Chapter 12

654 22 0
                                    

Akiko POV

Paglabas ko pa lang ng school, andun si Knives at nag aabang.

"ano na naman??" sabi ko

"pwede mo ba ko samahan?" Si Knives

"saan?"

"kahit san.." sabi nya

"bakit naman kita sasamahan??" ako

"gusto ko lang ng kausap pero kung may gagawin ka maiintindihan ko 🙂" nakangiting sabi nya.

Bakit feeling ko ang lungkot lungkot nya?
Bakit feeling ko kailangan ako ni Knives.

"sigee" sabi ko.

Inabot nya sakin yung helmet nya.
Napansin ko andami nyang sugat sa kamay.

At parang umiitim din si Knives.
Bigyan ko kaya ng kojic joke hehe.

Sumakay kami ng motor nya..

May nadaanan kaming pizza, excited talaga ako kaya gusto ko bumili.

Buy 1 take 1 kaya.
Madami pa naman bumili to si Knives. Never nya ko ginutom sa mga date namin.

"Knives tara na dalii hehe hati na tayo?"

"ikaw na lang busog ako" sabi nya.

"buy one take one naman dali na hehe"

"Aki.. Kasi" si Knives.
Nag aabang samin yung nagtitinda "I'm sorry pero wala talaga akong pera" tapos napayuko sya..

Sheett.
Nahihiya sya.
Sobrang nahihiya sya nung sinabi nya sakin yun.
Mygad nakulitan ba sya sakin?
Sorry Knives. Napakasama ko talaga! Hindi ko alam..

Ako na lang bumili..
Mga pagkain pero ayaw nya kumain..

Nahihiya sya sakin malamang.

Nakadating kami dun sa bay na pinuntahan din namin dati..

Favorite place ni Knives dun.
Ang sarap naman kasi talaga pakinggan ang agos ng alon..
Pati yung simoy ng hangin.
Wala pa masyadong tao.

Nakakatanggal stress.

Binuksan nya yung beer na nasa bag nya.

Nakuha pa talaga magbeer ah.

"kainin mo yang mga binili ko. Magagalit talaga ako sayo" sabi ko.

Ayaw ba naman kainin..

Pero natakot ata sa sinabi ko kaya ayun sumunod din sya.

Ang tahimik ni Knives.
Parang anlalim lalim ng iniisip nya.
Nawala na angas nya.
Bakit parang ang lungkot lungkot nya.
Kanina pa walang nagsasalita samin.

"nagkita kami ni mommy kahapon" si Knives.

Nagsalita na din sya.

"k..kamusta na pala si Maam Terell?"

"ayun, pinuntahan nya ko sa bar, sinermonan na naman ako. Bakit parang wala naman daw nararating mga ginagawa ko? Sakto kasi pagdating nya walang masyadong tao sa bar nun..

Ewan ko Aki..
Patagal ng patagal..
Nakakaramdam ako na tama nga si mommy. Wala akong kwenta.
Napakawalang kwenta ng buhay ko.

Pero sinagot ko sya kahapon. Sabi ko maghintay sya. One of this day.. Aangat ako. Marerecognize din ako ng mga tao,maririnig mga kanta ko sa radio. Ramdam ko mangyayari yun.." sabi nya

"I want to win sa laban natin next week sa bands. Pag nanalo ako dun Aki. Sobrang magiging masaya ako. Ok na ok na ko. Alam ko kaya ko.."

Naiintindihan ko na.
Gusto ni Knives manalo dun dahil Mga sikat na producer ang kukuha sa mananalo. Magkakaron ka ng contract at madami nang napasikat dun.
Sa tingin ko gusto ni Knives manalo para ipaalam sa mommy nya dito sya mag eexcell.

Guitar Potion (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon