Chapter 30

644 23 1
                                    

Akiko POV

"ang sweet nyo namang dalawa"
si.. Si Knives..

Gulat na gulat mukha ko nang makita sya.

S..Seryoso mukha ni Knives.
Ramdam kong hindi maganda mood nya.

"haha bakit pare? Mukhang sweet couple ba?" tapos bigla akong inakbayan ni Rome.

Nagulantang talaga ako sa ginawa nya. "ano ba!" Agad ko syang natulak. Sumasama lalo pakiramdam ko sa kakulitan ng lalaking to!

"K..Knives kanina ka pa ba dyan?"

Di nya pinansin sinabi ko.

Palapit samin si Knives at nararamdaman kong may di magandang mangyayare

"mukhang hindi mo ata alam kung may nag mamay ari nyang babaeng hinaharot mo o sadyang di nya sinasabing may boyfriend sya para makalandi sayo!" tinignan ako ng masama ni Knives.

Anong sinasabi nya? Na nagpapalandi ako sa iba??

"may problema ba tayo pare?" -Rome

"K..Knives tara na.. Mali ka ng iniisip samin" sabi ko

"talaga? Di ba malinaw na ginagago nyo ko ha? Kelan pa to?" -Knives

"ano mo ba tong mayabang na to ha? Kung mak----" si Rome.

*boogsh!

Nagulat ako dahil biglang sinapak ni Knives si Rome.

Naku po! Mas malaki pa naman ng onti lang si Knives kay Rome.
Sinapak na din sya ni Rome.

Hala anong gagawin ko??
Pano ko sila aawatin?

"Hala ano ba!.. Tumigil nga kayo?!" sigaw ko pero di sila maawat.

Wala namang masyadong dumadaan dito sa village na to para makahingi ng tulong!

Umibabaw si Knives kay Rome at dun nya yun pinagsasapak.
Natakot ako.. Kasi parang di na nagreresponse si Rome. Naunahan sya ni Knives kaya di na sya nakaganti.

Bakit ba ganyan sya?! Napakabayolente pag nagagalit.

"Pumili ka ng lalapitan mo!"

Hinahatak ko si Knives at pinipilit na tumigil na.. "Knives plsss.. Tama na ano ba!" pagmamakaawa ko.

Tumayo naman siya agad pagkasabi ko nun.

Agad kong chineck kung ok lang ba si Rome dahil nakahiga na to sa kalsada at di makatayo. Kawawa syaaaa at lagot kami kung nagkataon.

Pero feeling ko lalo ko lang pinagselos si Knives sa ginawa ko. Hinablot nya braso ko at kinaladkad palayo.

Sumakay sya sa motor nya at pinapasakay ako.

"sakay! bilisan mo!" galit na sabi nya.

"hindi mo ba sya dadalhin sa hospital? Baka mapano sya?" pag aalala ko.

"P*ta at concern ka pa talaga sa lalaki mo! Sumakay ka na o gusto mong kaladkadin pa kita!"

"h..hindi mo naiintindihan. Hindi ko sy------"

"SAKAY!!"

Bakit ganun sya magsalita?
Parang hindi sya si Knives.

Dali dali ako sumakay. Pero iniisip ko talaga pano si Rome. Ang kulit naman din nya kasi eh. Ayan tuloy!

Bakit ganun si Knives? Napakamainitin ng ulo nya. Natatakot ako tuloy sa kung anong pwedeng mangyare. Natatakot talaga ako pag nagagalit sya.

--------------------

Guitar Potion (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon