Chapter 7

916 19 0
                                    

Akiko POV

Pano nalaman ni Maam Terell yun? Yari ako kasi sinabi ko pa naman na hindi totoong tumutugtog pa din ang anak nya.

Agad ako pumunta sa Heron Bar~

Ang ingay!

Like a g6

Gusto ko sana sumayaw kaya lang naalala ko broken ako e.

Wala ata silang gig ngayon.

"aray ko miss! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" yung babaeng lasing. Aawayin nya ko kasi natapakan ko paa nya.

"sorry po ate" sabi ko. Pag atras ko may natamaan na naman ako.

"aray ano ba!" yung lalaki naman. Ba't ba tatanga tanga ako.

"sorry po kuya" banas to sakin. Nagmadali na lang ako lumayo.

Hayss asan ka ba Knives? Nakita ko yung isang kabanda nya na lumabas sa isang room dun. Baka andun din sya?

Sumilip ako at andun nga sya. Andun si Knives. Umiinom sya at nagsusugal kasama ang isang lalaking puro tattoo. Nakita kong binuksan nya ang isang sigarilyo. Nagsisigarilyo pala sya? Puro usok ambaho

P*tangina talo na naman!. Dinig kong sabi ni Knives. Badtrip na badtrip sya. Bakit kaya? Hindi nya alam na andito ako.

Pano ko sya pauuwiin. Tignan mo nga hitsura nyan. Parang kaya akong bugbugin. Isang suntok lang sakin nyan tatalsik ako eh.

Pinakinggan ko usapan nila

"Bwisit ang malas ko!" - si Knives

"mukhang wala ka na atang pera ah. Lalaban ka pa ba?" sabi nung lalaki.

"meron pa. Wag kang mayabang!" si Knives.

"haha sino ba kasing iniisip mo mukhang wala ka sa sarili mo may bago ka bang chikababes" - tattoo guy

"wala at wala akong balak"

"kung wala kang pambayad. Pwede mo ibayad sakin yung girlfriend mo, si Page ba yun?"

"Hindi ko girlfriend yun!" si Knives.

"kahit sino na lang babae mo ngayon. Alam mo na. Matagal nang di nakakatikim"

"tss. Balasahin mo na. May pera pa ko"

Parang badtrip na talaga sya. Sa tingin ko'y nagsusugal sila. Mukhang talo si Knives kaya ganyan hitsura nya. Huhu pano ko sya pauuwiin.

*text message*

Nagulat ako bigla nagvibrate yung cellphone eh nasa puwetan ko yung bulsa.

From: Maam Terell
Asan ka na? Nakita mo na ba si Knives?

Halaaa nangungulit na sya. Huhu bahala na. Pumasok na ko. Kakausapin ko na lang sya ngm maayos para di sya magalit sakin.

"ahh.. Knives" tawag ko sa kanya.

"what are you doing here!" si Knives na nakakunot noo. Nagulat sya na andito ako.

"ahmm ano kasi.. Tumawag kasi sakin ang mommy mo pwede daw bang umuwi ka na daw may pag uusapan lang kayo" sabi ko. Nakakatakot. Ayoko sya kausap.

"ayoko umalis ka nga bwisit" irita na sya sakin.

"knives pls.. Baka magalit sakin mommy mo pag di kita napauwi" worry na yung mukha ko.

"wala akong paki!Ang kulit mo! Umalis ka nga dito! Minamalas ako lalo!" sabi nya.
Ano ba yan!

Ang lagkit ng tingin sakin nung kasama nya. Gusto ko na umuwi.

Guitar Potion (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon