Akiko POV..
"gustong gusto kita" gulat na gulat ako sa sinabi nya.
*dugdug*
"a..ako?" tanong ko.
"oo ikaw! Hindi ko alam bakit ganito ako sayo.. Gusto ko lumayo ka pero pag lumalayo ka mas nahihirapan ako!"
Tama nga ako.. Mukhang nagustuhan ako ni Knives. Naalala ko.. Ilang beses narinig ni Knives boses ko.. Ilang beses akong kumanta sa harap nya.
Kaya baka ganun nga.
Akala ko hindi yun totoo dahil di gumana kay Terrence.Hala hindi nya ko pwedeng magustuhan. Si Maam Terell agad pumasok sa isip ko. Baka magalit yun sakin.
"s..sigurado ka ba?" tanong ko "Knives, h..hindi pwede yang sinasabi mo"
"wala akong paki.. Basta alam ko gusto kita.. Ayokong may lumalapit sayong iba.. At hindi ka pwedeng magkagusto sa iba.."
Sumasakit ulo ko sa mga sinasabi nya.
This time huminahon na sya. Lumapit sya sakin at.."p..pwede mo din ba kong magustuhan?"
---------------------------
Nakahiga na ko at di makatulog..
Jusmiyo aki. Ano ba tong nangyayare?Hindi ko alam ano isasagot sa mga sinasabi nya.
Hindi mo kailangang sumagot ngayon
Dahil sisiguraduhin kong maiinlove ka sakinDi ko makalimutan mga sinabi sakin ni Knives.
Pero ewan ko. May part namang masaya ako dahil ngayon lang may umamin sakin.
May anak na iba kong classmates nun
Samantalang ako? Di ko pa nararanasan masabihan gaya ng mga sinasabi sakin ni Knives.Ooyyyyyy hindiiiii
Hindi ko sya gusto ah. Hinding hindi..*text message*
From: Knives
Psst ganda..From: Knives
Goodnight.From: Knives
Sabay tayo bukas ahFrom: Knives
Ilove you Aki.Luh?? Andami nyang text Parang ano to. Kinikilabutan ako sa iloveyou. Ang gwapo mo Knives para mag ilove you sakin.
Pero sa totoo lang ang sweet nya. Hanggang sa pag uwi. Hindi nya binibitawan yung kamay ko. Alam mo yung kahit tanggalin ko kinukuha nya. yuck di kami bagay .. ano ba?!
Tyaka anong sabay sinasabi neto. Sabay kami bukas? Nooo.
Hindi pwede to.
Hanggat maaga pigilan mo Akiko.
Wag ka papadala sa mga ganyan nakuuuuuu yari tayo neto.To: Knives
Maaga ako papasok bukas eh
Night din. -text koFrom: Knives
No prob. Mag aadjust ako.Hala Knives ano ba yan? Hayssss di ko na sya rereplyan at natulog ako agad.
Aagahan ko na lang ng bongga bukas.------------
Kinabukasan..
Nagmamadali ako kumilos at baka makasabay ko si Knives paglabas.
Kinakabahan ako ba't ganito?
Nagmatyag muna ako paglabas ng kwarto. Aba wala..
Pati sa baba.. WalaNagmadali ako sa paglabas ng mansion... Buti naman wala.
Napasandal ako sa gate. Hayyy napangiti ako. Nakahinga din ng maluwag. Hay naku Knives. Bat mo ko pinapahirapan ng ganito.
Psst..
Nagulat ako dahil may sumitsit sakin.
Knives..
Nasa kabilang side lang sya, sa kaharap ng bahay nila. Inaabangan nya pala ako dito sa labas. Sakay ng motor nya.
Mygaaadddd
"sakay" sumenyas sya na sumakay daw ako.
Ayoko nga mamaya makita pa kami ng nanay nya noh.
Sumenyas ako ng hindi at naglakad na palayo. Sorry ayoko sya tingnan.
BROOM BROOM BROOM!!!!!!!
Juskopo. In-on nya yung motor nya at sobrang ingaayyyyyyyy nataranta ako! Ano ba! Tahimik sa village tapos mag iingay sya ng ganyanm Napakaeskandaloso netong lalaki na to!!
Nagtatakbo ako at pinalo sya
"marinig ka ng mommy mo" tawa naman sya ng tawa."kaya sumakay ka na" sabi nya.
Tumingin ako sa mansion.
Kailangan ko makasakay hanggat wala pang gising."h..hindi nga ako marunong sumakay" anlaki kasi ng motor nya.
"ok sige bubuhatin kita" pababa na sya ng motor nya.
"hindi hindi.. Kaya ko na wag na" nakita ko na naman syang ngumisi.
Pinagtitripan nya ata ako.Ewan ko ba ora mismo napasakay ako ang hirap nakapalda akong mahaba pisti. Nagpapalda naman ako kaya lang mahahaba. Never kasi ako nagpalda above the knee.
Humawak ako sa balikat nya.
"oh bat dyan ka nakahawak?" sabi nya.
"bakit? San ba dapat?" tanong ko.
Kinuha nya yung kamay ko.
Hinalikan nya muna ito bago nilagay sa bewang nya. P..Para akong nakayakap sa kanya.Juskooooo namula ako ng sobraaaaaa
"ayoko" sabi ko. Binalik ko yung kamay ko sa balikat nya.
Kinuha nya ulit kamay ko at binalik sa pagkakayakap sa kanya.
"pwes gusto ko"
-------------------
BINABASA MO ANG
Guitar Potion (Complete)
Romance"hindi kita papatayin sa saksak o sa baril, pero kaya kita patayin sa selos" Akiko Red is a simple college student. Sya yung tipo ng taong di kapansin pansin but she has a secret. Sa boses at gitara nya kaya nyang paibigin ang kahit na sinong lalak...