahayan dito lang din sa manila na isang sakayan lang ang layo sa paaralang pinapasukan ko ngayun.

Medyo maliit lang ang boarding house na inuupahan ko ngayun pero wala akong choice kung hindi ang mag tiis, nasanay na din ako sa simpling buhay at naranasan ko na din ito ngayun, hindi pala ganun kadali mamuhay maging mahirap kaylangan pang mag banat ng buto para maka hanap ng pera para sa araw araw mong gastosin.

Nagpapasalamat pa din ako na kahit nawalan ako ng bank note saka ATM nung una akong maka apak dito sa pinas ay nakaya ko pa ding maka pag aral at makakain araw araw.

Matapos ng pang yayaring iyun hindi ko talaga alam ang gagawin ko nakaka depressed gulung gulo utak ko.

Until hindi na din ako nag papakita kay einna, dahil nahihiya ako sa kanya, baka makasagabal pa ako at maging pabigat.

Naging close kami ni einna kahit hindi kami matagal na nagkakakilala, magaan din ang loob ko sa kanya habang nag sasama kami at namamasyal sa park malapit sa airport noon.

Kumakain sa tabi tabi at sa kanya ako na toto nun.

Napakasaya kasama ni einna, sa tuwing kasama ko sya ay nawawala ang  pinuproblema ko pero hindi pala sapat dahil nung nalaman nya din na nawala ang bank note at ATM ko ay parang naawa din sya sa akin at parang hindi nya din alam ang gagawin, nakita ko sa kanyang mga mata ang pag aalala dahil alam niyang wala akong ibang mapupuntahan at patutunguhan.

Ayaw ko naman maging pabigat baka masabihan pa akong nag tetake advantage if malaman ng mga magulang nya ang tungkol sa akin dahil gusto nya talaga akong tulungan.

Pero ayaw ko maging pabigat kay einna, ang huli naming pag kikita ay noong araw na nag lalakad lakad kami sa park masaya pa kami noong mga araw na yun kahit napepresure na ako sa aking kalagayan, but I still manage to smile in front of her para lang hindi nya mahalata na malungkot ako saka depress.

Until nong matapos ang gabing yun ay hindi na ulit ako nag pakita sa kanya.
Umalis ako sa lugar na yun at nag hanap ng paraan kung paano ko mabubuhay ang aking sarili.

Until nag apply ako sa ibat ibang trabaho na my vacancy kahit wala pa akong alam kung anong gagawin noon pero tinatagan ko ang aking sarili.

Tinitipid tipid ko ang naiwang kunting pera na natabi ko sa aking pitaka para lang may pang bili pa akong pagkain sa mga sumusunod na araw.

Na experience ko din sa mga araw na dalawang beses lang akong kumakain dahil alam kung wala na akong pera.

Patago akong natutulog sa mga sulok ng kalye dahil kinapos na ako at wala ng pang renta ng apartment or hotel man lang.

Umabot ako sa puntong malapit na akong sumuko at iyak ng iyak sa isang sulok.

Sinisi ko ang sarili ko sa mga oras na yun, dahil kung hindi pa siguro matigas ang ulo ko at hindi nag pupumilit na pumunta dito sa Pilipinas e hindi sana ako mag kakaganito.

Hanggang sa lumipas ang isang buwan ang pag stistay ko dito sa pinas wala na talaga akong ka pera pera yung mga gamit ko ay binita ko na sa murang halaga pati ang aking malita ang bitbit ko nalang sa mga oras na yun ay ang isang brown envelrna nag lalaman ng mga importanting papelis ko at school cards at mga requiremets, sa mga araw na yun ay napagtanto ko na ang hirap pala walang nagulang na sumusuporta yung ikaw lang mag isa!  Palaboy laboy sa daan hangang sa naking dugyot kana ulit, nabariwara hanggang sa tumaas ng buhok ko ulit at natatabunan na ang mukha ko.

Falling Twenty |Book 1 of Duology|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon