Chapter 1

2.9K 52 1
                                    

Hindi ako maganda

Hindi ako sexy..

Mas lalong hindi ako mayaman

Pero may katangian ako na wala sa iba..

Gamit ang boses ko at isang kumpas ng gitara ko..

Kaya kong paibigin ang kahit na sino..

-------------------------

A/N: I made this story year 2012. Hindi ko na napublished dahil sa isang account ko sya nakasave at di ko na yun maopen. Tinry ko lang alalahanin.

Hope you'll enjoy the story 😊

-------------------------

Akiko POV

Halos 3 linggo na ng mamatay si lola. Iyak pa din ako ng iyak. Wala na kasi akong mga magulang. At tanging si lola na lang ang kasama ko sa buhay.

Kinuha ko ang gitara na binigay niya at tumugtog..

🎶 Ugoy ng duyan
[[Kyline Alcantara Version]]

"Sa Ugoy Ng Duyan"

Sana'y di magmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni Nanay
Nais kong maulit ang awit ni Inang mahal
Awit nang pag-ibig habang ako'y nasa duyan

Sana'y di magmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni Nanay
Nais kong maulit ang awit ni Inang mahal
Awit nang pag-ibig habang ako'y nasa duyan

Sa aking pagtulog na labis ang himbing,
Ang bantay ko'y tala, ang tanod ko'y bitwin,
Sa piling ni Nanay langit ang buhay,
Puso kong may dusa,
Sabik sa ugoy ng duyan

Namimiss ko na ang lola ko 🥺

*flashback*

"apo.. May ibibigay nga pala ako sayo.." ani ng lola ko.

"ano po yun?" sabi ko.

Mahina na si lola at kailangan nang alalayan. Kinuha nya yung gitara sa tabi nya at inabot ito sakin.

"naalala mo yung kwento ko sayo nung kabataan ko?" sambit ni lola.

Naalala ko bigla ang sinabi sakin ni lola nun.

Alam mo ba apo?
Madami ang nagkakagusto sakin nung kabataan ko
Kaya kong paibigin ang kahit na sino kahit ang artistang si Juan Cansino ay napaibig ko gamit lamang ang boses ko..

"o..opo lola" sabi ko.

"totoo iyon. At eto kunin mo ang gitara ko.." pinipilit nyang tanggapin ko ito.

Maalikabok na ang gitara nya pero kinuha ko pa din.

"wag na wag mo ibebenta yan, alam ko iniisip mo." inis na sabi ni lola. Wari ko'y nabasa nya ang iniisip ko.

"grabe la ha.. May pagkamanghuhula ka talaga" wika ko. Grabe naisip nya pa yun.

"di ako manghuhula. Alam ko lang ang ugali mo na ang mga gamit mo ay binebenta mo makapambili lang tayo ng makakain.. Pero eto ay wag.."

"Hindi po.. Iingatan ko po ito 😊"

Tinanggap ko ang gitara na yun. Napakaganda ng yari ng gitara na yun at napakaganda ng tunog.
Minsan nga hinihiram ko yun para mag rakenrol kaso nagagalit si lola at Ingatan ko daw.

Kudyapi

Yun ang nakaukit sa gitara ni lola..

"napapansin ko na dati pa na napakaganda ng boses mo. At alam ko ikaw ang magmamana ng katangian na to. Gamitin mo ang boses mo at gitara na yan para mapaibig ang lalaking mapupusuan mo.."

Guitar Potion (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon