Chapter 14

807 25 5
                                    

Akiko POV

Hinalikan nya ko??

H..halik ba yun? Oo labi nya sa labi ko eh Magkadikit. Jusko po. Anong trip nya?? Gulat na gulat ako sa ginawa nya eh.

Iniangat nya ang ulo nya at nagkatitigan pa kami. Ang lapit ng mukha nya sakin. Biglang bumilis tibok ng puso ko.

Anong problema nya??
Nagulat ako dahil bigla nya kong niyakap. Ang higpit ng yakap nya..
Ano bang nangyayare?

"K..Knives.. a..ayos ka lang ba?" tanong ko. Pero di nya yun sinagot.










"Ehem! Ehem!"

Napatayo kaming dalawa dahil andun na pala yung mga kaibigan ko. Shemay nakita kami sa ganung sitwasyon. Jusko po nakita ba nila yung ano.. Yung kiss..
Nakakahiya..

"anong kalokohan ito?" si Keila.

"mauna na ko. Bukas na lang ako sasama sa practice." kinuha ni Knives bag nya at dali daling umalis.

Aba iniwan ako. Pinalibutan naman ako nung tatlo.

"omg. What is the meaning of that girl?" si Keila

"bakit ka nya niyakap?" si Makissa

"may relasyon ba kayo?" si Madz

"w..wala.." sagot ko.

"nililigawan ka ba niya?" tanong nila.

"hindi ah.. imposible. At hindi pwede" sagot ko.

Lumapit sakin si Makissa.

"alam mo Aki. Pwede ka namang mainlove. Pero make sure hindi ka masasaktan. Mag iingat ka kay Terell ah" si Makissa. Hala? Inlove daw ako.

"truueeee, di kasi kami naniniwalang wala lang yung kanina.. Kaya pala nagpalipat sya sa group natin"  si Madz

"basta ingat ka na lang.. Alam ko kasi masama ugali nyan eh. I mean pag may gusto sya gusto nya parang ganun. Kaya nga may issue sa room about sa kanya, kay Terrence at kay Page"

"ano ba kayo? Wala nga lang yun"
Sinasabi ko lang wala pero sa totoo lang big deal sakin yun 1st kiss ko yun pero buti na lang at yung yakap lang nakita nila.

Bakit ba nya kasi ginawa yun?

--------------------

Pag uwi ko ng bahay. Diretso na ko sa kwarto.

A..Andun si Knives at nakatayo sa pinto ng kwarto ko. Kinakabahan ako. Pinilit ko ngumiti kahit ang totoo naalala ko yung kanina.
Awwwkkwwaaaarrddddd

Paglapit ko ayaw nya ko padaanin..

"yung nangyare kanina, kalimutan mo yun.." si Knives.

"huh? Ah----"

"at pwede ba? Wag na wag ka nang lalapit sakin." tapos umalis na sya.

Wow ha. Anong problema nya Makayakap sya kanina tapos ngayon layuan ko daw sya. Parang ako yung nang-ano kanina ah.

Minsan parang may topak to si Knives. Di mo maintindihan.

--------------------------

Alas 10 na ng gabi. Di ako makatulog. Naiisip ko pa din yung kanina. Kiss ba yun? Oo kiss yun eh. Bakit? May gusto ba sya sakin?

Wow. Ang assuming ko naman.

Pero kasi bakit mo ikikiss ang isang tao kung di mo naman gusto. Pero sabi naman nya lumayo ako? Haysss ano nandiri sya sakin bigla?

Pumunta akong kusina para kumuha ng tubig. Nakapantulog na ko nun.
Nakasando, shorts at walang bra.

Nagulat ako kasi andun pala si K..Knives. Nagkakatitigan pa kami.
Nauuhaw na ko ih baka ayaw nya ko makita.

"s..sorry.. ku..kuha lang sana akong tubig.. S..sige akyat n---"

Di pa ko tapos magsalita..
Unti unti syang lumapit s..sakin..

"bakit ginagawa mo to sakin??! Balak mo ba talaga ako akitin?"

"h..uh.. Anong sinasabi mo? s..sige alis na ko" nagtatakbo ako paakyat.
Nakakatakot mukha nya kala mo mangangain amp.
Nakakainis sya bat sya ganun?!

----------

Kinabukasan..

Hindi dumating si Knives ng practice ng umaga. Tapos sa klase, lagi ko sya nahuhuling ang sama ng tingin.
May kasalanan ba ko??

Lagi nya kong sinisimangutan. Di na nga ako lumalapit sa kanya pero ganyan pa sya..

*sa Canteen*

Shemay gutom na gutom ako pero hanggang 50 lang budget ko.

"kumuha ka na kahit anong gusto mo libre kita" nagulat ako kay Terrence. Medyo paos pa din sya.

"uyyy kamusta magaling ka na ba?" tanong ko sa kanya.

"ok naman.. Hirap lang magsalita.." sabi nya.

"ano ba kasi nangyare sayo?" hinawakan ko yung leeg nya para icheck kung may sakit pa sya.

Kinuha nya yung kamay ko at hinawakan yun. Luh? Pafall.

"Kuha ka na kahit ano libre kita"

Eto na naman mga kaibigan
Kinikilig na naman ang lola nyo.

"talaga??😊😊😊" madali ako kausap basta libre haha. Agad ako kumuha nung salad.

Kukunin ko pa lang yung sandok.
Pero.. Nakasabay ko si Knives.
Kukuha din pala sya ng salad.

"hala.. Sorry sorry hindi ko alam na ikaw yan.." halos nabato ko yung sandok sa gulat sa kanya.

Hayssssss gusto nya iwasan ko sya. Pero ang hirap namang gawin yun. Lalo't iisa lang kami halos ng ginagalawan.

Isang table lang kami nila Makissa,Madz, Keila at Terrence, sumabay sya samin

Hala sige kwento. Ang kulit ni Keila. Dami kong tawa sa kanya. Tapos sabi pa ni Terrence tutulungan nya daw si Keila kay Aladin eh kaso galit ata tong si Keila kay Aladin.

Huling practice namin mamaya kaya dapat lahat umattend.

Buti naman after ng klase nagpuntahan lahat pati si Knives.
Si Terrence na naggitara.

Tabi kami ni Terrence. Ang kulit nyaaa pero syempre gusto ko yung ganun. Hala ang harot ko erase erase.

Nagpaalam ako magcr lang saglit.

Di pa ko nakakalapit sa cr ng may biglang humatak sakin.

Sinandal nya ko sa pader!
Ang sakit.

K..Knives?

Kinwelyuhan nya ko at galit na galit.

Anong problema ba nya??? Lagi na lang syang ganyan pag may di sya nagugustuhan!

"bakit ang saya mo pag kasama mo si Terrence! May gusto ka ba sa kanya ha?!" galit na sabi nya.

"K..Knives.. H..hindi" ako

Lalong humigpit pagkakahawak nya sakin.

"bakit kailangan mo icheck kung nilalagnat sya! Bakit kailangan magkadikit kayo all the time!"

"Knives nasasaktan ako.. *cough* Tama na.."

"hindi kayo nakakatuwang tingnan. Ang sakit nyo sa mata!"

Galit syang bintawan ako!

Grabe.. Naubo ako. Akala ko ay ayos na kami nitong nakaraan tapos bigla bigla nagkakaganyan na naman sya!

Naglakad sya palayo. Hindi ko alam kung san sya pupunta. Kahit sa practice hindi na sya bumalik.

Hindi ko maintindihan bakit nagkakaganyan sya.

------------------

[a/n: love you Knives. Ganyan mga tipo kong lalaki. Tipong binabalibag ako  wahahahaha]

Guitar Potion (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon