Akiko POV
Ang sakit ng buong katawan ko! Gusto kong mahiga magdamag at magpahinga.
*tok tok tok*
Di ko pinagbubuksan kung sino yung kumatok. Feeling ko anlamig lamig.
Bumukas ito. Hindi ko alam kung sino pumasok basta magpapahinga na ko.
"ayos ka lang ba?" sabi nya sakin.
Si Knives? Agad akong tumayo dahil ayokong mahalata nyang masakit katawan ko."i..ikaw pala yan. Oo naman" nakangiti ako.
Ngumiti din sya at umupo sa tabi ko. May nilabas sya sa bulsa nya.
Di nya napansin mga pasa ko dahil nakapajama at nakasweater ako
"ano yan?" sabi nya. Napansin nya yung sugat sa labi ko.
"ahh.. Ano kasi.. Ano kanina. Sa ano.. sa banyo. Tumungtong ako sa anong tawag dito.. Sa bowl nadulas ako tumama bibig ko sa lababo" jusko po hindi ako nakapagready sa isasagot.
"malayo yung bowl sa lababo Aki"
Hala malayo ba? "h..hindi malapit lang yun basta" nakakunot ang noo nya at parang hindi kumbinsido sa sinabi ko.
"ano yan? " pagbabago ko nung topic.
Tumingin sya sa hawak nya at napangiti. Haysss salamat nawala na sa isip nya.
"tignan mo oh, bracelet to. Tunay na bato mga andito" namangha ako sa ganda ng bracelet na yun. Wow.
"sa lola ko to, kinuha pa to ni daddy para sana ibigay kay mommy kaya lang di nya na nabigay dahil naghiwalay sila. Sabi ni dad bigay ko to sa babaeng gusto kong makasama habambuhay.. At sure daw yun na makakatuluyan ko yun at ito.. Binibigay ko sayo" nagulat ako dahil pilit nya yung inaabot sakin. Bakit nya ko bibigyan ng ganung mamahalin?
"di ko matatanggap yan" pagtanggi ko.
"bakit naman?" sabi nya.
"mukhang mamahalin di bagay sakin"
Ngumiti sya at Kinuha yung kamay ko
"di ah.. Bagay to. At binibigay ko to sayo kasi gusto ko ikaw na habambuhay" tinaas nya yung sleeve ng sweater ko para isuot yung bracelet kaya nakita nyang may pasa."ano yan?!" sabi nya.
Tinaas nya din yung kabila kaya nakita nya mga pasa ko. Inilayo ko sa kanya ang kamay ko "ano bang nangyayare sayo ha?""w..wala.. Magkakaron na kasi ako kaya ako pinapasa.." palusot ko. Huminahon naman sya. Kinabahan ako. Haysss
"ganun ba yun?" sabi nya.
"oo.. Kaya nga masama pakiramdam ko eh" pag iinarte ko.
"ganun ba? Oh sige matulog ka na"at hinalikan nya ko sa noo at lumabas na ng kwarto ko. Nakahinga ako ng maluwag wooohh
Tinignan ko yung bracelet nya.
Napakasweet ni Knives. Napakaimposible namang magkatuluyan kami. Hindi ko nga alam pano sasabihin sa kanya na kailangan na namin maghiwalay eh.---------
From: Knives
Asan ka? Bakit di ka nagpapakita sakin?!Hindi ako sumabay kay Knives pagpasok.
2days na din akong di nagpapakita sa kanya kasi ayaw ni Page.Nakapantalon at longsleeves din ako dahil makikita pa din mga sugat ko.
Kahit papano'y sinasabunutan at sinasampal ako nila Page at ako naman tong si tanga! Di lumalaban.
BINABASA MO ANG
Guitar Potion (Complete)
Romansa"hindi kita papatayin sa saksak o sa baril, pero kaya kita patayin sa selos" Akiko Red is a simple college student. Sya yung tipo ng taong di kapansin pansin but she has a secret. Sa boses at gitara nya kaya nyang paibigin ang kahit na sinong lalak...