Knives POV
*boogsh!
Nagulat ako dahil bigla akong sinapak ni Terrence.
Bumagsak ako sa lupa. Anlakas nun!
Kinuwelyuhan nya ko!"totoo bang sinaktan mo si Page huh?!"
Tss. Tinulak ko sya at tumayo na.
"sagutin mo ko Knives!" aakma na naman sya ng suntok pero this time. Sinapak ko na sya.
"wala akong sinasaktan? Ano na naman bang inimbento ng babaeng yan?!" sagot ko. San nya nakuhang sinaktan ko si Page? Ni hindi ko nga yun kinausap pagkatapos kong malaman pinaggagawa nya kay Akiko.
"ayoko syang nasasaktan!"
"bakit girlfriend mo na ba? Sinagot ka ba?"
Natahimik sya.
"oh di ba? Wala kang karapatan. At hanggang ngayon ba gusto nyo pa din ang babaeng yun? Pakiusap kunin mk na at wag mo na palapitin sakin" -ako
Nakita kong galit na galit mukha nya. Nakabawi na din ako sa kanya! Tagal nya ng inagaw si Page sakin pero hanggang ngayon sakin balik ng balik.
"tagal kong niligawan yung tao tapos gaganyanin mo lang. Iyak sya ng iyak"
Lumapit ako at tiningnan sya.
"wala akong pake.." sabi ko.
Umalis na ko.
"mahal mo pa din ba si Page ha!? Kala ko ba kayo ni Akiko, nananakit ka ng dalawang babae!" -Terrence
Natahimik ako sa sinabi nya.
Tama. Nakasakit ako. Eh ano? Manhid na ko.Nagpatuloy na ko maglakad.
"aalis na ko sa banda mo!" sigaw ni Terrence.
"edi umalis ka" yun na yung huli kong sinabi sa kanya at naglakad na ko palayo.
----------------
Akiko POV
Namasukan ako bilang waitress sa isang restaurant malapit sa bahay ni Madz. Alam mo yung andami kong part time. Nagpaprivate tutor din ako 3x a week sa estudyante. Tumatanggap din ako ng reports, projects.
Wala na nga ako pahinga.
Di muna ako pumapasok dahil wala din akong pera. Kailangan ko muna makaipon dahil sa tuition at para makatulong din sa bayadin kay Madz pero natutuwa ako dahil yung nga teachers ko pinapapasok pa din ako and pagtutulungan daw nila tuition ko.
Lumapit ako sa isang table para kunin yung order nila.
"good evening.. What's your order maam sir? 😊" sabi ko.
"Akiko?" napatingin ako sa lalaking customer.
"Rome? Uy kamusta?" masayang sabi ko.
"Im fine Im fine. Ikaw? Dito ka nagwowork?" tanong nya.
"o..oo part time ko habang nag aaral" sabi ko
"wow ang sipag mo naman hija.." napangiti ako sa babaeng nagsalita.
"Mom, I want you to meet Akiko" -Rome. Mommy pala nya, ang ganda, ang disente.
"oww sya pala si Akiko. Nice meeting you hija"
Pala? Kilala ako ng mommy nya?
"ahh nice meeting you din po maam"
"don't call me maam, but you can call me mom "nakangiting sabi ng mama nya tapos tinignan nya si Rome.
BINABASA MO ANG
Guitar Potion (Complete)
Romance"hindi kita papatayin sa saksak o sa baril, pero kaya kita patayin sa selos" Akiko Red is a simple college student. Sya yung tipo ng taong di kapansin pansin but she has a secret. Sa boses at gitara nya kaya nyang paibigin ang kahit na sinong lalak...