Chapter 29

634 20 3
                                    

Akiko POV

Napahawak ako sa labi ko sa sobrang saya ko kagabi.

Ok na ulit kami ni Knives. Buong magdamag akong di makatulog. Ikot ako ng ikot.

Isang oras lang ata ako nakatulog. Maaga din ako gumising dahil may sideline akong pinasukan. Mga tindahan yun ng tela. Isang araw lang naman pero 500 na agad amg bayad. Oh diba ok na ok.

Yun nga lang, hindi naman ako nainform na magbubuhat pala dito. Nakakaramdam akong sumasama ang pakiramdam ko haysssss..
Pero pilitin ko kayanin. Kailangan ko makaipon kaya lahat papasukin ko.

-----------------------

After ko magbuhat at magbilang ng sako sakong tela. Pumasok na ko sa tutal isang subject. Sinundo ako ni Knives at
sabay na kaming pumasok. Nauna lang ako bumaba dahil ipapark nya pa yung motor nya.

Nakasalubong ko si Page.
Pisti.

Tinitigan nya ko ng masama.
"so.. Kayo pa din pala? Tibay .. Di mo talaga susukuan ah.. Malandi!" si Page

"ikaw ang malandi! Ayaw na nga sayo nakikipagsiksikan ka pa! Or let's say" lumapit ako sa kanya "Desperada!"

Sasampalin nya ko pero tinabig ko yun! Malakas na loob ko ngayon.
Wala na kong dapat ingatan dahil alam na din ng mommy nya at sa oras na di pa din matanggap ni Maam Terell. Sasama na ko kay Knives.

"hindi na ko papayag saktan mo pa ko ulit! Akin lang si Knives naiintindihan mo!" sabi ko.

Gigil na gigil sya sa sinabi ko! Satisfying..

"talaga?! Tss. Magpakasaya ka na dahil ewan ko lang kung tanggapin ka pa nya pag nalaman nya mga kalandian mo!" si Page.

Pinagsasabi nito! Daldal pa din sya ng daldal pero di ko na pinansin!
Iniwan ko sya agad. Lalong sumasama pakiramdam ko sa pinagsasabi nya.

Hanggang sa room. Parinig sya ng parinig ng malandi at madaming lalaki daw ako
Tss. Walang magawa.

Pero pag nagkakatinginan kami ni Knives. Lagi nya ko nginingitian. Gumagaan pakiramdam ko.

Pisting ngiti yan..
Nakakamatay.

----------------------

Knives POV

"ano bang problema mo at kailangan makipagkita pa ko sayo dito?" tanong ko kay Page.

"bago ka magalit sakin baka magpasalamat ka pa sa ibabalita ko sayo" -Page

"ano ba yun? Bilisan mo na"

May inabot sya saking folders.
Inopen ko yun at may mga printed pictures dun.

Si.. Akiko?

At may kasama syang lalaki...
May pic na nakakiss yung lalaki kay Akiko!
At ang dikit nila sa isat isa.

Kelan to? B..bakit??

Nakakaramdam ako ng galit!

"bantayan mo naman yang girlfriend mo? Di pa kayo mag asawa naloloko ka na?!"

"Yung babaeng kinakabaliwan mo. Iniiputan ka lang pala sa ulo hahaha at ikaw paniwalang paniwala ka namang mahal ka"

"e..edited" yun na lang nasabi ko kay Page.

"wag ka ngang tanga! Alam mong di edited yan!" si Page.

Tama.. Alam ko! Hindi to edited! Pero bakit nya to gagawin sakin!?

Dali dali ako sumakay at pinaandar motor ko!

Tinatawagan ko si Akiko pero di sinasagot tawag ko!

Binalikan ko sya sa school.

Guitar Potion (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon