Chapter 17

794 24 2
                                    

Akiko POV

Heron Bar

Nakita ko si Page na lasing na kaya tinabihan ko sya!
Sumenyas ako sa bartender na bigyan ako ng isang shot.

Tinignan nya ko at seryoso ang mukha nya. Tumungga ako! At humingi ng isa pa.

"hindi ka ba magsosorry sakin!" gigil na sabi ko.

"and why? May kasalanan ba ko sayo" pagyayabang nya. Gusto ko sya sampalin promise.

Ngumiti ako "alam ko na.. Alam ko na lahat ng kasinungalingan at kadisperadahan mo, napakasama ng ugali mo na kaya mo nang manakit ng tao. Magpacheckup ka na Page. Malala ka na."

Tumawa sya. " hahahaha yes you're right! At gagawin ko lahat iwan ka lang nya. Kahit di nya na ko magustuhan basta wag ka lang"

"Ikaw lang ang puno't dulo ng lahat ng sakin na naramdaman ko kay Knives. Nagalit ako sa taong mahal ko dahil sa mga kasinungalingan mo"

Tahimik lang sya "mahal ako ni Knives" sabi nya.

"hinde!! Alam mo yan sa sarili mo! Bakit napakadesperada mo! Hindi na ikaw ang mahal nya! At hindi ka na nya mamahalin! Ako na ang mahal nya Page! Ako lang! Tanggapin mo na lang! Bakit pinagpipilitan mo pa sarili mo sa kanya!! Hindi ka na nya mahal! Tumigil ka na!"

"enougghhh!" binato ni Page yung wine glass. Nagtinginan mga tao samin.

Sumenyas ako na hayaan kami. "stop Aki! Please stop!" nagiiyak na syaa "I love him so much! At alam ko mahal nya pa ko!  I will never stop loving him!" humahagulgol na sya.
hindi mo alam kung gano ko sya kamahal Akiko. Iba si Knives sa lahat.. Mahal nya ko! Lagi nya yung sinasabi sakin nun! Pero biglang dumating ka! Hindi ko matanggap ba't baliw na baliw sya sa isang gaya mo lang! Ihate you! Inagaw mo sya sakin! And it kills me seeing him with you!"

"tss. hindi ko sya inagaw sayo. Sinaktan mo sya kaya sya nawala sayo. Wala na kayo nang dumating ako!" sabi ko! "sa lahat ng ginawa mo! Hindi ko alam kung mapapatawad pa kita"

"haha and you think na magsosorry ako sayo" kahit may luha luha nakatawa pa sya. "you wish! I will never say sorry to you"

Demonyita talaga.

"wala kang kwenta kausap! Pag nakita ko si Knives. I will make sure na malalaman nya mga kalokohan mo!"

Iniwan ko yung bayad. At tumayo na.
Paalis na ko nang magsalita sya ulit.

"kung makikita mo pa sya" sabi nya sakin.

"a..ano ibig mong sabihin" sabi ko.

Tumungga sya muli ng alak.

"tita told me na umuwi na si Knives kagabi. And he is planning to get out of the country"

---------

Myrna POV..

Pinadala ko si Knives sa America. Ora mismo umalis sya

Kukuha sya dun ng business course at dun na mag aaral.
Magfofocus daw sya sa business at iiwan ang pagbabanda.

Di ko alam mga pinagdaanan ng anak ko nung umalis sya sakin. Kaya ganun na lang nadurog puso ko ng malamang pumasok sya ng kung anu anong trabaho.

Knives! Knives! Andyan ka ba?
Pls kausapin mo ko

Natigil ang pagbabasa ko ng magasin ng marinig yung sumisigaw sa labas.

"madam.. May babae po sa labas at hinahanap si Sir Knives" si Linda.
Ahh si Akiko ang boses na yun.

"papasukin mo" sabi ko.

Pumasok si Akiko at ramdam kong nahihiya syang nagpakita sakin.

"Maam Terell" bati nya. "m.may nakapagsabi po sakin na andito si Knives. Pwede ko po ba sya makausap? Wag po kayo mag alala. Hindi po ako manggugulo, aalis din po ako agad."

"si Knives? Wala sya dito hija. And hindi ko pwedeng sabihin kung nasan sya pero he's good now. Balak nya mag aral."

"k..kelan po babalik?"

"hmm i don't know basta ang huli nyang sinabi sakin. Gusto nyang kalimutan ka"

Alam ko naiiyak sya ngunit pinipigilan nya.

Napanood kita at sikat ka na ngayon ah" sabi ko.

"po.."

"nabaliktad ata.. Ikaw na ang kumakanta at si Knives na ang nag aaral"

"galit pa ho ba kayo sakin?" sabi nya.

"sa ginawa mo sa anak ko.. Hindi ko alam buong detalye kaya ayoko manghimasok.. Pero natutuwa ako dahil sayo.. Nagbago si Knives" nakangiting sabi ko, baka sakaling mabawasan ang lungkot ng batang to.

"I'm so sorry maam.. Sa nagawa ko sayo at sa pamilya mo" umiiyak sya sa harap ko.

"no need to say sorry hija. Wala na dito sila Manang Emma. Nahuli ko syang ninanakawan ako. Ako ang dapat magsorry sa nagawa ko sayo"

Hinawakan nya ang kamay ko.
"naku hindi po.. Ayos lang po yun.. Napakalaki ng utang na loob ko sa inyo. At hinding hindi ko po makakalimutan yun.. Kahit san po ako makarating lagi ko po kayo maalala maam"

"masaya ako para sayo at alam ko malayo pa ang mararating mo"

-------------------

Akiko POV

Madami kaming guestings na hindi ko pinuntahan kaya sila Rome lang ang umaattend pero hinahanap ako ng mga tao.

Ininvite din ako ng isang sikat na radio station..

Dahil ako nga ang kumanta nung song..
Umattend ako nang hindi alam nila Rome.

Kakanta ako ng live sa radio.

Pagkakataon ko na din para magsabi ng totoo. Ayaw kasi nila Rome.

Dj: so anong gusto mong sabihin sa mga fans nyo

Aki: salamat po sa pagsupport, itetreasure ko po yan buong buhay ko pero..ahmm.. Thank you po sir dj ah .. For giving me the chance na magsalita live.. Ahmm.. I am no longer member po ng R's band.
I already left the group. I know madami pong magagalit sakin.. But.. My decision is final po..

And Gusto ko pong linawin..

Na ang nagcomposed po nung kantang pinasikat namin.. Is not my Friend Terrence Ponce. The one who wrote this song, is Mr. Knives Terell of Oasis band.

Kung nakikinig ka man, im so sorry Knives. Hindi ako titigil hanggat di mo ko napapatawad.

*instrumental*

Sir dj pwede po bang pa-stop nung song..
Hindi ko po kakantahin..

I can't sing a song na hindi po akin.

I came here for public apology.
Yun lang po

Dj: oh well big revelation ah.. Hindi ka ba natatakot na mabash kayo ng mga tao?

Aki: no, im not. Sabihin nyo po lahat ng masasakit. Tatanggapin ko.

-----------------

After ng guesting ko sa radio station na yun..

Inulan ako ng bashing.

Andaming nanlait sakin na halos di ako makatulog kakaisip..
Lalo na si Terrence..

Pero madami pa ding sumusupporta sakin at nagtitiwala sa talento ko.

After a month, kinuha din ako ng ilang management para kumanta dahil kahit papano malakas pa din ako sa mga tao

Alam ko..
Makalimutan din ng nga tao yung issue about sakin at mamahalin din nila ako..

------------

Guitar Potion (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon