Chapter 10

771 25 0
                                    

Akiko POV

*retreat*

Hay ang galing ng school na to.
Ang yaman yaman, ang mahal mahal
Naubusan ba naman ng bus!

Ang aga pa naman namin, kami pa nawalan ng upuan. Waiting pa kami sa last na bus. Pero konti na lang kaming di pa nakakasakay.

Si Keila dapat katabi ko kaya lang biglang lumapit si Aladin at tabi daw sila ni Keila. Yung mata ng kaibigan ko parang nagmamakaawang pumayag ako

Hala sige goo. Tuwang tuwa si Keila. Marerape na daw nya si Aladin. Wag daw kami titingin hay nakuu..

Sila Makissa kasi sa kabilang bus eh
Wala akong katabi..

Lumapit sakin si Knives. Di pala sya sumama dun sa isang bus.

"tabi tayo" sabi nya.

Hala.

"ano kasi.. may katabi na ko?" sabi ko.

"sino?" sabi nya.

Naghanap mata ko ng pwedeng makatabi. Sakto dating ni Terrence. Late sya. Kaya sa bus na namin sya masasama.

"si.. Si Terrence!" sabi ko. Kumunot noo nya. Buti at di na sya nangulit pa.

Dumating na yung huling bus at nag akyatan na isa isa.

"Terrence tabi tayo pls" bulong ko kay Terrence.

"hahaha yun nga din sasabihin ko eh" nag apir pa kami.

-----------------

Knives POV

PaTerrence Terrence ka pa ah.. Tss.

Umupo ako sa likod nila Akiko samantalang kabilang side ko sila Keila At Aladin. Ang harot sobra ng kaibigan nya na yun. Tapos iniirap irapan ako.

Pinapaalis ko lahat ng maupo sa tabi ko. Ayoko ng katabi. Badtrip ako kaya walang tumatabi sakin.

Ang konti lang namin sa bus na to.
Di naman napuno. Napipikon ako kay Terrence ewan ko kung bakit. Dakilang sulutero. Walang kwentang kaibigan.

Galing ah. Nung nakaraan kay Rome. Ngayon sa kanya naman ako badtrip.

Nakita kong nakatulog si Terrence sa balikat ni Akiko.

Tss. Hokage.

Tamang tama may nakita akong ipis na naghihingalo na sa bus. Hahaha tangna netong school na to. Ipis naman sa bus. Di makapagprovide ng maayos na service. Kinuha ko yung ipis na yun at binato ko kay Terrence.

Tangna mga pre... Wahahahahaha nagtatalon ang mokong tinginan sa kanya lahat wahahhahhhahaha
Para syang sumasayaw matanggal lang ipis hahahaha.

"Terrence bakit?" si Aki na nagtataka. Maturn off ka naman.

"may gumagapang sakin!" sabi nya habang nagsasayaw hahahahaha

Greatest fear ni Terrence ang ipis.
Bata pa lang kami. Nagtatakbo yan pag may fogging kasi naglalabasan mga ipis hahahahaha

Napahinto sya sa pagsayaw ng mapansing nakatingin kami sa kanya lahat. Mamamatay na ko sa pagpigil ng tawa ko! Wahahahahahaha

----

Bus stop. Bumaba kami para sa mga gustong magcr o nagugutom.

"prof sige na plss" request ko kay Prof Jean hahahaha. Bff yan ni mommy kaya ok yan. Ninang ko din yan.

"hay naku sige na" sabi nito.

Yownnnn. Paglabas ni Terrence ng cr.
Sakto nakasalubong nya si Prof Jean at nagpanggap itong nahihilo. Syempre dahil bida bida tong kaibigan ko. Tinulungan nya ito. Inalalayan sya ni Terrence hanggang kabilang bus.

Guitar Potion (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon