Chapter 11

816 21 16
                                    

Akiko POV

"ok sumabay ka sakin" si Knives.

Nakakapagtaka lang. Isasabay nya ko umuwi? Ayoko nga di ko naman sya close eh. Awkward nya kayang kasama.

"ahmm.. Kasi dadaan pa ko library kaya mamaya pa ko uuwi, mauna ka na" sabi ko. Pero para syang nainis sa sinabi ko.

"alam mo isasabay ka na nga eh! Libre ka na sa pamasahe ayaw mo pa. Edi wag!"

Aba! Nagalit? Eh sa ayoko eh

Di ko na lang sya pinansin.
Bumalik ako sa pagbabasa.

Sinipa na naman nya yung chair ko!
Ano bang problema nya??

"ano ba yun?!" sabi ko

"magpunta din pala ako library. Sasabay ako" ang weird nya. Di naman sya nagbabasa eh.

"o..ok" sabi ko. Ngumiti naman sya sakin. Weird.

After ng class, sasabay daw si Knives sa library pero nung nalaman nya na kasama ko sila Keila. Uuwi na lang daw sya.

Ang gulo ng buhay nya.

---------------

Pag uwi ko ng bahay. Agad akong tumungo sa kwarto at nilabas lahat ng notes ko. Magrereview na naman ako. Exam na naman bukas walang katapusan jusmiyoo.

Lumabas ako saglit para kumuha ng tubig.

Nakita kong bukas yung pinto ni Knives. Tinry kong sumilip. Wala lang curious lang ako ano hitsura ng kwarto nya? Pagpasok ko dun.

Wow.
Ang linis.
Ang ayos.

Tumalon ako sa kama nya.
Wooh saya ang lambot. Iba talaga pagrichkid. Nakita kong may lighter dun tapos yung lighter hugis ari ng lalaki

Eewww yuck
My virgin eyes
Yuck maano ka pala Knives ah

Dumako yung mata ko sa gitara nya..

Shemayyyyyyy

Ang gandaaaaaaaa. Halatang mamahalin. Nagliliwanag sa paningin ko eh.

Hinawakan ko yun. Shocks ang ganda... Ang ganda ng tunog.

Magkano kaya to?

Nagplucking ako..

Everytime I see you fallin
I get down on my knees and pray
Waiting for that final moment
You say the words that I can't say

Thank you fans..

Ang ganda sarap patugtugin..
Hindi masakit sa daliri.

Boring! nagstrum naman ako!!

Yah yah yah

Wake me up!
Wake me up inside!!
Call my name and save me from the dark!

RAKENROLLLLL!!

Sorry ah. Silent akong tignan pero madaldal din ako, mas oa lang si Keila.






*pluk*

Wtf.













Napatid yung 1st string..

My ghadddddddd
Anong klaseng gitara to?
Ang mamahalin pero daling masira!
Matibay pa yung gitara ng lola ko.

Anong gagawin ko??!
Baka magalit sya sakin!

Kinakabahan ako! katangahan mo Akiko..
Ibabalik ko na sana yung gitara sa stand at tatakas!

pero..

"anong ginagawa mo dito?!"

Si Knivessss

*bung*

Nagulat ako nandyan pala sya kaya nabagsak ko yung gitara sa sobrang taranta! Nakita kong galit na galit yung mukha nya nung nabagsak ko.
Katapusan ko na 😭😭

Dali dali kong tinayo yung gitara.
Nakita kong nagasgasan!

Anak ng tokwa.
Hindi ko sinasadya!
Sorry Knives patawarin mo ko!
Huhuhu

Tinulak nya ko at dali dali nya tinignan gitara nya. Nakita nya yung gasgas 😭😭 Sorriiiii..

"P*tangina!" dinig kong sabi nya habang hinahawakan nya yung gasgas.

"anong ginawa mo!??" si Knives.

"k..knives.. H..hindi ko sadya.. S..sorry.. Nagandahan lang naman ako kaya ko hinawakan" nangangatal kong sabi. Galit na galit mukha nya!

"P*ta! Anong sorry!! Alam mo ba kung gano kahalaga yung gitara na yan ah! Tagal kong iningatan yan tapos sisirain mo lang!! Umalis ka nga dito!!"

"h..hindi ko naman sadya..wag ka magalit pls.. Aayusin ko--" hinawakan nya yung kwelyo ng damit ko halos masira to sa pagkakahawak nya tapos kinaladkad nya ko palabas ng kwarto nya at halos itapon ako paglabas.

Ramdam ko yung galit nya. Hindi ko naman sadya e 😭
Natatakot ako sa kanya.

"ayokong makikita yang pagmumukha mo ah!" at padabog nyang sinara yung pinto!

Nasabunutan ko yung sarili ko sa inis.
Hindi ko naman alam na ganun kahalaga yun. Ang oa nya para sa gitara lang.

-------------------

Guitar Potion (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon