Chapter 18

774 24 2
                                    

Akiko POV

Late na ko nakakauwi. Ang dami laging ginagawa. Alam mo yung umaasa na lang sakin mga member ko pero lahat kami may grades. Pero dahil mayaman sila. Nagpapabayad na lang ako mwehehehehe.

Pagpasok ko ng pinto.
Magkausap si Mam Terell at Knives sa sala. Bakit kaya? Hindi sila nagsisigawan ah.

"Akiko join us here.." si Mam Terell.

Nakangiti naman si Knives sakin. Yung ngiti nya ay ewan ko ba.

"hello po maam" sabi ko.

"kinausap ako ni Knives. Nahihirapan daw kasi sya sa ibang subject nya.. So.. Gusto daw nya magpatutor sayo"

Hala ka. "s..sakin po?"

Nakangiti naman ang mokong.

"pls. Minsan lang magsipag yan kaya pagbigyan na natin.. Hehe" si Mam Terell.

Ngumiti na lang ako.
"sige po. Wala pong problema basta kayo" sabi ko.

Feeling ko ang saya saya nya. At mag aaral na ang anak nya.
At ayokong sirain yun.

-----------------

Nagdala ako ng mga libro at mga notes.
Pupunta ako sa kwarto ni Knives.
Dun ko sya tuturuan. Hay sana hindi sya slow. Sana mabilis matuto kasi madami pa ko gagawin. Hahaha joke

Kumatok ako. Pero walang nagbubukas ng pinto. Tinry ko iopen aba bukas naman..

Pumasok na ko sa kwarto nya.
Ang behave ko na po kasi baka makasira pa ko ng gamit nya.

May small table sya sa floor.
Naupo ako sa sahig at dun inayos mga notes dami kasi bura bura baka di nya maintindihan.

"oh andito ka na pala" si Knives.

Pagtingin ko halos manlaki mata ko.
Si.. knives kasi..

Bagong ligo sya at nakatwalya lang..

Ano ba yan!
Parang tanga

"ano ba magbibis ka nga!" sabi ko.

Lumapit pa sya sakin. Nakakailang..

"eh pano kung ayoko" tapos nginitian nya ko na para bang nang aakit

Hoy jusmiyoo hudas barabas hektas

"makita tayo ng mommy mo!" binato ko sya ng notebook.

"edi masaya.. Malamang palalayasin nya tayong dalawa hahahaha" tapos tumawa sya ng tumawa.

"ewan ko sayo.." niligpit ko yung mga gamit ko "babalik na lang ako pag maayos ka na"

"teka teka joke lang" bumalik sya sa banyo at dun nagbihis.

Paglabas nya hay salamat
May damit na.
Pisti tong lalaking to.

Tumabi sya sakin. Alam ko tinititigan nya ko. Nakakailang pero di ko na lang pinansin. Baka di kami matapos.

Sobrang lapit nya lang sakin. Ano bang gagawin ko sayong bata ka.

"buti naman naisipan mo mag aral.. Tama yan hindi ka dapat umaasa sa kopya kopya lang. "  blah blah blah

Pero tinititigan nya lang ako.
Nakangiti syang tinititigan ako. Ano ba naiilang ako.

"o..ok.. Magstart na tayo.. Ano ahmm alam mo ba yung about sa accounting equation"

Hindi sabi nya.

"oh tamo pinakabasic hindi mo pa alam.."

Habang daldal ako ng daldal. Hay naku Napakalandi.

Kinukuha nya kamay ko at bigla bigla nya kinikiss. Tapos ihoholding hands nya na ko. Hindi ako makapagsulat dahil hawak nya kamay ko. Galing.

"hoy para kang baliw makinig ka nga sakin" tapos tumatawa lang sya.

"Assets is equal to liabilities + owner's equity, mahalaga malaman mo to." blah blah blah



















"maganda ka pala" singit nya.

"pinagsasabi mo??" ako

Tibay nung gayuma.
Ganda ko daw laptrip.

"the way mo magsalita. Makipag usap, mag isip, gumalaw basta.. Ngayon lang ako nakameet ng gaya mo"

"bakit ngayon ka lang nakameet ng cute?" sabi ko.

"hahaha lagi mo ko pinapatawa. alam mo. Ramdam ko ikaw na yung hiniling ko kay God eh. Naniniwala ako dun. Hiniling ko sa kanya nun na magkababy sister binigay nya, hiniling ko na magkaron ng sariling banda binigay nya, hiniling ko na sagutin ako ni Page binigay nya. alam mo dapat kasi pag humiling kay God specific hindi yung basta humiling ka lang tignan mo binibigay nya nga hiling ko pero di ko nahiling na magstay sila sa buhay ko kaya nawawala" nakikinig lang ako sa sinasabi nya. Ganun ba yun? Naniniwala sya sa ganun? Mas corny pala sakin si Knives.

"humiling ako na bigyan ako ng taong makakaintindi sakin. Yung kahit dumating sa puntong walang wala na ko andyan pa din sya. Yung hindi lang ako ang mamahalin pati lahat ng bagay sa akin. Gusto ko kasundo ko sa musika. Gusto ko matalino kausap, yung maganda ngumiti para pag nakita ko na yung ngiti nya kaya nyang pawiin yung pagod o sakit na nararamdaman ko, hindi ko din kailangan ng sikat sa school. Kahit di kagandagan dahil sobranggg ayoko ng may kaagaw.At hiniling ko din sana pag dumating sya, sya na.. Nung araw na hiniling ko yun. Yun din yung araw na dumating ka sa bahay"

Speechless. Feeling ko nga kailangan pag humiling tayo specific hindi yung sana mameet ko na sya mamaya pano kung walangya yung mamemeet mo. Ibibigay naman yun ni God sa right moment.

"alam ko ikaw yun"





H..hindi ko alam ang isasagot ko pag napupunta sa ganyan ang usapan namin. Hindi kasi pwede Knives eh. Hindi ko naman masabi ng maayos sa kanya kasi nakita ko kung pano sya magalit nun. Parang ang hirap nya galitin. Hirap nya kontrolin lalo't pag piblnipigilan mo yung gusto nya. Ok na sakin na ganito lang kami ngayon pero wag sanang sosobra.

"e..ewan ko sayo.." bumalik ako sa tinuturo ko sa kanya.

Napahawak ako sa mga braso ko sa lamig. Nilalamig na ko sa lakas ng aircon. Wala man lang akong dalang jacket. Electric fan lang kasi sa kwarto ko pero ang mokong parang di nilalamig palibhasa nakajacket na sya.

"Nilalamig ka ba?" sabi nya

"ok lang kaya ko naman"

Nagulat ako dahil tumayo sya. Tumayo sya at..

Umupo sya sa likuran ko tapos ..











niyakap nya ko.
🤒🤒🤒🤒🤒🤒🤒

*dugdug*
Ang bilis ng tibok ng puso ko.

"hoy Knives ano bang ginagawa mo! Umalis ka nga dyan!"
Lalagnatin ata ako sa lakas ng tibok ng puso ko.

"niyayakap ka anlamig eh" sabi nya.

Jusko yung kaba ko.
Ano ba tong ginagawa mo sakin.

Tinatanggal ko pagkakayakap nya!
Pero masyado tong mahigpit
Nakasubsob mukha nya sa buhok ko.
Nakakahiyaaa

"Knives ang kulit mo, ano ba!"

"sige lang magturo ka lang.. Makikinig ako"

Nararamdaman ko yung hininga nya tumatama sa tenga ko
Halos magtayuan mga balahibo ko woohhh ano ba to! Hindi ako sanay na may lalaking ganito kalapit sakin.

"Knives umayos ka na.. Sige na"

~chu~

Dfq.







Kiniss nya ko sa pisngi lang naman pero kahit pa!

Tinignan ko sya mula sa likod at dun sya nagkaron ng pagkakataong halikan ako sa labi.

"isang palag mo pa ikikiss ulit kita"

---------------------

Guitar Potion (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon