Akiko POV
Huminto sya sa harap ko
"tara" -Knives
"s..san tayo pupunta?" tanong ko.
"sa bar.. Pupuntahan natin yung lalaki mo" gusto na naman ba nya ng away!
"Knives pwede ba.. Tumigil ka na sa mga ganyan mo"
"oh? Takot kang basagin ko ulit mukha ng lalaking yun sa harap mo" pagyayabang nya!
"wala akong lalaki at masama pa din ang pakiramdam ko dahil kagabi"
"masama o masarap? Gusto mo ituloy natin! Alam ko namang gustong gusto mo din"
*pak!
Nasampal ko sya. H..Hindi ko sadya..
"tss. Bakit mo ko sinampal!" walang emosyong sabi nya
"sorry Knives. Hindi ko sadya.. Sorry sorry"
Hindi ko sadya 😭 bakit ba kasi ganyan na sya magsalita sakin eh.
Ibang iba na sya.
"eh kung iwan kaya kita?"
Iiwan nya ko?
"Sorry Knives.. Sorry talaga.. Hindi ko na uulitin.. Hindi ko talaga sadya. Nasaktan lang ako sa sinabi mo. Nabigla ako"
"sumakay ka na dami mong satsat!"
Sumunod ako sa gusto nya.
Bakit ka ba nagkakaganyan Knives?
Nasan na yung Knives na minahal ko.
Ang bilis nyang pinaandar yung motor.Huminto kami dun sa bar kung san andun sila Rome. Dito talaga nya gusto.
"Knives umuwi na tayo. Wag ka nang gumawa ng eksena plss" pagmamakaawa ko.
"wala naman akong gagawin ah. Titignan ko lang kung pano magperform yang gunggong na yan"
Dirediretso sya sa loob. Alalay lang ako baka magwala. Tinawagan ko sila Terrence na tulungan ako, susunod daw sila agad.
"bat ka ba kinakabahan?! Wala akong gagawin sa kanya. Masyado ka nag aalala para sa kanya" -Knives
"ano bang pinagsasabi mo!?sayo ako nag aalala. Ikaw lang pumipilit na merong samin ni Rome.!"
"lalaki ako! Alam ko kung may intensyon sa girlfriend ko o wala"
Sakto sila Rome nagpeperform. Gusto ko malayo kanila Rome pero kinaladkad nya ko malapit sa stage ar dun pumwesto. Eksena si Knives! Nakakainis na!
"inom" sabi nya sakin. Tequila! Anlakas neto!
"a..yoko. juice lang ako."
"tss. Nung kasama mo yung lalaking yan halos malasing lasing ka tapos sakin tatanggi ka?! Inom!"
"bakit ka ba nagkakaganyan?"
Pero tinignan nya lang ako. Galit ang mga mata nya. Pano ko pawawalain ang galit nya.
"isa pa" tinagayan na naman ako ni Knives. Nakakaapat pa lang umiikot na paningin ko.
Tinatanggihan ko si Knives pero sobrang mapilit sya. Sumusunod na lang ako dahil tumataas boses nya at pinapahiya ako.
Umiikot na paningin ko.
Di pa ubos iniinom namin umorder na naman sya ng another pa.
Alam kong nakatingin samin si Rome. Kita ko pa din ilang sugat sa mukha nya. Ang sama ng tingin nya kay Knives at ganun din si Knives.
Juskoo sana ok lang ang lahat.
BINABASA MO ANG
Guitar Potion (Complete)
Romance"hindi kita papatayin sa saksak o sa baril, pero kaya kita patayin sa selos" Akiko Red is a simple college student. Sya yung tipo ng taong di kapansin pansin but she has a secret. Sa boses at gitara nya kaya nyang paibigin ang kahit na sinong lalak...