Knives POV
Ano bang problema nya!
ok. hindi ko lang talaga napigilan galit ko kanina.Galing kay dad ang gitara na to. Ito na nga lang natitira nyang alaala sakin kaya ganito na lang galit ko pag may gumagalaw nito. Kahit mga katulong alam to.
Binuksan ko yung pinto para lumabas. Nagulat ako dahil may note na nakadikit sa pinto ko.
I'm so sorry, sobrang sorry..
Hindi ko sadya. Pls hayaan mo ko makabawi
-AkikoHay naku.. Ewan ko ba't bigla akong nakonsensya. Sino ka ba Akiko?
Bakit pagdating sayo lumalambot ako!Agad akong nagpunta sa kwarto nya para kausapin sya. Nabigla din naman ako sa inasal ko kanina. Binuksan ko ang pinto at nakitang naggigitara sya.. at umiiyak ba sya?
Sana'y di magmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni nanay
Nais kong maulit ang awit ni inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan*dugdug*
Ano ba tong nararamdaman ko?
Hindi ko kasi talaga maintindihan..Ang hirap makisama lola..
Namimiss na kita..Nakita kong kiniss nya yung pic ng lola nya ata yun. Wala na pala syang ibang kamag-anak. Lola lang nya namatay pa.
Sa totoo lang, natutuwa nga ako sa kanya eh. Kaparehas ko kasi sya ng hilig.
Pumasok ako at napansin nya naman yun. Agad syang tumayo at pinunasan luha nya.
"K..Knives.. sorry.. Galit ka ba? Wag mo ko isusumbong sa mommy mo.. Hindi ko naman talaga sinasadya eh" sabi nya.
"s..sorry kanina.." sabi ko. Natigil sya sa sinabi ko.
"huh.. Ano ka ba bakit ka nagsosorry? Ako may kasalanan.. Teka.." may kinuha sya sa cabinet nya at nilabas ang isang alkansya.
Binuksan nya yun at napakunot ang noo ko.
Bakit?
"tignan mo.. May ipon naman ako.. Ipapaayos ko yung gasgas.. Tyaka yung string mura lang naman yun diba"
"mahal yung gitara ko na yun kulang yan.."
"ahh ganun ba.. Kung gusto mo hulug hulugan ko." nalungkot mukha nya.
"samahan mo na lang ako bukas.. Ipapagawa natin yung gitara ko"
"sigee 😊" sabi nya.
---------------------
Kinabukasan..
Agad kami nagpunta sa kakilala ko.Sya ang gumawa ng gitara ko.
Napakadali lang naman gawin nun mahal lang talaga piyesa nito.Tambay lang kami sa shop. Si Akiko naman tuwang tuwa. Halos lahat ata ng instrument kaya nya patugtugin.
May katabi kaming mga koreano at galit di ko maintindihan sinasabi.
Hindi din naman sila maintindihan ng kaibigan ko.Nagulat ako kasi lumapit si Akiko sa kanila??
"Sillyehagesseubnida? Do hwa jwou?" si Akiko
Ano yun? Pinagsasabi nya?
Nagkokorean ba sya? Nagpaliwanag naman yung dalawang koreano hindi ko naiintindihan."yeongukmal hasil julaseyo?" si Akiko
Sumagot ulit yung mga koreano wala talaga akong naiitindihan sa kanila.
BINABASA MO ANG
Guitar Potion (Complete)
Romance"hindi kita papatayin sa saksak o sa baril, pero kaya kita patayin sa selos" Akiko Red is a simple college student. Sya yung tipo ng taong di kapansin pansin but she has a secret. Sa boses at gitara nya kaya nyang paibigin ang kahit na sinong lalak...