Page POV
Agad ako pumunta ng bar para sabihin kay Knives ang totoo!
Ang kapal ng mukha ng babaeng yun! Sabi na eh!
Sa hitsura nyang yun at sa estado ng buhay nya! Imposibleng mabaliw ng ganito sa kanya si Knives!! Sinabi sakin lahat ni Sassa. Maaasahan din yung babaeng yun minsan eh.
Nakita ko si Knives na nakayukyok at umiinom. Nakatulala lang sya at parang naluluha mata nya.
"K..Knives"
Nilapag nya yung beer na ubos na. Umupo ako sa tabi nya.
"bakit ganun.. Andami kong nagawa para sa kanya. Akala ko sa kanya ko mararamdaman ang lahat ng hinahanap ko.. Pero ba't ganun? Bakit sinasaktan nya ko ng ganito"
Umiiyak si Knives.Iniiyakan nya yun?
Hindi nya dapat iniiyakan ang babaeng yun!"Knives iwan mo na sya. Hindi mo sya kailangan. Ako ang kailangan mo" Napatingin sya sakin.
Napansin nya atang suot ko yung bracelet na binigay nya kay Aki. Yung kinuha ko."bakit suot mo yang bracelet na yan?"
Shet. Di ko pala natanggal..
"ahmm. Ano.. binenta kasi ni Akiko tong bracelet na to. Nagandahan ako kaya binili ko"
"binenta nya??!imposible!" oops. Tumaas boses nya.
"o..oo! Ask her kung nasan?"
"ibalik mo sakin yan. Babayaran ko kung magkano nya binenta sayo"
"akin na lang to, para sakin naman talaga to di ba?"
"akin na sabi!" masama ang loob ko na binalik sa kanya yun!
Bakit ayaw nya saking ibigay yun?!
"K..Knives, may kailangan ka malaman.. Hindi pwedeng habangbuhay lolokohin ka ni Akiko.." sabi ko. Tinignan nya ko ng pagtataka "ginayuma ka lang ni Akiko"
"huh? Pinagsasasabi mo!"
"sasabihin ko ang lahat sayo. Kaya sana hiwalayan mo na sya. Dinadasalan ka nya every night para magkagusto ka sa kanya "
--------------------
Akiko POV
Nagmadali akong umuwi ng bahay para makapagpahinga na.
"hoy senyorita! Kumain ka na para makapagligpit na" si Manang Emma pero di ko sya pinansin.
Umakyat ako sa kwarto. Sinubsob ang mukha ko sa unan at saka umiyak ng umiyak.
Bakit pakiramdam ko sa mga susunod na araw tuluyan na kong iiwan ni Knives. Ayaw nya na sakin.
Binuksan ko yung phone ko. Wala ni isang text nya o pangangamusta kung nakauwi na ba ako?
Tinignan ko mga pic na kasama ko sya. Ang saya namin dun. Nakakamiss yung dating sya.
Tinignan ko yung record.
Pinlay ko yung nasa zoo kami.
Yung inopen ng peacock yung buntot nya.Uwaahhhh may nakawalang unggoy..
Para akong buang tumatawa habang umiiyak.
Tapos nakuhaan sa record na hinalikan nya kamay ko.
Pinause ko yun at tinitigan mukha ni Knives. Ang ganda ng ngiti nya nun at mga tingin nya sakin.
Hinawakan ko ang mukha nya sa litratong yun.*Boogsh!
Biglang gumalabog ang pinto!Knives?
Dire diretso syang pumasok sa kwarto ko.
"senyorito! Baka makita kayo ng mommy nyo dito.. Mas makabub-----"
"manahimik ka! Alis" sinigawan nya si Manang Emma. At padabog na sinara yung pinto.
N..Natatakot ako sa hitsura nya..
Lasing ba sya??"K..Knives? Bakit andito ka?"
"Ang kapal ng mukha mong gayumahin ako! Nakakadiri ka! Kaya pala iba yung nararamdaman ko sayo! Dinedemonyo mo na pala ako!"
"a..anong sinasabi mo?" sabi ko.
" bakit mo ko pinaglalaruan Akiko!" si Knives.
"h..hindi kita maintindihan Knives?"
"Nasan gitara mo?!"
"g..itara ko? Bakit?"
Nakita nya agad gitara ko na nakasabit lang kaya agad nya kinuha.
"K..Knives anong gagawin mo! Akin na yan!"
"eto ba ha.. Eto ba ang dahilan bakit kita nagustuhan!??" -Knives
"hindi ko alam sinasabi mo.. Ibalik mo na sakin yan plss.." pagmamakaawa ko. Pano nya nalaman yyng about sa gitara?
"bakit ko ibabalik? Mangkukulam! Hindi ko lubos maisip pano ako nagkagusto sayo! "
"ano bang sinasabi mo? Akin na yan plsss. Yan na lang alaala sakin ng lola ko.. Wag yan plsss"
"talaga? Eto lang? eh kung sirain ko to! Para wala ka nang ibang maloko!"
*BLAAGG!!*
HINAMPAS NYA YUNG GITARA KO!!
HALOS MADUROG PUSO KO..Para nyang sinira alaala ng lola ko sakin.
"akin na yan! Tumigil ka naaaa 😭😭😭😭" pinipigilan ko sya pero tinulak nya ko!
*BLAAAGGG*
HINAMPAS NA NAMAN NYA YUN AT NAGKADUROG DUROG NA!!
Ang sakit sakit tignan."wag mong gawin to plsss Knives. Kung ayaw mo hindi na kita lalapitan.." lumuhod ako sa kanya. "tama na" sobra na pagdurusa ko sa kanya.
Binato nya yung wasak na wasak kong gitara. 😭
"Tapos na kalokohan mo! Alam ko na lahat! At wala na kong nararamdaman na kahit ano sayo!"
Padabog sya lumabas ng kwarto ko
G..Gayuma? Ginayuma ko ba talaga sya?Pinulot ko unti unti yung sirang piyesa ng gitara ko.
Tagal kong iniingatan to. I'm sorry la..
Patawarin nyo po ako..*sob*
------------------
kung talagang mahal ka ng lalaking yun, hindi mawawala ang nararamdaman nya kahit pa malaman nya ang tungkol sa gitara..
BINABASA MO ANG
Guitar Potion (Complete)
Romance"hindi kita papatayin sa saksak o sa baril, pero kaya kita patayin sa selos" Akiko Red is a simple college student. Sya yung tipo ng taong di kapansin pansin but she has a secret. Sa boses at gitara nya kaya nyang paibigin ang kahit na sinong lalak...