Chapter 16

730 26 2
                                    

Akiko POV

Kailangan ko makita si Terrence!

Totoo ba?!!!

Tss. Magbigay kayo ng credit. Yung kantang pinasikat nyo. Si Knives ang nagcomposed nun, hindi yang gagong si Terrence!

Pano mo nasabing si Knives nagcomposed nun??

Malamang natugtog na namin yun..
Sinulat nya yun para sayo

Naiyak ako.
Bakit? Bakit ang sama sama ko kay Knives!

Pumunta ako ng bar!

Pero pagdating ko dun..

Andun na si Knives at binubugbog si Terrence

"hayop ka! Traydor!" si Knives!

Wala pang bouncer sa mga oras na to kaya walang pumipigil sa kanila.

"ako nagcomposed nun hindi ikaw!" si Terrence

*boogsh!*

Sinapak sya ulit ni Knives.

"tang*namo! Wag ka nanggugulo dito! Tatawag ako ng pulis!" si Rome!

Hinawakan ng drummer namin si Knives. Medyo malaki kasi to kaya dun na nagkaron ng pagkakataong makasuntok si Terrence kay Knives. Sumunod si Rome.
Binubugbog nila si Knives!

"tama na.. Tama na pls!!" pag pipigil ko..

Tumigil sila kasi gumitna na ko.

"a..ayos ka lang ba?" hahawakan ko yung sugat nya pero tinabig nya yung kamay ko!

"isa ka pa.. Alam mo na kanta ko yun di ba? Pero ninakaw nyo pa din.!" galit na sabi nya sakin.

"h..hindi hindi ko alam Knives "

"panong di mo alam?? Aki naman! Kinanta mo yun nung nasa bahay kita. Binasa mo yung mga composed ko! Kaya alam mo yun! "

Shocks.

Dun ko lang naalala..
Yung mga kinomposed ni Knives na nakita ko sa bahay nya.

Yun yun.

Kaya pala pamilyar!
Pero hindi ko man lang naisip..

"Knives Im sorry.. Hindi ko talaga alam.." niyakap ko sya para humingi ng tawad pero tinulak nya ko.

"kakalimutan na kita Akiko.. Sobra tong ginawa mo sakin.. Ayoko nang makita ka.. Magsama sama kayo!"

Umalis na sya..

Hahabulin ko sya pero pinigilan ako Ni Terrence.

*pak!*

Sinampal ko sya!

"pano mo yun nagawa sa kaibigan mo?!!" sabi ko!

"hindi ko sya kaibigan! At kahit kelan di ko sya naging kaibigan!!" si Terrence

"Pano mo nasasabi yan kay Knives? Bakit ka ba ganyan sa kanya!?"

"tama na yan.. Bumalik na kayo sa pwesto nyo. Mamaya na natin pag usapan yan!" si Rome!

"eh ikaw Rome! Alam mo toh noh? May alam ka dito noh??!!" sabi ko

Pero di nya ko pinansin..
Nakakainis!

"alam mo nga.. Bakit di mo man lang pinigilan! Bakit pumayag ka pa??" sabi ko.

"Aki malaking pera to! Isipin mo nam---"

*pak!*

"ang kakapal ng mukha nyo!! Aalis na ko sa banda mo! Sumikat lang? magkapera lang? Kahit makatapak kayo ng ibang tao!" kinuha ko mga gamit ko.

Guitar Potion (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon