Akiko POV..
Inagahan ko ang gising ko para mauna sa klase. One week na ding nagstart ang klase kaya late na din ako sa mga lecture. Buti na lang talaga pumayag yung dean kahit late enrolee ako dahil na din siguro kay Mam Terell.
Wala kami uniform. Kaya pinoproblema ko talaga mga susuotin ko sa araw araw.
Ang ganda talaga ng eskwelahan na to. Pero syempre normal lang to dahil kaliwa't kanan ang mga private school dito.
Pagpasok ko nagkalat na ang mga estudyante.
Grabeee ang gaganda nila...
Alam mo yung mga babae kakinis kinis ng balat.
Ang puputi, ang gaganda.Para sakin ok naman ang hitsura ko nung pumasok ah. Pero nung nakita ko sila. Ang panget ko pala 😢
Nakablouse lang kasi ako, nakapantalon at rubber shoes.
Tas back pack lang ako.
Nga pala nakasalamin ako kasi di ko kayang mabuhay ng wala to.
Bulag ako pag wala akong salamin..Pero sila mga nakaheels, nakapalda, mga nakaporma. Bagay naman kasi sa kanila.
Nanliit ako bigla.
*boogsh*
Ouch!
May naglalaro ng soccer dun at tinamaan ako. Napahawak ako sa ulo ko kasi medyo masakit.
"ok ka lang ba miss?" tanong sakin ng player.
Nung player..
Shocks.
Ang gwapo nya.
Di naman ako mahilig tumingin sa hitsura pero grabe sa school na to!
Walang patapon, ako lang."sa susunod mag iingat ka ha.." sabi nito sakin.
Napa oo na lang ako. Ambait nya 😊
Haysssss..
Naku Akiko magfocus ka. Hindi ka dapat magkagusto kung kani kanino.Nakita ko din yung Bldg C.
Bldg C Room 13"excuse me? Prof nyo po ba si Mr Canyas?" tanong ko sa mga babae dun pero di nila ako pinansin.
Ay pahiya onti.Sa kabila na lang.
"excuse me po? Question lang po? Prof nyo ba si Prof Canyas?" tanong ko sa mga lalaking magkakaumpukan.
"po? Pinopo mo ko? Eh mukha ka ngang mas matanda sakin.." sabi nung lalaking matangkad na chinito.
Tas nagtawanan sila lahat..Grabe basher.
"sorry miss ha di ako kumakausap ng pangit" sya ulit.Tas tumawa ulit sila.
Mashakit. Pero tawa pa din sila.
Nakitawa na lang din ako kasi nagtatawanan sila.Hahahahaha!
Hahahahaha!Pero tinignan ako ng masama nung lalaki.
"niloloko mo ba ko?" sabi nya.
"hala hindi po, bye mga kuya" paalis na ko ng hablutin nya yung bag ko kaya di ako makaalis.
"joke lang po yun" sabi ko. Ayaw nya tanggalin pagkakahawak nya sa bag ko at napakadali nya ko inangat.
"tama na yan.." awat samin nung lalaking kasama din nya.
"oo miss prof namin sya" si kuyang maputing payat. Ang bait nya.
Isa na namang gwapong nilalang sa harap ko.
Binitawan na ko nung lalaki. Nagpasalamat na ko at pumasok.Gurabe..
Ang gulo nila.
BINABASA MO ANG
Guitar Potion (Complete)
Romance"hindi kita papatayin sa saksak o sa baril, pero kaya kita patayin sa selos" Akiko Red is a simple college student. Sya yung tipo ng taong di kapansin pansin but she has a secret. Sa boses at gitara nya kaya nyang paibigin ang kahit na sinong lalak...