Chapter 13

650 21 0
                                    

Knives POV

"Aki?" nakangiting sabi ko. Iniangat nya ang ulo nya. At laking gulat ko dahil hindi sya yun.

"P..Page?" sabi ko

"Knives?" niyakap nya ko. "I'm glad you're ok"

"a..anong ginagawa mo dito? Asan si Akiko?" nagtataka kasi ako.

"Akiko? Ako lang andito simula pa kagabi?" sabi nya.

"i..ikaw yung nag asikaso sakin??"

"oo naman. Ako lang? Bakit?" sabi nya.

Napayuko ako at napahawak sa ulo ko..

"ok ka lang ba? May masakit ba? Wait ikukuha kita ng gamot"

Panaginip na naman?? Pero parang totoo. Lagi ako nananaginip na kasama ko si Akiko pero paggising ko. Laging panaginip lang.. Nakakagag*

Ang saya saya ko pa naman. Siguro kailangan ko na talaga syang sukuan..
At isa pa, sila na ni Rome. Mas lalong nagkaron ng dahilan para tigilan ko na sya

Tinignan ko si Page. Habang natatarantang kumuha ng tubig at gamot ko.

Siguro panahon na para tanggapin ko na ulit sya. Sya lang nagtyaga sakin ng ganyan. Kahit minsan sa totoo lang sakit ng ulo sya.

Puro sakit lang nararamdaman ko kay Akiko eh. Minsan nakakapagod na din.

--------------------

Akiko POV

Excited ako pumasok sa school 😊😊 Hahaha

Lalalalala ~~

Para pa kong batang niyayakap mga poste,statue, pader na madaanan ko hahahahha

Pagkatapos ng klase pupuntahan ko si Knives 😊😊😊

Haayyyyyyy 😊😊😊😊

"para kang buang" si madz.

"bakit naman?" pasayaw sayaw pa ko habang naglalakad.

"feeling disney princess ka teh?" si Madz.

"no, I'm not a Princess, I'm a queen.. Mr. Terell's queen"

"eeww ang corny, kinikilabutan ako sayo Aki.. " si Madz

"grabe ka naman, masaya lang ako support naman kayo hahahah" sabi ko.

"pag nalaman nila Makissa na naman yang kalokohan mo. Sesermonan ka na naman nun. Lam mo namang bitter yun pag may masaya satin"

"hindi noh.. Papatunayan ko sa inyong iba na si Knives" sabi ko

Nagsasayaw ulit ako parang disney princess lang hahaha

Lalalalala~~~

Napahinto ako sa pagsasayaw ng mapansin ko si Knives yun sakay ng motor nya.

K..kasama nya si Page? Nagtago ako saglit sa may puno.

"uy mukha tayong unggoy dito ano ba yung tinitignan mo?" si Madz

Bumaba si Page at sunod naman sya.
Hinawakan ni Page yung kamay nya at naglakad silang n..nakaholding hands?

"omg si Knives at si Page kuto ba yun??" si Madz.

Bakit ganun??

Ano yung kagabi??
Bakit magkahawak kamay sila. Hinahatak ni Page si Knives tapos ngumingiti naman si Knives kay Page.

Guitar Potion (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon