Chapter 5

753 27 5
                                    

Akiko POV

Ilang araw ko nang ginagamit tong briliant ni Keila. Ang hapdi pala. Pero grabe nakakakinis nga ng mukha. Kaya gumamit na din kayo haha tamang promote lang.

Oh di ba?
Nagmahal
Nasaktan
Nagbriliant

Andito ako ngayon sa mall. Papasok sana ako sa bookstore kasi wala pa si Rome. Magkita kasi kami ngayon.

Kaya lang...
Nakasalubong ko bigla si Page. Kasama yung mga julalay nya.

"oh look who's here?" nakangising sabi ni Page.

"wow sis. An ugly duckling turns to a beautiful swan" si Sassa.

"anong beautiful swan!? Kaya ka pala nawala? Ano? May pabig revelation na maganda ka na pagbalik? Hoy. Kahit kelan di ka magiging maganda. Kahit anong gawin mo? You will never be like us! Ginagaya mo pa talaga pati style ko" si Page.

Napatingin ako sa damit ko.

Parehas pala kaming nakadress.

Assuming to. Ginagaya ko daw sya.
Sya lang ba pwede magdress?

"letse daldal mo! tumabi ka nga dyan" gaya ng lagi nyang ginagawa sakin sya naman tinulak ko!
As in dumaan ako sa gitna nila!

"tumatapang ka ata" si Page.

"talaga... Ikaw? Pumapayat ka ata? Stressed?? Hanggang ngayon ata naghahabol ka pa din sa ex ko hahahahahahha hahahahaha"

Gigil na gigil mukha nya
Hahahahahaha

Pero ngumiti sya.
"excuse me.. FYI .. Nagkakamabutihan na ulit kami ni Knives na ex ko! Na ginayuma mo! At bakit mga kinekwento nya sakin. Desperada ka nga daw sa kanya? Kulang na nga lang maghubad ka sa harap nya like eew super cheap k-------"

*pak!

Hindi ko pinatapos sinasabi nya.
Sinampal ko sya. Nanggigil ako!
Nabitawan nya mga pinamili nya sa pagtabig sakin!
Napaatras sya sa lakas ng sampal ko.
Lumapit pa ulit ako at...
*pak!

"sayong sayo na sya. Hindi ako maghahabol sa lalaking hindi na ko mahal gaya ng ginagawa mo!"

Kinuha ko mga paper bags nya at binato ko sa kanya. Sapol sa mukha nya.

"ang kapal mo! Ikaw desperada satin!" sasabunutan nya ko pero tatanga tanga ayun
Naunahan ko! Kinutusan ko ang gaga.

Tinignan ko ng masama mga kaibigan nya na di rin nakapalag sa ginawa ko!
Sarap ng sampal!

Naglakad na ko palayo. Pero naririnig ko usapan nila

"bakit di nyo ko tinulungan!" 

"girl mangkukulam yan noh baka anong gawin sakin!" si Summer.
Nagpantig tenga ko. Mangkukulam na naman nadidinig ko! Muli akong lumapit sa kanila at..

Hinawakan ko yung kamay ni Summer! Hinigpitan ko pa!

"aburubuji aguji sagum sagum angu angu chambe chambe" tapos tumirik tirik mata ko. pota! Nag imbento ako ng kunwaring dasal.

Mamatay matay sila sa takot hahahaha punyemas kayo ahh kapikon.

"girl tara na!" nauna na ng nagtatakbo yung dalawa pero si Page dinuro pa ko.

Maldita talaga.

"tandaan mo to.. Ipapaalam ko kay Knives ginawa mo sakin.. Tignan ko lang kung anong gawin nya sayo!"
Sumunod na sya sa dalawa..

Natahimik ako. Ok.

Bakit? Ano gagawin sakin ni Knives pag nalaman nya? Magagalit na naman sya sakin.
Wala na kong paki.

Guitar Potion (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon